< Mga Awit 80 >
1 Bigyang pansin mo, Pastol ng Israel, ikaw na nangunguna kay Jose tulad ng isang kawan; ikaw na nakaupo sa ibabaw ng kerubin, magliwanag ka sa amin!
Melusi kaIsrayeli, beka indlebe, okhokhela uJosefa njengomhlambi, ohlezi phakathi kwamakherubhi, khanyisa.
2 Sa paningin ni Efraim at Benjamin at Manases, palakasin mo ang iyong kapangyarihan; lumapit ka at iligtas kami.
Phambi kukaEfrayimi loBhenjamini loManase vusa amandla akho, uze ube lusindiso lwethu.
3 O Diyos, panumbalikin mo kaming muli; pagliwanagin mo ang iyong mukha sa amin, at kami ay maliligtas.
Siphendule, Nkulunkulu, wenze ubuso bakho bukhanye, ngakho sizasindiswa.
4 Yahweh Diyos ng mga hukbo, hanggang kailan ka magagalit sa iyong bayan kapag (sila) ay nananalangin?
Nkosi Nkulunkulu wamabandla, koze kube nini uthukuthelela umkhuleko wabantu bakho?
5 Pinakain mo (sila) ng tinapay ng luha at binigyan (sila) ng napakaraming luha para mainom.
Ubenze badla isinkwa sezinyembezi, wabanathisa izinyembezi ngesilinganiso.
6 Ginagawan mo kami ng bagay para pagtalunan kami ng aming kapwa, at pinagtatawanan kami ng aming mga kaaway.
Usenza sibe yingxabano kubomakhelwane bethu, lezitha zethu ziyahlekisana ngathi.
7 Diyos ng mga hukbo, panumbalikin mo kami; pagliwanagin mo ang iyong mukha sa amin, at kami ay maliligtas.
Siphendule, Nkulunkulu wamabandla, wenze ubuso bakho bukhanye, ngakho sizasindiswa.
8 Nagdala ka ng puno ng ubas mula sa Egipto; pinalayas mo ang mga bansa at itinanim ito sa ibang lugar.
Waliletha ivini livela eGibhithe, wazixotsha izizwe, walihlanyela lona.
9 Nilinis mo ang lupain para dito; nag-ugat ito at pinuno ang lupain.
Walungisa indawo phambi kwalo, wagxilisa impande zalo, laze lagcwala umhlaba.
10 Ang mga bundok ay natakpan ng lilim nito, ang pinakamataas na mga puno ng sedar ng Diyos sa mga sanga nito.
Izintaba zembeswa ngomthunzi walo, lezingatsha zalo zinjengemisedari kaNkulunkulu.
11 Umaabot ang mga sanga nito hanggang sa dagat at mga usbong nito hanggang sa Ilog Eufrates.
Lanabisela ingatsha zalo elwandle, lamahlumela alo emfuleni.
12 Bakit mo winasak ang mga pader nito para ang lahat ng dumaraan ay pipitas ng bunga nito?
Uyibhobozeleni imiduli yalo, ukuze balikhe bonke abadlula ngendlela?
13 Sinisira ito ng mga baboy-ramong nasa gubat, at kinakain ito ng mga halimaw sa bukid.
Ingulube yasehlathini iyalihlikiza, lenyamazana yeganga iyalidla.
14 Bumalik ka, Diyos ng mga hukbo; pagmasdan mo mula sa langit at pansinin at alagaan ang puno ng ubas na ito.
Nkulunkulu wamabandla, akubuyele, ukhangele phansi usemazulwini, ubone, wethekelele lelivini,
15 Ito ang ugat na itinanim ng iyong kanang kamay, ang usbong na pinalago mo
ngitsho isivini isandla sakho sokunene esasihlanyelayo, lendodanaowaziqinisela yona.
16 Ito ay sinunog at pinutol; nawa mapuksa ang iyong mga kaaway dahil sa iyong pagsaway.
Sitshisiwe ngomlilo, saqunyelwa phansi; bayabhubha ngokukhuza kobuso bakho.
17 Nawa ang iyong kamay ay maipatong sa taong iyong kanang kamay, sa anak ng tao na pinalakas mo para sa iyong sarili.
Isandla sakho kasibe phezu komuntu wesandla sakho sokunene, phezu kwendodana yomuntu, oziqinisele yona.
18 Sa gayon hindi kami tatalikod mula sa iyo; pasiglahin mo kami, at tatawag kami sa iyong pangalan.
Ngakho kasiyikubuyela emuva sisuke kuwe; sivuselele, khona sizabiza ibizo lakho.
19 Ibalik mo kami, Yahweh, Diyos ng mga hukbo; magliwanag ka sa amin, at kami ay maliligtas.
Nkosi, Nkulunkulu wamabandla, siphendule, wenze ubuso bakho bukhanye, ngakho sizasindiswa.