< Mga Awit 82 >

1 Tumatayo ang Diyos sa banal na pagtitipon; sa kalagitnaan ng mga diyos, nagbibigay siya ng paghatol.
God presides in the great assembly. He judges among the deities.
2 Gaano katagal kang hahatol nang walang katarungan at magpapakita ng pagtatangi sa masasama? (Selah)
“How long will you judge unjustly, and show partiality to the wicked?” (Selah) ·contemplation with musical interlude·.
3 Ipagtanggol mo ang mahihirap at mga ulila sa ama; panatilihin mo ang mga karapatan ng pinapahirapan at dukha.
“Defend the weak, the poor, and the fatherless. Maintain the rights of the poor and oppressed.
4 Sagipin mo ang mahihirap at nangangailangan; alisin mo (sila) sa kamay ng masasama.
Rescue the weak and needy. Deliver them out of the hand of the wicked.”
5 Hindi nila nalalaman ni nauunawaan; nagpapalabuy-laboy (sila) sa kadiliman; lahat ng mga pundasyon ng lupa ay gumuguho.
They don’t know, neither do they understand. They walk back and forth in darkness. All the foundations of the earth are shaken.
6 Sinabi ko, “Kayo ay mga diyos, at lahat kayong mga anak ng Kataas-taasan.
I said, “You are elohim ·judges, gods·, all of you are sons of haElyon [the Most High].
7 Gayumpaman mamamatay kayo tulad ng mga tao at babagsak tulad ng isa sa mga prinsipe.”
Nevertheless you shall die like men, and fall like one of the rulers.”
8 Bumangon, O Diyos, hatulan mo ang daigdig, dahil mamanahin mo ang lahat ng mga bansa.
Arise, God, judge the earth, for you inherit all of the nations.

< Mga Awit 82 >