< Mga Awit 69 >

1 Iligtas mo ako, O Diyos, dahil nilagay ng katubigan ang buhay ko sa panganib.
In finem, pro iis, qui commutabuntur, David. Salvum me fac Deus: quoniam intraverunt aquæ usque ad animam meam.
2 Lumulubog ako sa malalim na putikan kung saan walang lugar na matatayuan; pumunta ako sa malalim na katubigan kung saan rumaragasa ang baha sa akin.
Infixus sum in limo profundi: et non est substantia. Veni in altitudinem maris: et tempestas demersit me.
3 Napapagal ako sa aking pag-iyak; nanunuyo ang aking lalamunan; nanlalabo ang aking mga mata habang naghihintay ako sa Diyos.
Laboravi clamans, raucæ factæ sunt fauces meæ: defecerunt oculi mei, dum spero in Deum meum.
4 Higit pa sa aking mga buhok sa ulo ang mga napopoot sa akin ng walang dahilan; ang mga pumapatay sa akin, ang naging mga kaaway ko dahil sa mga maling dahilan, ay makapangyarihan; ang mga hindi ko ninakaw ay kailangan kong ibalik.
Multiplicati sunt super capillos capitis mei, qui oderunt me gratis. Confortati sunt qui persecuti sunt me inimici mei iniuste: quæ non rapui, tunc exolvebam.
5 O Diyos, alam mo ang aking kahangalan, at hindi nalilihim ang mga kasalanan ko sa iyo.
Deus tu scis insipientiam meam: et delicta mea a te non sunt abscondita.
6 Huwag mong hayaang malagay sa kahihiyan ang mga naghihintay sa iyo dahil sa akin, Panginoong Diyos ng mga hukbo; huwag mong hayaang malagay sa kasiraang-puri ang mga naghahanap sa iyo dahil sa akin, O Diyos ng Israel.
Non erubescant in me qui expectant te Domine, Domine virtutum. Non confundantur super me qui quærunt te, Deus Israel.
7 Para sa iyong kapakanan, tinanggap ko ang panlalait; kahihiyan ang bumalot sa aking mukha.
Quoniam propter te sustinui opprobrium: operuit confusio faciem meam.
8 Naging dayuhan ako sa aking mga kapatid, dayuhan sa mga anak ng aking ina.
Extraneus factus sum fratribus meis, et peregrinus filiis matris meæ.
9 Dahil nilamon ako ng kasigasigan sa iyong tahanan, at ang mga lait ng mga nanlalait sa iyo ay bumagsak sa akin.
Quoniam zelus domus tuæ comedit me: et opprobria exprobrantium tibi, ceciderunt super me.
10 Noong umiyak ako at hindi kumain, hinamak nila ako.
Et operui in ieiunio animam meam: et factum est in opprobrium mihi.
11 Noong ginawa kong kasuotan ang sako, naging paksa ako ng kawikaan sa kanila.
Et posui vestimentum meum cilicium: et factus sum illis in parabolam.
12 Pinag-uusapan ako ng mga nakaupo sa tarangkahan ng lungsod; ako ang awit ng mga manginginom.
Adversum me loquebantur qui sedebant in porta: et in me psallebant qui bibebant vinum.
13 Pero para sa akin, sa iyo ang aking panalangin, Yahweh, sa panahon na tatanggap ka; sagutin mo ako sa pagiging mapagkakatiwalaan ng iyong kaligtasan.
Ego vero orationem meam ad te Domine: tempus beneplaciti Deus. In multitudine misericordiæ tuæ exaudi me, in veritate salutis tuæ:
14 Hilahin mo ako mula sa putikan, at huwag mo akong hayaang lumubog; hayaan mo akong malayo mula sa napopoot sa akin at sagipin mo mula sa malalim na katubigan.
Eripe me de luto, ut non infigar: libera me ab iis, qui oderunt me, et de profundis aquarum.
15 Huwag mong hayaang tabunan ako ng baha, ni hayaang lamunin ako ng kalaliman. Huwag mong hayaang isara ng hukay ang bibig nito sa akin.
Non me demergat tempestas aquæ, neque absorbeat me profundum: neque urgeat super me puteus os suum.
16 Sagutin mo ako Yahweh, dahil mabuti ang iyong katapatan sa tipan; dahil labis ang iyong kahabagan sa akin, humarap ka sa akin.
Exaudi me Domine, quoniam benigna est misericordia tua: secundum multitudinem miserationum tuarum respice in me.
17 Huwag mong itago ang iyong mukha sa iyong mga lingkod, dahil ako ay nasa kalungkutan; sagutin mo ako agad.
Et ne avertas faciem tuam a puero tuo: quoniam tribulor, velociter exaudi me.
18 Lumapit ka sa akin at tubusin ako. Dahil sa aking mga kaaway, iligtas mo ako.
Intende animæ meæ, et libera eam: propter inimicos meos eripe me.
19 Alam mo ang aking paghihirap, kahihiyan at kasiraang-puri; nasa harap mo ang lahat ng aking mga kalaban.
Tu scis improperium meum, et confusionem meam, et reverentiam meam.
20 Winasak ng pagtutuwid ang aking puso; punong-puno ako ng kabigatan; naghahanap ako ng sinumang maaawa sa akin, pero wala ni isa man. Naghahanap ako ng mga mag-aaliw, pero wala akong nakita.
In conspectu tuo sunt omnes qui tribulant me, improperium expectavit cor meum et miseriam. Et sustinui qui simul contristaretur, et non fuit: et qui consolaretur, et non inveni.
21 Binigyan nila ako ng lason para kainin ko; sa aking pagka-uhaw binigyan nila ako ng suka para inumin.
Et dederunt in escam meam fel: et in siti mea potaverunt me aceto.
22 Hayaan mong maging bitag ang mesa sa harap nila; kapag iniisip nila na ligtas (sila) hayaan mong maging patibong ito.
Fiat mensa eorum coram ipsis in laqueum, et in retributiones, et in scandalum.
23 Hayaan mong magdilim ang kanilang mga mata para hindi (sila) makakita; lagi mong yugyugin ang mga baywang nila.
Obscurentur oculi eorum ne videant: et dorsum eorum semper incurva.
24 Ibuhos mo ang iyong labis na galit sa kanila, hayaang mong abutan (sila) ng bagsik ng iyong galit.
Effunde super eos iram tuam: et furor iræ tuæ comprehendat eos.
25 Hayaan mong ang kanilang lugar ay maging kapanglawan; hayaang mong walang sinuman ang manirahan sa kanilang mga tolda.
Fiat habitatio eorum deserta: et in tabernaculis eorum non sit qui inhabitet.
26 Dahil inuusig nila ang siyang sinaktan mo; ibinalita nila sa iba ang hapdi ng mga sinugatan mo.
Quoniam quem tu percussisti, persecuti sunt: et super dolorem vulnerum meorum addiderunt.
27 Isakdal mo (sila) dahil sa paggawa ng sunod-sunod na kasalanan; huwag mo silang hayaang pumasok sa matuwid mong katagumpayan.
Appone iniquitatem super iniquitatem eorum: et non intrent in iustitiam tuam.
28 Hayaan mo silang mabura sa aklat ng buhay at hindi maisulat kasama ng mga matutuwid.
Deleantur de Libro viventium: et cum iustis non scribantur.
29 Pero ako ay naghihirap at nagdadalamhati; hayaan mo, O Diyos, na parangalan ako ng iyong kaligtasan.
Ego sum pauper et dolens: salus tua Deus suscepit me.
30 Pupurihin ko ang pangalan ng Diyos ng may awit at dadakilain siya ng may pasasalamat.
Laudabo nomen Dei cum cantico: et magnificabo eum in laude:
31 Higit na kalulugdan ito ng Diyos kaysa sa isang baka o toro na may mga sungay at paa.
Et placebit Deo super vitulum novellum: cornua producentem et ungulas.
32 Nakita ito ng mga mapagpakumbaba at natuwa; kayo na mga naghahanap sa Diyos, hayaan niyong mabuhay ang inyong mga puso.
Videant pauperes et lætentur: quærite Deum, et vivet anima vestra:
33 Dahil naririnig ni Yahweh ang mga nangangailangan at hindi hinahamak ang mga bilanggo.
Quoniam exaudivit pauperes Dominus: et vinctos suos non despexit.
34 Purihin siya ng langit at lupa, ng mga dagat at lahat ng mga gumagalaw dito.
Laudent illum cæli et terra, mare, et omnia reptilia in eis.
35 Dahil ililigtas ng Diyos ang Sion at itatayong muli ang mga lungsod sa Juda; maninirahan ang mga tao roon at aangkinin ito.
Quoniam Deus salvam faciet Sion: et ædificabuntur civitates Iuda. Et inhabitabunt ibi, et hereditate acquirent eam.
36 Mamanahin ito ng mga lingkod ng kaniyang mga kaapu-apuhan; maninirahan doon silang mga nagmamahal sa kaniyang pangalan.
Et semen servorum eius possidebit eam, et qui diligunt nomen eius, habitabunt in ea.

< Mga Awit 69 >