< Mga Awit 67 >

1 Maging maawain nawa ang Diyos sa atin at pagpalain tayo at pahintulutan na magningning ang kaniyang mukha sa atin
εἰς τὸ τέλος ἐν ὕμνοις ψαλμὸς ᾠδῆς ὁ θεὸς οἰκτιρήσαι ἡμᾶς καὶ εὐλογήσαι ἡμᾶς ἐπιφάναι τὸ πρόσωπον αὐτοῦ ἐφ’ ἡμᾶς διάψαλμα
2 nang sa gayon ang iyong mga pamamaraan ay maihayag sa lupa, ang iyong kaligtasan sa lahat ng mga bansa.
τοῦ γνῶναι ἐν τῇ γῇ τὴν ὁδόν σου ἐν πᾶσιν ἔθνεσιν τὸ σωτήριόν σου
3 Hayaan mong purihin ka ng mga tao, O Diyos; hayaan mong purihin ka ng lahat.
ἐξομολογησάσθωσάν σοι λαοί ὁ θεός ἐξομολογησάσθωσάν σοι λαοὶ πάντες
4 O, hayaan mong matuwa at umawit sa galak ang mga bansa para sa iyo, dahil hahatulan mo ang mga tao nang may katarungan at pamumunuan mo ang mga bansa sa lupa. (Selah)
εὐφρανθήτωσαν καὶ ἀγαλλιάσθωσαν ἔθνη ὅτι κρινεῖς λαοὺς ἐν εὐθύτητι καὶ ἔθνη ἐν τῇ γῇ ὁδηγήσεις διάψαλμα
5 Hayaan mong purihin ka ng mga tao, O Diyos; hayaang mong purihin ka ng lahat.
ἐξομολογησάσθωσάν σοι λαοί ὁ θεός ἐξομολογησάσθωσάν σοι λαοὶ πάντες
6 Pinalago ng lupa ang ani nito at ang Diyos, ang ating Diyos, ang nagpala sa atin.
γῆ ἔδωκεν τὸν καρπὸν αὐτῆς εὐλογήσαι ἡμᾶς ὁ θεὸς ὁ θεὸς ἡμῶν
7 Pinagpala tayo ng Diyos, at pinararangalan siya sa lahat ng sulok ng mundo.
εὐλογήσαι ἡμᾶς ὁ θεός καὶ φοβηθήτωσαν αὐτὸν πάντα τὰ πέρατα τῆς γῆς

< Mga Awit 67 >