< Mga Awit 7 >
1 Yahweh aking Diyos, sa iyo ako kumukubli! Iligtas mo ako mula sa lahat ng humahabol sa akin, at iyong sagipin.
MAIN, i kin liki komui Ieowa, ai Kot. Kom kotin jauaja ia on ai imwintiti kan karoj, o kotin dore ia la,
2 Kung hindi, gugutay-gutayin nila ako tulad ng leon, luluray-lurayin ako ng pira-piraso nang walang sinuman ang makakapagligtas sa akin.
Pwe ren der dueta laien amen kol ia di o tapen ia pajan, pwe jota pil amen jaundor.
3 Yahweh aking Diyos, kailanman ay hindi ko ginawa ang ibinibintang sa akin ng mga kaaway ko; walang kawalan ng katarungan sa mga kamay ko.
Main, ai Kot, ma i wiadar mepukat, o ma pa i kat wiadar japun,
4 Hindi ako kailanman gumawa ng mali sa mga taong may kapayapaan sa akin, o sinaktan nang walang katuturan ang mga laban sa akin.
O ma i depukki mejued en akai ar wiawia mau on ia, pwe I dorelar, me imwintiti on ia, ap jota karepa,
5 Kung hindi ako nagsasabi ng katotohanan hayaan mong habulin ng aking kaaway ang buhay ko at sagasaan ako; hayaan mo siyang tapak-tapakan ang katawan ko sa lupa at iwanan akong nakahiga sa kahihiyan sa alikabok. (Selah)
A ma jo due, ai imwintiti en kaloke ia, o kol ia di, o tiakedi maur i nani pwel, o kawela mar ai. (Jela)
6 Bumangon ka, Yahweh, sa iyong galit; tumayo ka laban sa matinding galit ng mga kaaway ko; gumising ka para sa kapakanan ko at isakatuparan ang makatuwirang mga kautusan para sa kanila.
Main, kom kotida ni omui onion o kotin palian makar en ai imwintiti kan, o kotin opadan ia, pwe re kotin inau kidar kapun,
7 Ang mga bansa ay nagsama-sama sa paligid mo; bawiin mong muli mula sa kanila ang lugar na nararapat sa iyo.
Pwe wei kan pan pokon don ir; o re kotin purodala pweki irail.
8 Yahweh, hatulan mo ang mga bansa; ipawalang-sala mo ako, Yahweh, dahil ako ay matuwid at walang kasalanan, Kataas-taasan.
leowa iei jaunkapun en wei kan. Main, kotin jauaja ia, duen ai pun o duen ai lelapok!
9 Nawa dumating na sa katapusan ang mga gawain ng mga masasamang tao, pero patatagin mo ang mga taong matuwid, makatuwirang Diyos, ikaw na sumisiyasat ng mga puso at mga isipan.
Re kotin kadukiedi mejued en me doo jan Kot akan, ap kotin katenedi me pun kan. Pwe komui Kot pun, kin kotin kajaui monion o mudilik kan.
10 Ang aking kalasag ay nanggagaling mula sa Diyos, ang nagliligtas ng mga pusong matuwid.
Kot iei pere pa i, me kin kotin jauaja me melel ni monion arail.
11 Ang Diyos ay makatuwirang hukom, ang Diyos na galit bawat araw.
Kot jaunkapun pun amen, me kotin onionada ni ran karoj.
12 Kung hindi magsisisi ang isang tao, hahasain ng Diyos ang kaniyang espada at ihahanda ang kaniyang pana para sa labanan.
Ma meamen jota pan wukila, a ap kotin ada japwilim a kodlaj o onopada kajik katieu o kainene won i,
13 Naghahanda siya para gumamit ng mga sandata laban sa kaniya; ginagawa niya ang kaniyang umaapoy na palaso.
O kotin pwil poa kananan kajik katieu men kamela. A kotin kaonopada japwilim a kananan kajik katieu, pwe men karonala.
14 Isipin mo ang isang buntis na may kasamaan, ang nag-iisip ng mapanirang mga balak, ang nanganganak ng mga mapanirang kasinungalingan.
Kilan, a lamelam me dir en jued, a lijenaneki men kaokaoe o pan naitikedi likam.
15 Nagbubungkal siya ng hukay, tatakpan ito at saka mahuhulog siya sa hukay na binungkal niya.
A weiradar por eu o wiadar lolia, ap pein pupedi on lole, me a weiradar.
16 Ang kaniyang sariling mapanirang mga balak ay babalik din sa kaniya, dahil ang kaniyang kasamaan ay babagsak sa sarili niyang ulo.
A men kamela pan japale don pein mon a, o a dodok jued pan pupedi on pein a al en wei.
17 Pasasalamatan ko si Yahweh dahil sa kaniyang katarungan; aawit ako ng papuri kay Yahweh ang Kataas-taasan.
I pan kapina leowa, pweki a pun, o i pan kauleki mar en leowa me lapalapia.