< Mga Awit 73 >
1 Sadyang mabuti ang Diyos sa Israel sa mga may dalisay na puso.
Toe soaen’ Añahare t’Israele naho o malio añ’arofoo.
2 Pero para sa akin, halos dumulas ang aking mga paa; halos dumulas ang aking mga paa sa aking paghakbang
Aa naho izaho, didý tsy ho nipolatitse o tombokoo; ho nidorasitse o liakoo.
3 dahil nainggit ako sa arogante nang makita ko ang kasaganaan ng masasama.
Ie nitsikirike o mpievoñevoñeo, naho nitreako ty havokara’ o lo-tserekeo,
4 Dahil wala silang sakit hanggang sa kanilang kamatayan, kundi (sila) ay malakas at nakakakain nang mabuti.
Ie tsy manaintaiñe te mihomake, jangañe ka ty sandri’ iareo.
5 Malaya (sila) mula sa mga pasanin tulad ng ibang mga tao; hindi (sila) nahihirapan katulad ng ibang mga tao.
Tsy ampoheke manahake ondatio; mbore tsy tokoen-draha manahake ondaty ila’eo.
6 Ang pagmamalaki ay nagpapaganda sa kanila na tulad ng kwintas na nakapalibot sa kanilang leeg; dinadamitan (sila) ng karahasan tulad ng balabal.
Aa le miravake fiebotseborañe am-bozo’eo; manaroñ’ iareo hoe sikiñe o hasiahañe mandoviakeo.
7 Mula sa ganoong pagkabulag nagmumula ang kasalanan; ang masamang mga kaisipan ay tumatagos sa kanilang mga puso.
Mampibotiritse o fihaino’eo ty solike, etsake naho tampe-draha-irieñe ty tro’e.
8 Nangungutya silang nagsasabi ng mga masasamang bagay; nagmamalaki silang nagbabanta ng karahasan.
Manivetive iereo, mikinia famorekekeañ’ an-karatiañe.
9 Nagsasalita (sila) laban sa kalangitan, at ang kanilang mga dila ay gumagala sa daigdig.
Fa najado’ iareo hiatreatre o likerañeo o falie’ iareoo, mikariokariok’ an-tane atoy o famele’ iareoo.
10 Kaya, ang bayan ng Diyos ay nakikinig sa kanila at ninanamnam ang kanilang mga salita.
Aa le mimpoly atoy ondati’eo, naho genohe’ iereo i rano era’ey.
11 Sinasabi nila, “Paano nalalaman ng Diyos? Alam ba ng Diyos kung ano ang nangyayari?”
Le hoe iereo: Aia te haharofoanan’ Añahare? mahilala hao i Andindimoneñey?
12 Pansinin ninyo: ang mga taong ito ay masama; wala silang inaalala, lalo pa silang nagiging mayaman.
Inay ie, o lo-tserekeo— ie mierañerañe manombo vara avao.
13 Sadyang walang kabuluhan na bantayan ko ang aking puso at hugasan ang aking mga kamay sa kawalang-kasalanan.
Toe tsy vente’e ty nañalioveko ty troko; naho nanasa tañañe an-kalio-tahiñe.
14 Dahil buong araw akong pinahirapan at dinisiplina bawat umaga.
Nalovilovy lomoñandro iraho; vaho nililoveñe boa-maraiñe.
15 Kung aking sinabi, “Sasabihin ko ang mga bagay na ito,” parang pinagtaksilan ko ang salinlahi ng inyong mga anak.
Lehe ataoko te, zao ty ho volañeko; hete! tsy ho nahity amo tariran’ ana’oo.
16 Kahit na sinubukan kong unawain ang mga bagay na ito, napakahirap nito para sa akin.
Fa ie nitsakoreako, haharendreke o raha zao, le nihamokorañe o masokoo,
17 Pagkatapos pumasok ako sa santuwaryo ng Diyos at naunawaan ang kanilang kapalaran.
Ampara’ te niziliheko an-toen’Añahare miavake ao; vaho nahaisake ty figadoña’ iareo.
18 Sadyang inilalagay mo (sila) sa madudulas na mga lugar; dinadala mo (sila) sa pagkawasak.
Toe apo’o an-tane malama iereo; ampikorovohe’o mb’an-karotsahañe ao.
19 Paano (sila) naging disyerto sa isang iglap! Sumapit (sila) sa kanilang wakas at natapos sa kahindik-hindik na takot.
Hoke! akore ty fiantoa’ iareo anianike, Fa binotsa’ ty firevendreveñañe.
20 Katulad (sila) ng panaginip matapos magising; Panginoon, kapag ikaw ay tumindig, wala kang iisiping ganoong mga panaginip.
Hoe nofy t’ie tsekake; ry Talè, ie mivañon-dRehe le ho heje’o vintañ’ iareo.
21 Dahil nagdalamhati ang aking puso, at ako ay labis na nasugatan.
Fa nikokentrekokentreñe ty troko naho niteveke ty an-tsapavoako ao,
22 Ako ay mangmang at kulang sa pananaw; ako ay katulad ng walang alam na hayop sa harapan mo.
Akore ty hanèko naho ty habahimoako, hoe biby añatrefa’o eo.
23 Gayumpaman, ako ay palaging kasama mo; hawak mo ang aking kanang kamay.
Fe mpiama’o nainai’e iraho; rinambe’o ty tañako havana,
24 Gagabayan mo ako ng iyong payo at pagkatapos tanggapin mo ako sa kaluwalhatian.
Hiaoloa’o ami’ty fanoroa’o, vaho ho rambese’o mb’añ’engeñe mb’eo.
25 Sino ang hahanapin ko sa langit bukod sa iyo? Walang sinuman na nasa daigdig ang aking ninanais kundi ikaw.
Ia ro ahiko an-dikerañe ao, naho tsy Ihe? le tsy amam-pisalalàko an-tane atoy naho tsy Ihe.
26 Humina man ang aking katawan at ang aking puso, pero ang Diyos ang lakas ng aking puso magpakailanman.
Milesa ty nofoko naho o ovakoo, fa i Andrianañahare ro haozaran- troko naho ty anjarako nainai’e.
27 Ang mga malayo sa iyo ay mamamatay; wawasakin mo ang lahat ng mga taksil sa iyo.
Toe hihomake ze lavits’ Azo; songa aitoa’o ze miamboho ama’o hañarapiloa’e.
28 Pero para sa akin, ang kailangan ko lang gawin ay lumapit sa Diyos. Ginawa kong kublihan si Yahweh na aking Panginoon. Ipahahayag ko ang lahat ng iyong mga gawa.
Fe soa ho ahy ty fañarineako aman’Añahare, fipalirako t’i Iehovà Talè, hataliliko iaby o tolon-draha’oo.