< Mga Awit 77 >

1 Tatawag ako sa Diyos gamit ang aking tinig; tatawag ako sa Diyos gamit ang aking tinig, at diringgin ako ng aking Diyos.
In finem, pro Idithun, Psalmus Asaph. Voce mea ad Dominum clamavi: voce mea ad Deum, et intendit mihi.
2 Sa mga araw ng aking mga kaguluhan, hinanap ko ang Panginoon; sa gabi, inunat ko ang aking mga kamay, at hindi nito nagawang mapagod. Tumanggi akong mapanatag.
In die tribulationis meæ Deum exquisivi, manibus meis nocte contra eum: et non sum deceptus. Renuit consolari anima mea,
3 Inisip ko ang Diyos habang naghihinagpis ako; inisip ko siya habang nanghihina ako. (Selah)
memor fui Dei, et delectatus sum, et exercitatus sum: et defecit spiritus meus.
4 Binuksan mo ang aking mga mata; labis akong nabahala para magsalita.
Anticipaverunt vigilias oculi mei: turbatus sum, et non sum locutus.
5 Iniisip ko ang nakaraan, tungkol sa mga panahong matagal nang nakalipas.
Cogitavi dies antiquos: et annos æternos in mente habui.
6 Sa kahabaan ng gabi inaalala ko ang awit na minsan kong inawit. Nag-isip akong mabuti at sinubukang unawain ang nangyari.
Et meditatus sum nocte cum corde meo, et exercitabar, et scopebam spiritum meum.
7 Tatanggihan ba ako ng Panginoon habang buhay? Hindi na ba niya muli ipakikita ang kaniyang tulong?
Numquid in æternum proiiciet Deus: aut non apponet ut complacitior sit adhuc?
8 Ang kaniya bang katapatan sa tipan ay wala na habang buhay?
Aut in finem misericordiam suam abscindet, a generatione in generationem?
9 Habangbuhay na bang bigo ang kaniyang pangako? Nakalimutan na ba ng Diyos na maging mapagbigay-loob? Napigil na ba ng galit ang kaniyang habag? (Selah)
Aut obliviscetur misereri Deus? aut continebit in ira sua misericordias suas?
10 Sabi ko, “Ito ang aking hinagpis: ang pagbabago ng kanang kamay ng Makapangyarihang Diyos sa atin.”
Et dixi nunc cœpi: hæc mutatio dexteræ Excelsi.
11 Pero, aalalahanin ko ang mga ginawa mo Yahweh; Iisipin ko ang mga kahanga-hangang mga ginawa mo noon.
Memor fui operum Domini: quia memor ero ab initio mirabilium tuorum,
12 Pagninilay-nilayan ko ang lahat ng mga ginawa mo at pagmumuni-munihin ko ang mga iyon.
et meditabor in omnibus operibus tuis: et in adinventionibus tuis exercebor.
13 Ang paraan ninyo O Diyos ay banal; anong diyos-diyosan ang maihahambing sa aming dakilang Diyos?
Deus in sancto via tua: quis Deus magnus sicut Deus noster?
14 Ikaw ang Diyos na gumagawa ng mga kababalaghan; ipinakita mo ang iyong lakas sa mga tao.
Tu es Deus qui facis mirabilia. Notam fecisti in populis virtutem tuam:
15 Binigyan mo ng tagumpay ang iyong bayan sa pamamagitan ng iyong dakilang kapangyarihan - ang mga kaapu-apuhan ni Jacob at Jose. (Selah)
redemisti in brachio tuo populum tuum, filios Iacob, et Ioseph.
16 Nakita ka ng katubigan O Diyos; nakita ka ng katubigan, at natakot (sila) ang kailaliman ng tubig ay nanginig.
Viderunt te aquæ Deus, viderunt te aquæ: et timuerunt, et turbatæ sunt abyssi.
17 Nagbuhos ng tubig ang mga ulap; ang kalangitan ay kumulog; kumikislap ang iyong mga palaso sa buong paligid.
Multitudo sonitus aquarum: vocem dederunt nubes. Etenim sagittæ tuæ transeunt:
18 Ang madagundong mong boses ay narinig sa hangin; inilawan ng kidlat ang mundo; nanginig at nayanig ito.
vox tonitrui tui in rota. Illuxerunt coruscationes tuæ orbi terræ: commota est et contremuit terra.
19 Papunta sa dagat ang iyong landas at ang iyong daan ay patungo sa umaalong tubig, pero ang mga bakas ng iyong mga paa ay hindi nakita.
In mari via tua, et semitæ tuæ in aquis multis: et vestigia tua non cognoscentur.
20 Inakay mo ang iyong bayan tulad ng isang kawan sa pamamagitan ng mga kamay ni Moises at Aaron.
Deduxisti sicut oves populum tuum, in manu Moysi et Aaron.

< Mga Awit 77 >