< Mga Awit 69 >
1 Iligtas mo ako, O Diyos, dahil nilagay ng katubigan ang buhay ko sa panganib.
다윗의 시, 영장으로 소산님에 맞춘 노래 하나님이여 나를 구원하소서 물들이 내 영혼까지 흘러 들어왔나이다
2 Lumulubog ako sa malalim na putikan kung saan walang lugar na matatayuan; pumunta ako sa malalim na katubigan kung saan rumaragasa ang baha sa akin.
내가 설 곳이 없는 깊은 수렁에 빠지며 깊은 물에 들어가니 큰 물이 내게 넘치나이다
3 Napapagal ako sa aking pag-iyak; nanunuyo ang aking lalamunan; nanlalabo ang aking mga mata habang naghihintay ako sa Diyos.
내가 부르짖음으로 피곤하여 내 목이 마르며 내 하나님을 바람으로 내 눈이 쇠하였나이다
4 Higit pa sa aking mga buhok sa ulo ang mga napopoot sa akin ng walang dahilan; ang mga pumapatay sa akin, ang naging mga kaaway ko dahil sa mga maling dahilan, ay makapangyarihan; ang mga hindi ko ninakaw ay kailangan kong ibalik.
무고히 나를 미워하는 자가 내 머리털보다 많고 무리히 내 원수가 되어 나를 끊으려 하는 자가 강하였으니 내가 취치 아니한 것도 물어 주게 되었나이다
5 O Diyos, alam mo ang aking kahangalan, at hindi nalilihim ang mga kasalanan ko sa iyo.
하나님이여 나의 우매함을 아시오니 내 죄가 주의 앞에서 숨김이 없나이다
6 Huwag mong hayaang malagay sa kahihiyan ang mga naghihintay sa iyo dahil sa akin, Panginoong Diyos ng mga hukbo; huwag mong hayaang malagay sa kasiraang-puri ang mga naghahanap sa iyo dahil sa akin, O Diyos ng Israel.
만군의 주 여호와여 주를 바라는 자로 나를 인하여 수치를 당케 마옵소서 이스라엘의 하나님이여 주를 찾는 자로 나를 인하여 욕을 당케 마옵소서
7 Para sa iyong kapakanan, tinanggap ko ang panlalait; kahihiyan ang bumalot sa aking mukha.
내가 주를 위하여 훼방을 받았사오니 수치가 내 얼굴에 덮였나이다
8 Naging dayuhan ako sa aking mga kapatid, dayuhan sa mga anak ng aking ina.
내가 내 형제에게는 객이 되고 내 모친의 자녀에게는 외인이 되었나이다
9 Dahil nilamon ako ng kasigasigan sa iyong tahanan, at ang mga lait ng mga nanlalait sa iyo ay bumagsak sa akin.
주의 집을 위하는 열성이 나를 삼키고 주를 훼방하는 훼방이 내게 미쳤나이다
10 Noong umiyak ako at hindi kumain, hinamak nila ako.
내가 곡하고 금식함으로 내 영혼을 경계하였더니 그것이 도리어 나의 욕이 되었으며
11 Noong ginawa kong kasuotan ang sako, naging paksa ako ng kawikaan sa kanila.
내가 굵은 베로 내 옷을 삼았더니 내가 저희의 말거리가 되었나이다
12 Pinag-uusapan ako ng mga nakaupo sa tarangkahan ng lungsod; ako ang awit ng mga manginginom.
성문에 앉은 자가 나를 말하며 취한 무리가 나를 가져 노래하나이다
13 Pero para sa akin, sa iyo ang aking panalangin, Yahweh, sa panahon na tatanggap ka; sagutin mo ako sa pagiging mapagkakatiwalaan ng iyong kaligtasan.
여호와여 열납하시는 때에 나는 주께 기도하오니 하나님이여 많은 인자와 구원의 진리로 내게 응답하소서
14 Hilahin mo ako mula sa putikan, at huwag mo akong hayaang lumubog; hayaan mo akong malayo mula sa napopoot sa akin at sagipin mo mula sa malalim na katubigan.
나를 수렁에서 건지사 빠지지 말게 하시고 나를 미워하는 자에게서와 깊은 물에서 건지소서
15 Huwag mong hayaang tabunan ako ng baha, ni hayaang lamunin ako ng kalaliman. Huwag mong hayaang isara ng hukay ang bibig nito sa akin.
큰 물이 나를 엄몰하거나 깊음이 나를 삼키지 못하게 하시며 웅덩이로 내 위에 그 입을 닫지 못하게 하소서
16 Sagutin mo ako Yahweh, dahil mabuti ang iyong katapatan sa tipan; dahil labis ang iyong kahabagan sa akin, humarap ka sa akin.
여호와여 주의 인자하심이 선하시오니 내게 응답하시며 주의 많은 긍휼을 따라 내게로 돌이키소서
17 Huwag mong itago ang iyong mukha sa iyong mga lingkod, dahil ako ay nasa kalungkutan; sagutin mo ako agad.
주의 얼굴을 주의 종에게서 숨기지 마소서 내가 환난 중에 있사오니 속히 내게 응답하소서
18 Lumapit ka sa akin at tubusin ako. Dahil sa aking mga kaaway, iligtas mo ako.
내 영혼에게 가까이 하사 구속하시며 내 원수를 인하여 나를 속량 하소서
19 Alam mo ang aking paghihirap, kahihiyan at kasiraang-puri; nasa harap mo ang lahat ng aking mga kalaban.
주께서 나의 훼방과 수치와 능욕을 아시나이다 내 대적이 다 주의 앞에 있나이다
20 Winasak ng pagtutuwid ang aking puso; punong-puno ako ng kabigatan; naghahanap ako ng sinumang maaawa sa akin, pero wala ni isa man. Naghahanap ako ng mga mag-aaliw, pero wala akong nakita.
훼방이 내 마음을 상하여 근심이 충만하니 긍휼히 여길 자를 바라나 없고 안위할 자를 바라나 찾지 못하였나이다
21 Binigyan nila ako ng lason para kainin ko; sa aking pagka-uhaw binigyan nila ako ng suka para inumin.
저희가 쓸개를 나의 식물로 주며 갈할 때에 초로 마시웠사오니
22 Hayaan mong maging bitag ang mesa sa harap nila; kapag iniisip nila na ligtas (sila) hayaan mong maging patibong ito.
저희 앞에 밥상이 올무가 되게 하시며 저희 평안이 덫이 되게 하소서
23 Hayaan mong magdilim ang kanilang mga mata para hindi (sila) makakita; lagi mong yugyugin ang mga baywang nila.
저희 눈이 어두워 보지 못하게 하시며 그 허리가 항상 떨리게 하소서
24 Ibuhos mo ang iyong labis na galit sa kanila, hayaang mong abutan (sila) ng bagsik ng iyong galit.
주의 분노를 저희 위에 부으시며 주의 맹렬하신 노로 저희에게 미치게 하소서
25 Hayaan mong ang kanilang lugar ay maging kapanglawan; hayaang mong walang sinuman ang manirahan sa kanilang mga tolda.
저희 거처로 황폐하게 하시며 그 장막에 거하는 자가 없게 하소서
26 Dahil inuusig nila ang siyang sinaktan mo; ibinalita nila sa iba ang hapdi ng mga sinugatan mo.
대저 저희가 주의 치신 자를 핍박하며 주께서 상케 하신 자의 슬픔을 말하였사오니
27 Isakdal mo (sila) dahil sa paggawa ng sunod-sunod na kasalanan; huwag mo silang hayaang pumasok sa matuwid mong katagumpayan.
저희 죄악에 죄악을 더 정하사 주의 의에 들어오지 못하게 하소서
28 Hayaan mo silang mabura sa aklat ng buhay at hindi maisulat kasama ng mga matutuwid.
저희를 생명책에서 도말하사 의인과 함께 기록되게 마소서
29 Pero ako ay naghihirap at nagdadalamhati; hayaan mo, O Diyos, na parangalan ako ng iyong kaligtasan.
오직 나는 가난하고 슬프오니 하나님이여 주의 구원으로 나를 높이소서
30 Pupurihin ko ang pangalan ng Diyos ng may awit at dadakilain siya ng may pasasalamat.
내가 노래로 하나님의 이름을 찬송하며 감사함으로 하나님을 광대하시다 하리니
31 Higit na kalulugdan ito ng Diyos kaysa sa isang baka o toro na may mga sungay at paa.
이것이 소 곧 뿔과 굽이 있는 황소를 드림보다 여호와를 더욱 기쁘시게 함이 될 것이라
32 Nakita ito ng mga mapagpakumbaba at natuwa; kayo na mga naghahanap sa Diyos, hayaan niyong mabuhay ang inyong mga puso.
온유한 자가 이를 보고 기뻐하나니 하나님을 찾는 너희들아 너희 마음을 소생케 할지어다
33 Dahil naririnig ni Yahweh ang mga nangangailangan at hindi hinahamak ang mga bilanggo.
여호와는 궁핍한 자를 들으시며 자기를 인하여 수금된 자를 멸시치 아니하시나니
34 Purihin siya ng langit at lupa, ng mga dagat at lahat ng mga gumagalaw dito.
천지가 그를 찬송할 것이요 바다와 그 중의 모든 동물도 그리할지로다
35 Dahil ililigtas ng Diyos ang Sion at itatayong muli ang mga lungsod sa Juda; maninirahan ang mga tao roon at aangkinin ito.
하나님이 시온을 구원하시고 유다 성읍들을 건설하시리니 무리가 거기 거하여 소유를 삼으리로다
36 Mamanahin ito ng mga lingkod ng kaniyang mga kaapu-apuhan; maninirahan doon silang mga nagmamahal sa kaniyang pangalan.
그 종들의 후손이 또한 이를 상속하고 그 이름을 사랑하는 자가 그 중에 거하리로다