< Mga Awit 71 >

1 Sa iyo, Yahweh, ako ay kumukubli; huwag mo ako kailanman ilagay sa kahihiyan.
Bei dir, o Jahwe, hab ich Zuflucht gesucht, / Laß mich nimmer zuschanden werden!
2 Sagipin mo ako at iligtas sa iyong katuwiran; ibaling mo ang iyong tainga sa akin at iligtas ako.
In deiner Treue rette mich und mache mich frei, / Neige dein Ohr zu mir und schaffe mir Heil!
3 Maging batong kublihan ka para sa akin kung saan man ako pumunta; nagbigay ka ng utos para iligtas ako, dahil ikaw ang aking bato at tanggulan.
Sei mir ein schützender Fels, zu dem ich beständig fliehen kann! / Du hast ja beschlossen, mir Heil zu erweisen; / Denn mein Fels, meine Burg bist du.
4 Sagipin mo ako, aking Diyos, mula sa kamay ng masasama, mula sa kamay ng makasalanan at malupit.
Mein Gott, errette mich aus des Frevlers Hand, / Aus der Faust des Schurken und Drängers!
5 Dahil ikaw ang aking pag-asa, Panginoong Yahweh. Nagtiwala ako sa iyo mula noong ako ay bata pa.
Du bist ja meine Hoffnung, Adonái Jahwe, / Auf den ich vertraue von Kindheit an.
6 Habang ako ay nasa sinapupunan, inalalayan mo ako; ikaw ang siyang kumuha sa akin palabas sa tiyan ng aking ina; ang aking papuri ay tungkol palagi sa iyo.
Du bist meine Stütze seit meiner Geburt, / Aus dem Mutterschoß hast du mich gelöst. / Dir gilt mein Loblied beständig.
7 Isa akong halimbawa sa maraming tao; ikaw ang aking matibay na kublihan.
Ein Wunder bin ich für viele, / Meine starke Zuflucht aber bist du.
8 Ang aking bibig ay mapupuno ng iyong papuri, na may karangalan mo sa buong araw.
Mein Mund soll sich füllen mit deinem Lob, / Dich soll er immerdar rühmen.
9 Sa panahon ng aking pagtanda huwag mo akong itapon; huwag mo akong iwanan kapag ang aking lakas ay manghina.
Verwirf mich nicht, wenn das Alter kommt; / Schwindet die Kraft mir, verlaß mich nicht!
10 Dahil ang aking mga kaaway ay pinag-uusapan ako, silang mga nagmamasid sa aking buhay ay sama-samang nagbabalak.
Schon reden ja meine Feinde von mir, / Und die mein Leben belauern beraten zusammen.
11 Sinasabi nila, “Pinabayaan siya ng Diyos” habulin at kunin siya, dahil wala ni isa ang magliligtas sa kaniya.”
Sie sprechen: "Gott hat ihn verlassen, / Verfolgt und greift ihn! Es rettet ihn keiner."
12 O Diyos, huwag kang lumayo sa akin; aking Diyos, magmadali ka sa pagtulong sa akin.
Elohim, sei du nicht ferne von mir; / Mein Gott, eile mir zu Hilfe!
13 Hayaan mo silang mapunta sa kahihiyan at masira, silang mga laban sa aking buhay; hayaan mo silang mapuno ng pagsaway at kasiraan, silang naghahangad na ako ay saktan.
Zuschanden werden, hinschwinden laß meine Widersacher! / In Schimpf und Schande laß alle sich hüllen, / Die da mein Unglück suchen!
14 Pero lagi akong aasa sa iyo at pupurihin kita nang higit pa.
Ich aber will (dein) beständig harren / Und all dein Lob vermehren.
15 Buong araw sasabihin ng aking bibig ang tungkol sa iyong katuwiran at iyong kaligtasan, bagamat hindi ko ito kayang unawain.
Mein Mund soll deine Gerechtigkeit künden, / Allzeit dein Heil; denn ich kann sie nicht zählen.
16 Pupunta ako sa kanila kasama ang mga makapangyarihang gawa ng Panginoong Yahweh; Aking babanggitin ang iyong katuwiran, ang iyo lamang.
Kundmachen will ich die mächtigen Taten Adonái Jahwes, / Will preisen deine Gerechtigkeit allein.
17 O Diyos, tinuruan mo ako mula pa sa aking pagkabata; kahit ngayon ihinahayag ko ang iyong mga kahanga-hangang gawa.
Elohim, du hast mich gelehrt von Jugend auf, / Und deine Wunder verkünd ich bis jetzt.
18 Tunay nga, kahit na matanda na ako at maputi na ang buhok, O Diyos, huwag mo akong pabayaan, dahil ihinahayag ko ang iyong kalakasan sa susunod na salinlahi, at iyong kapangyarihan para sa lahat ng darating.
So verlaß mich auch nicht, Elohim, wenn das Alter kommt mit dem Silberhaar, / Bis ich deinen Namen der Nachwelt verkünde / Und allen Kommenden die Kraft!
19 Maging ang iyong katuwiran, O Diyos, ay napakataas; ikaw na gumawa ng mga dakilang bagay, O Diyos, sino ang katulad mo?
Deine Gerechtigkeit, Elohim, reicht bis zur Wolkenhöhe, / Der du so Großes getan. / Elohim, wer ist dir gleich?
20 Ikaw na nagpakita sa amin ng mga matitinding suliranin ay bubuhay sa amin at mag-aangat sa amin mula sa kailaliman ng mundo.
Du hast uns erleben lassen viel Not und Leid, / Aber du wirst uns auch wieder erfreuen mit Lebensglück / Und aus der Erde Tiefen uns wieder erheben.
21 Dagdagan mo nawa ang aking karangalan; bumalik kang muli at aliwin ako.
Du wirst meine Hoheit mehren / Und mich wiederum trösten.
22 Magpapasalamat din ako sa iyo gamit ang alpa para sa iyong pagiging mapagkakatiwalaan, aking Diyos; aawit ako sa iyo ng mga papuri gamit ang alpa, nag-iisang Banal na Diyos ng Israel.
Auch ich will dich preisen mit Harfenklang / Für deine Treue, mein Gott; / Auf der Zither will ich dir spielen, / Du Heiliger Israels.
23 Sisigaw sa galak ang aking mga labi habang inaawit ko ang mga papuri sa iyo, maging ako na iyong tinubos.
Meine Lippen jauchzen, wenn ich dir spiele, / Und meine Seele, die du erlöst.
24 Sasabihin rin ng aking dila ang tungkol sa iyong katuwiran buong araw; dahil inilagay (sila) sa kahihiyan at nilito, (sila) na hinahangad ang aking kapahamakan.
Auch meine Zunge soll allzeit künden deine Gerechtigkeit; / Denn beschämt, enttäuscht sind sie, die mein Unglück suchen.

< Mga Awit 71 >