< Mga Awit 74 >

1 O Diyos, bakit mo kami laging tinatanggihan? Bakit ang iyong galit ay nag-aalab laban sa mga tupa ng iyong pastulan?
Asaf'ın Maskili Ey Tanrı, neden bizi sonsuza dek reddettin? Niçin otlağının koyunlarına karşı öfken tütmekte?
2 Alalahanin mo ang iyong bayan, na iyong tinubos noong sinaunang panahon, na iyong binili para maging sarili mong pamana, at sa Bundok ng Sion, kung saan ka nananahan.
Anımsa geçmişte sahiplendiğin topluluğu, Kendi halkın olsun diye kurtardığın oymağı Ve üzerine konut kurduğun Siyon Dağı'nı.
3 Halika, tingnan mo ang mga lubos na pagkawasak, lahat ng pininsala na ginawa ng kaaway sa banal na lugar.
Yönelt adımlarını şu onarılmaz yıkıntılara doğru, Düşman kutsal yerdeki her şeyi yıktı.
4 Ang iyong mga kalaban ay umatungal sa gitna ng iyong itinakdang lugar; inilagay nila ang kanilang mga bandila.
Düşmanların bizimle buluştuğun yerde kükredi, Zafer simgesi olarak kendi bayraklarını dikti.
5 Sinibak nila gamit ang mga palakol gaya ng sa makapal na gubat.
Gür bir ormana Baltayla dalar gibiydiler.
6 Dinurog at sinira nila ang lahat ng mga inukit; sinira nila iyon gamit ang mga palakol at maso.
Baltayla, balyozla kırdılar, Bütün oymaları.
7 Sinunog nila ang iyong santuwaryo; nilapastangan nila kung saan ka naninirahan, at giniba ito.
Ateşe verdiler tapınağını, Yerle bir edip kutsallığını bozdular Adının yaşadığı konutun.
8 Sinabi nila sa kanilang mga puso, “Wawasakin namin silang lahat. “Sinunog nila ang lahat ng iyong mga tagpuang lugar sa lupain.
İçlerinden, “Hepsini ezelim!” dediler. Ülkede Tanrı'yla buluşma yerlerinin tümünü yaktılar.
9 Hindi na kami nakakikita ng anumang mga himala mula sa Diyos; wala ng propeta, at walang sinuman sa atin ang nakakaalam kung gaano ito tatagal.
Artık kutsal simgelerimizi görmüyoruz, Peygamberler de yok oldu, İçimizden kimse bilmiyor ne zamana dek...
10 O Diyos, gaano katagal ka lalaitin ng mga kaaway? Lalapastanganin ba ng kaaway ang iyong pangalan habang panahon?
Ey Tanrı, ne zamana dek düşman sana sövecek, Hasmın senin adını hor görecek?
11 Bakit mo pinipigilan ang iyong kamay, ang iyong kanang kamay? Gamitin mo ang iyong kanang kamay mula sa iyong kasuotan at wasakin (sila)
Niçin geri çekiyorsun elini? Çıkar sağ elini bağrından, yok et onları!
12 Gayumpaman, ang Diyos ang aking naging hari mula pa noong sinaunang panahon, na nagdadala ng kaligtasan sa daigdig.
Ama geçmişten bu yana kralım sensin, ey Tanrı, Yeryüzünde kurtuluş sağladın.
13 Hinati mo ang dagat sa pamamagitan ng iyong lakas; dinurog mo ang mga ulo ng halimaw na nasa dagat.
Gücünle denizi yardın, Canavarların kafasını sularda parçaladın.
14 Dinurog mo ang mga ulo ng leviatan; pinakain mo siya sa mga naninirahan sa ilang.
Livyatan'ın başlarını ezdin, Çölde yaşayanlara onu yem ettin.
15 Binuksan mo ang mga bukal at batis; tinuyo mo ang mga dumadaloy na ilog.
Kaynaklar, dereler fışkırttın, Sürekli akan ırmakları kuruttun.
16 Ang araw ay sa iyo, at ang gabi ay sa iyo rin; nilagay mo ang araw at buwan.
Gün senindir, gece de senin, Ay ve güneşi sen yerleştirdin,
17 Inilagay mo ang lahat ng mga hangganan sa daigdig; ginawa mo ang tag-araw at taglamig.
Yeryüzünün bütün sınırlarını sen saptadın, Yazı da kışı da yaratan sensin.
18 Alalahanin mo, Yahweh, kung paano ka binato ng kaaway ng mga panlalait, at nilapastangan ng mga hangal ang iyong pangalan.
Anımsa, ya RAB, düşmanın sana nasıl sövdüğünü, Akılsız bir halkın, adını nasıl hor gördüğünü.
19 Huwag mong ibigay ang buhay ng iyong kalapati sa isang mabangis na hayop. Huwag mong tuluyang kalimutan ang buhay ng iyong inaping bayan magpakailanman.
Canavara teslim etme kumrunun canını, Asla unutma düşkün kullarının yaşamını.
20 Alalahanin mo ang iyong tipan, dahil ang madidilim na mga rehiyon sa daigdig ay puno ng mga lugar ng karahasan.
Yaptığın antlaşmayı gözönüne al, Çünkü ülkenin her karanlık köşesi Zorbaların inleriyle dolmuş.
21 Huwag mong hayaang maibalik ang mga inapi sa kahihiyan; nawa purihin ng mahirap at inaapi ang iyong pangalan.
Düşkünler boynu bükük geri çevrilmesin, Mazlumlar, yoksullar adına övgüler dizsin.
22 Tumindig ka, O Diyos; ipagtanggol mo ang iyong sariling karangalan; alalahanin mo kung paano ka nilait ng mga hangal buong araw.
Kalk, ey Tanrı, davanı savun! Anımsa akılsızların gün boyu sana nasıl sövdüğünü!
23 Huwag mong kalimutan ang tinig ng iyong mga kalaban o sigaw ng mga patuloy na sumasalungat sa iyo.
Unutma hasımlarının yaygarasını, Sana başkaldıranların durmadan yükselen patırtısını!

< Mga Awit 74 >