< Mga Awit 81 >
1 Umawit nang malakas sa Diyos ng aming kalakasan; sumigaw nang may kagalakan para sa Diyos ni Jacob.
[For the Chief Musician. On an instrument of Gath. By Asaph.] Sing aloud to God, our strength. Make a joyful shout to the God of Jacob.
2 Umawit at tumugtog ng tamburin, ng kaaya-ayang lira kasama ng alpa.
Raise a song, and bring here the tambourine, the pleasant lyre with the harp.
3 Hipan ang sungay ng lalaking tupa sa araw ng bagong buwan, sa araw ng kabilugan ng buwan, kapag nagsimula ang araw ng aming kapistahan.
Blow the trumpet at the New Moon, at the full moon, on our feast day.
4 Dahil ito ay isang batas para sa Israel, isang kautusan na ibinigay ng Diyos ni Jacob.
For it is a statute for Israel, an ordinance of the God of Jacob.
5 Nagpalabas siya nito bilang isang patakaran kay Jose noong siya ay nagtungo sa lupain ng Ehipto, kung saan nakarinig ako ng wika na hindi ko naintindihan.
He appointed it in Joseph for a testimony, when he went out over the land of Egypt, I heard a language that I did not know.
6 “Inalis ko ang pasanin mula sa kaniyang balikat; ang kaniyang mga kamay ay nakalaya mula sa pagkakahawak ng basket.
"I removed his shoulder from the burden. His hands were freed from the basket.
7 Sa iyong pagdadalamhati ikaw ay tumawag, at tinulungan kita; Tinugon kita mula sa isang madilim na ulap na may kasamang kulog. Sinubok kita sa mga tubig ng Meriba. (Selah)
You called in trouble, and I delivered you. I answered you in the secret place of thunder. I tested you at the waters of Meribah." (Selah)
8 Makinig kayo, aking bayan, dahil babalaan ko kayo, Israel, kung makikinig lamang kayo sa akin!
"Hear, my people, and I will testify to you, Israel, if you would listen to me.
9 Walang dapat na maging dayuhang diyos sa inyo; hindi ninyo dapat sambahin ang anumang dayuhang diyos.
There shall be no strange god in you, neither shall you worship any foreign god.
10 Ako si Yahweh na inyong Diyos, na naglabas sa inyo mula sa lupa ng Ehipto. Ibuka ninyo nang malaki ang inyong bibig, at pupunuin ko ito.
I am the LORD, your God, who brought you up out of the land of Egypt. Open your mouth wide, and I will fill it.
11 Pero hindi nakinig ang aking bayan sa aking mga salita; hindi ako sinunod ng Israel.
But my people did not listen to my voice. Israel desired none of me.
12 Kaya hinayaan ko (sila) na sundin ang katigasan ng sarili nilang pamamaraan para maaari nilang gawin kung ano sa tingin nila ang tama.
So I let them go after the stubbornness of their hearts, that they might walk in their own counsels.
13 O, nawa makinig ang aking bayan sa akin; O, nawa lumakad sa aking mga landas ang aking bayan.
Oh that my people would listen to me, that Israel would walk in my ways.
14 Pagkatapos agad kong pasusukuin ang kanilang mga kaaway at ibabaling ko ang aking kamay laban sa mga nang-aapi sa kanila.
I would soon subdue their enemies, and turn my hand against their adversaries.
15 Nawa ang mga napopoot kay Yahweh ay yumuko nang may takot sa harap niya! Nawa (sila) ay mapahiya magpakailanman.
The haters of the LORD would cringe before him, and their punishment would last forever.
16 Pakakainin ko ang Israel ng pinakamainam na trigo; pasisiyahin ko kayo ng pulot na lumalabas mula sa bato.”
And he would have fed him with the finest wheat, and satisfied you with honey from the rock."