< Mga Awit 72 >

1 Ibigay mo sa hari ang iyong mga matuwid na mga tuntunin, O Diyos, ang iyong katuwiran sa anak na lalaki ng hari.
Des Salomo. Gott, gib dein Gericht dem König und deine Gerechtigkeit des Königs Sohne,
2 Hatulan niya nawa ang mga tao nang may katuwiran at ang mahihirap na may katarungan.
daß er dein Volk richte mit Gerechtigkeit und deine Elenden rette.
3 Magbunga nawa ang mga kabundukan ng kapayapaan sa bayan; magbunga nawa ng katuwiran ang mga burol.
Laß die Berge den Frieden bringen unter das Volk und die Hügel die Gerechtigkeit.
4 Hatulan niya nawa ang mahihirap sa bayan; iligtas niya nawa ang mga anak ng nangangailangan at pira-pirasuhin ang mga mapang-api.
Er wird das elende Volk bei Recht erhalten und den Armen helfen und die Lästerer zermalmen.
5 Parangalan nila nawa ikaw habang nananatili ang araw, at hangga’t ang buwan ay nananatili sa lahat ng salinlahi.
Man wird dich fürchten, solange die Sonne und der Mond währt, von Kind zu Kindeskindern.
6 Bumaba siya nawa tulad ng ulan sa tuyong damo, tulad ng ambon na dinidiligan ang mundo.
Er wird herabfahren wie der Regen auf die Aue, wie die Tropfen, die das Land feuchten.
7 Umunlad nawa ang matuwid sa kaniyang mga araw at magkaroon nawa ng kasaganahan ng kapayapaan hanggang sa mawala ang buwan.
Zu seinen Zeiten wird erblühen der Gerechte und großer Friede, bis daß der Mond nimmer sei.
8 Magkaroon nawa siya ng kapangyarihan mula mga dagat, at mula sa Ilog hanggang sa dulo ng mundo.
Er wird herrschen von einem Meer bis ans andere und von dem Strom an bis zu der Welt Enden.
9 Yumuko nawa sa harapan niya silang mga naninirahan sa ilang; dilaan nawa ng kaniyang mga kaaway ang alikabok.
Vor ihm werden sich neigen die in der Wüste, und seine Feinde werden Staub lecken.
10 Magbigay nawa ng handog ang mga mga hari ng Tarsis at ng mga isla; mag-alay nawa ng mga handog ang mga hari ng Sheba at Seba.
Die Könige zu Tharsis und auf den Inseln werden Geschenke bringen; die Könige aus Reicharabien und Seba werden Gaben zuführen.
11 Tunay nga, magsiyuko nawa sa harapan niya ang lahat ng mga hari; maglingkod nawa sa kaniya ang lahat ng mga bansa.
Alle Könige werden ihn anbeten; alle Heiden werden ihm dienen.
12 Dahil tinutulungan niya ang mga nangangailangan na tumatawag at mahihirap na walang ibang katulong.
Denn er wird den Armen erretten, der da schreit, und den Elenden, der keinen Helfer hat.
13 May awa siya sa mga mahihirap at nangangailangan, at nililigtas niya ang buhay ng mga nangangailangan.
Er wird gnädig sein den Geringen und Armen, und den Seelen der Armen wird er helfen.
14 Tinutubos niya ang mga buhay nila mula sa pang-aapi at karahasan, at ang kanilang mga dugo ay mahalaga sa kaniyang paningin.
Er wird ihre Seele aus dem Trug und Frevel erlösen, und ihr Blut wird teuer geachtet werden vor ihm.
15 Mabuhay ang hari! Ipagkaloob nawa sa kaniya ang mga ginto ng Sheba. Manalangin nawa ang mga tao sa kaniya; pagpalain siya nawa ng Diyos buong araw.
Er wird leben, und man wird ihm von Gold aus Reicharabien geben. Und man wird immerdar für ihn beten; täglich wird man ihn segnen.
16 Magkaroon nawa ng kasaganahan ng binhi sa tuktok ng mga kabundukan ng mundo; kumampay nawa sa hangin ang kanilang mga ani tulad ng mga puno sa Lebanon, at ang mga tao sa mga lungsod ay dumami gaya ng mga damo sa lupa.
Auf Erden, oben auf den Bergen, wird das Getreide dick stehen; seine Frucht wird rauschen wie der Libanon, und sie werden grünen wie das Gras auf Erden.
17 Manatili nawa ang pangalan ng hari magpakailanman; nawa tumagal ang pangalan niya gaya ng araw; pagpalain nawa ang mga tao sa kaniya; nawa ang lahat ng bansa ay tawagin siyang pinagpala.
Sein Name wird ewiglich bleiben; solange die Sonne währt, wird sein Name auf die Nachkommen reichen, und sie werden durch denselben gesegnet sein; alle Heiden werden ihn preisen.
18 Pagpalain nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel, siya lamang na gumagawa ng mga kahanga-hangang mga bagay.
Gelobet sei Gott der HERR, der Gott Israels, der allein Wunder tut;
19 Pagpalain nawa ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailanaman, at mapuno nawa ang mundo ng kaniyang kaluwalhatian. Amen at Amen.
und gelobet sei sein herrlicher Name ewiglich; und alle Lande müssen seiner Ehre voll werden! Amen, amen.
20 Ang mga panalangin ni David, na anak ni Jesse, ay tapos na. Ikatlong Libro
Ein Ende haben die Gebete Davids, des Sohnes Isais.

< Mga Awit 72 >