< Mga Awit 79 >

1 O Diyos, ang mga dayuhang bansa ay dumating sa iyong pamana; dinungisan nila ang iyong banal na templo; ginawa nilang isang bunton ng pagkawasak ang Jerusalem.
Боже, приидоша языцы в достояние Твое, оскверниша храм святый Твой,
2 Ibinigay nila ang mga patay na katawan ng iyong mga lingkod bilang pagkain ng mga ibon sa himpapawid, ang mga katawan ng iyong tapat na bayan sa mga halimaw ng daigdig.
положиша Иерусалим яко овощное хранилище: положиша трупия раб Твоих брашно птицам небесным, плоти преподобных Твоих зверем земным:
3 Ibinuhos nila ang kanilang dugo na parang tubig sa paligid ng Jerusalem, at walang naglilibing sa kanila.
пролияша кровь их яко воду окрест Иерусалима, и не бе погребаяй.
4 Kami ay naging isang kasiraan para sa aming mga kapwa para magawan ng panunuya at pangungutya ng mga nakapaligid sa amin.
Быхом поношение соседом нашым, подражнение и поругание сущым окрест нас.
5 Gaano katagal, Yahweh? Mananatili ba ang iyong galit magpakailanman? Gaano katagal mag-iinit tulad ng apoy ang galit ng iyong pagseselos?
Доколе, Господи, прогневаешися до конца? Разжжется яко огнь рвение Твое?
6 Ibuhos mo ang iyong poot sa mga bansa na hindi nakakakilala sa iyo at sa mga kaharian na hindi tumatawag sa iyong pangalan.
Пролий гнев Твой на языки незнающыя Тебе, и на царствия, яже имене Твоего не призваша:
7 Dahil nilamon nila si Jacob at winasak ang kaniyang mga nayon.
яко поядоша Иакова, и место его опустошиша.
8 Huwag ibilang ang mga kasalanan ng aming mga ninuno laban sa amin; dumating nawa ang mga mahabaging pagkilos mo sa amin, dahil napakahina namin.
Не помяни наших беззаконий первых: скоро да предварят ны щедроты Твоя, Господи, яко обнищахом зело.
9 Tulungan mo kami, Diyos ng aming kaligtasan, alang-alang sa kaluwalhatian ng iyong pangalan; iligtas mo kami at patawarin ang aming mga kasalanan alang-alang sa iyong pangalan.
Помози нам, Боже, Спасителю наш, славы ради имене Твоего: Господи, избави ны и очести грехи нашя имене ради Твоего.
10 Bakit kailangan sabihin ng mga bansa, “Nasaan ang kanilang Diyos?” Nawa ang dugo ng iyong mga lingkod na ibinuhos ay maipaghiganti sa mga bansang nasa harap ng aming mga mata.
Да не когда рекут языцы: где есть Бог их? И да увестся во языцех пред очима нашима отмщение крове раб Твоих пролитыя.
11 Nawa ang mga pagdaing ng mga bilanggo ay dumating sa harap mo; sa kadakilaan ng iyong kapangyarihan panatilihin mong buhay ang mga anak ng kamatayan.
Да внидет пред Тя воздыхание окованных: по величию мышцы Твоея снабди сыны умерщвленных.
12 Pagbayarin mo sa mga kandungan ng aming mga karatig- bansa ng pitong beses ang mga pang-iinsulto sa iyo, Panginoon.
Воздаждь соседом нашым седмерицею в недро их поношение их, имже поносиша Тя, Господи.
13 Kaya kami na bayan mo at tupa ng iyong pastulan ay magbibigay ng pasasalamat sa iyo magpakailanman. Sasabihin namin ang iyong mga papuri sa lahat ng mga salinlahi.
Мы же людие Твои и овцы пажити Твоея исповемыся Тебе, Боже, во век, в род и род возвестим хвалу Твою.

< Mga Awit 79 >