< Mga Awit 77 >
1 Tatawag ako sa Diyos gamit ang aking tinig; tatawag ako sa Diyos gamit ang aking tinig, at diringgin ako ng aking Diyos.
Mi voz a Dios, y clamé: mi voz a Dios, y él me escuchará.
2 Sa mga araw ng aking mga kaguluhan, hinanap ko ang Panginoon; sa gabi, inunat ko ang aking mga kamay, at hindi nito nagawang mapagod. Tumanggi akong mapanatag.
En el día de mi angustia al Señor busqué: mi llaga se desangraba de noche, sin estancarse: mi alma no quería consuelo.
3 Inisip ko ang Diyos habang naghihinagpis ako; inisip ko siya habang nanghihina ako. (Selah)
Acordábame de Dios, y me sobresaltaba: quejábame, y desmayaba mi espíritu. (Selah)
4 Binuksan mo ang aking mga mata; labis akong nabahala para magsalita.
Tenías los párpados de mis ojos: estaba quebrantado, y no hablaba.
5 Iniisip ko ang nakaraan, tungkol sa mga panahong matagal nang nakalipas.
Contaba los días desde el principio: los años de los siglos.
6 Sa kahabaan ng gabi inaalala ko ang awit na minsan kong inawit. Nag-isip akong mabuti at sinubukang unawain ang nangyari.
Acordábame de mis canciones de noche: meditaba con mi corazón, y mi espíritu escudriñaba.
7 Tatanggihan ba ako ng Panginoon habang buhay? Hindi na ba niya muli ipakikita ang kaniyang tulong?
¿Desechará el Señor para siempre, y no volverá más a amar?
8 Ang kaniya bang katapatan sa tipan ay wala na habang buhay?
¿Háse acabado para siempre su misericordia? ¿Háse acabado la palabra para generación y generación?
9 Habangbuhay na bang bigo ang kaniyang pangako? Nakalimutan na ba ng Diyos na maging mapagbigay-loob? Napigil na ba ng galit ang kaniyang habag? (Selah)
¿Ha olvidado Dios el haber misericordia? ¿Ha encerrado con la ira sus misericordias? (Selah)
10 Sabi ko, “Ito ang aking hinagpis: ang pagbabago ng kanang kamay ng Makapangyarihang Diyos sa atin.”
Y dije: Enfermedad mía es. En los años de la diestra del Altísimo.
11 Pero, aalalahanin ko ang mga ginawa mo Yahweh; Iisipin ko ang mga kahanga-hangang mga ginawa mo noon.
Acordábame de las obras de Jehová: por tanto me acordé de tus maravillas antiguas.
12 Pagninilay-nilayan ko ang lahat ng mga ginawa mo at pagmumuni-munihin ko ang mga iyon.
Y meditaba en todas tus obras, y hablaba de tus hechos.
13 Ang paraan ninyo O Diyos ay banal; anong diyos-diyosan ang maihahambing sa aming dakilang Diyos?
O! Dios, en santidad es tu camino, ¿Quién es Dios grande, como el Dios nuestro?
14 Ikaw ang Diyos na gumagawa ng mga kababalaghan; ipinakita mo ang iyong lakas sa mga tao.
Tú eres el Dios que hace maravillas, haciendo notoria en los pueblos tu fortaleza.
15 Binigyan mo ng tagumpay ang iyong bayan sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan - ang mga kaapu-apuhan ni Jacob at Jose. (Selah)
Redímiste con brazo tu pueblo, los hijos de Jacob y de José. (Selah)
16 Nakita ka ng katubigan O Diyos; nakita ka ng katubigan, at natakot (sila) ang kailaliman ng tubig ay nanginig.
Viéronte las aguas, o! Dios, las aguas te vieron, temieron, también temblaron los abismos.
17 Nagbuhos ng tubig ang mga ulap; ang kalangitan ay kumulog; kumikislap ang iyong mga palaso sa buong paligid.
Las nubes echaron inundaciones de aguas: los cielos dieron voz; asimismo discurrieron tus rayos.
18 Ang madagundong mong boses ay narinig sa hangin; inilawan ng kidlat ang mundo; nanginig at nayanig ito.
El sonido de tus truenos anduvo en cerco: los relámpagos alumbraron al mundo: la tierra se estremeció, y tembló.
19 Papunta sa dagat ang iyong landas at ang iyong daan ay patungo sa umaalong tubig, pero ang mga bakas ng iyong mga paa ay hindi nakita.
En la mar estuvo tu camino: y tus sendas en las muchas aguas; y tus pisadas no fueron conocidas.
20 Inakay mo ang iyong bayan tulad ng isang kawan sa pamamagitan ng mga kamay ni Moises at Aaron.
Llevaste, como ovejas, tu pueblo, por mano de Moisés, y de Aarón.