< Mga Awit 75 >

1 O Diyos, kami ay magbibigay ng pasasalamat sa iyo; nagpapasalamat kami sa iyo dahil ipinakita mo ang iyong presensya; sinasabi ng mga tao ang iyong kahanga-hangang mga gawa.
Kami ay nagpapasalamat sa iyo, Oh Dios: kami ay nagpapasalamat, sapagka't ang iyong pangalan ay malapit: isinasaysay ng mga tao ang iyong mga kagilagilalas na gawa.
2 Sa takdang panahon, hahatol ako ng patas.
Pagka aking nakamtan ang takdang kapanahunan, hahatol ako ng matuwid.
3 Kahit na ang mundo at lahat ng mga naninirahan ay nanginginig sa takot, papanatagin ko ang mga haligi ng daigdig. (Selah)
Ang lupa at lahat na tagarito ay natutunaw: aking itinayo ang mga haligi niyaon. (Selah)
4 Sinabi ko sa mga arogante, “Huwag kayong maging mayabang,” at sa masasama, “Huwag kayong magtiwala sa tagumpay.
Aking sinabi sa hambog, Huwag kang gumawang may kahambugan: at sa masama, Huwag kang magtaas ng sungay:
5 Huwag magpakasiguro na magtatagumpay kayo; huwag kayong taas-noong magsalita.
Huwag mong itaas ang iyong sungay ng mataas; huwag kang magsalitang may matigas na ulo.
6 Hindi dumarating ang tagumpay mula sa silangan, mula sa kanluran, o mula sa ilang.
Sapagka't hindi man mula sa silanganan, o mula man sa kalunuran, o mula man sa timugan, ang pagkataas.
7 Pero ang Diyos ang hukom; binababa niya ang isa at itinataas ang iba.
Kundi ang Dios ay siyang hukom: kaniyang ibinababa ang isa, at itinataas ang isa.
8 Dahil hawak ni Yahweh ang kopa na may bumubulang alak sa kaniyang kamay, na may halong mga pampalasa, at ibinubuhos ito. Tunay nga, ang lahat ng masasama sa daigdig ay iinumin ito hanggang sa huling patak.
Sapagka't sa kamay ng Panginoon ay may isang saro, at ang alak ay bumubula; puno ng pagkakahalohalo, at kaniyang inililiguwak din: tunay na ibubuhos ng lahat na masama sa lupa ang latak, at iinumin.
9 Pero patuloy kong sasabihin kung ano ang iyong nagawa; aawit ako ng papuri sa Diyos ni Jacob.
Nguni't aking ipahahayag magpakailan man, ako'y aawit ng mga kapurihan sa Dios ni Jacob.
10 Sinasabi niya, “Aking puputulin ang lahat ng mga sungay ng masasama, pero ang mga sungay ng matutuwid ay itataas.”
Lahat ng mga sungay naman ng masama ay aking ihihiwalay; nguni't ang mga sungay ng matuwid ay matataas.

< Mga Awit 75 >