< Mga Awit 82 >
1 Tumatayo ang Diyos sa banal na pagtitipon; sa kalagitnaan ng mga diyos, nagbibigay siya ng paghatol.
Cantique d’Asaph. Dieu se tient dans l’assemblée du Tout-Puissant; au milieu des dieux il rend son arrêt:
2 Gaano katagal kang hahatol nang walang katarungan at magpapakita ng pagtatangi sa masasama? (Selah)
« Jusques à quand jugerez-vous injustement, et prendrez-vous parti pour les méchants? — Séla.
3 Ipagtanggol mo ang mahihirap at mga ulila sa ama; panatilihin mo ang mga karapatan ng pinapahirapan at dukha.
« Rendez justice au faible et à l’orphelin, faites droit au malheureux et au pauvre,
4 Sagipin mo ang mahihirap at nangangailangan; alisin mo (sila) sa kamay ng masasama.
sauvez le misérable et l’indigent, délivrez-les de la main des méchants.
5 Hindi nila nalalaman ni nauunawaan; nagpapalabuy-laboy (sila) sa kadiliman; lahat ng mga pundasyon ng lupa ay gumuguho.
« Ils n’ont ni savoir ni intelligence, ils marchent dans les ténèbres; tous les fondements de la terre sont ébranlés.
6 Sinabi ko, “Kayo ay mga diyos, at lahat kayong mga anak ng Kataas-taasan.
« J’ai dit: Vous êtes des dieux, vous êtes tous les fils du Très-Haut.
7 Gayumpaman mamamatay kayo tulad ng mga tao at babagsak tulad ng isa sa mga prinsipe.”
Cependant, vous mourrez comme des hommes, vous tomberez comme le premier venu des princes. »
8 Bumangon, O Diyos, hatulan mo ang daigdig, dahil mamanahin mo ang lahat ng mga bansa.
Lève-toi, ô Dieu, juge la terre, car toutes les nations t’appartiennent.