< Mga Awit 65 >
1 Dahil sa iyo, Diyos sa Sion, matutupad ang aming mga panata sa iyo; dadalhin namin ang aming mga panata sa iyo.
Ang kapurihan ay naghihintay sa iyo, Oh Dios, sa Sion: at sa iyo'y maisasagawa ang panata.
2 Ikaw na dumidinig ng panalangin, sa iyo pupunta ang lahat ng laman.
Oh ikaw na dumidinig ng dalangin, sa iyo'y paroroon ang lahat ng laman.
3 Nananaig ang kasamaan sa amin; para sa aming mga kasalanan, patatawarin mo (sila)
Mga kasamaan ay nangananaig laban sa akin: tungkol sa aming pagsalangsang, ay lilinisin mo.
4 Mapalad ang taong pinipili mo para mapalapit sa iyo para manahan siya sa iyong bakuran. Masisiyahan kami sa kabutihan ng iyong tahanan, ang iyong banal na templo.
Mapalad ang tao na iyong pinipili, at pinalalapit mo sa iyo, upang siya'y makatahan sa iyong mga looban: kami ay mangasisiyahan sa kabutihan ng iyong bahay, ng iyong banal na templo.
5 Sasagutin mo kami sa iyong katuwiran sa pamamagitan ng paggawa ng mga kamangha-manghang mga bagay, Diyos ng aming kaligtasan; ikaw na siyang pinagtitiwalaan ng lahat sa dulo ng daigdig at sa malalayong ibayo ng dagat.
Sasagutin mo kami sa katuwiran sa pamamagitan ng mga kakilakilabot na bagay, Oh Dios ng aming kaligtasan; ikaw na katiwalaan ng lahat na wakas ng lupa, at nila na malayo sa dagat:
6 Dahil ikaw ang siyang nagpatatag ng mga kabundukan, ikaw na binabalot ng kalakasan.
Na naglalagay na matibay ng mga bundok sa pamamagitan ng kaniyang kalakasan; palibhasa't nabibigkisan sa palibot ng kapangyarihan:
7 Ikaw ang nagpapatahimik sa umaatungal na mga dagat, umaatungal na mga alon, at kaguluhan ng mga tao.
Na nagpapatigil ng hugong ng mga dagat, ng hugong ng kanilang mga alon, at ng kaingay ng mga bayan.
8 (Sila) na nabubuhay sa dulong bahagi ng mundo ay matatakot sa katibayan ng iyong mga gawa; pinapasaya mo ang silangan at kanluran.
(Sila) naman na nagsisitahan sa mga pinakadulong bahagi ay nangatatakot sa iyong mga tanda: ikaw ang nagbibigay galak sa pagbubukang liwayway at pagtatakip-silim.
9 Pumunta ka para tulungan ang mundo; dinidiligan mo ito; pinagyayaman ng lubos; ang ilog ng Diyos ay puno ng tubig; pinagkalooban mo ng mga butil ang sangkatauhan nang inihanda mo ang daigdig.
Iyong dinadalaw ang lupa, at dinidilig mo, iyong pinayayamang mainam; ang ilog ng Dios ay puno ng tubig: iyong pinagtataanan (sila) ng trigo, pagka't inihanda mo ang lupa.
10 Tinutubigan mo ang mga bukirin nang masagana; inaayos mo ang mga taniman; ginagawa mong malambot ang mga ito sa mga patak ng ulan; pinagpapala mo ang mga tumutubo sa pagitan nito.
Iyong dinidilig ang kaniyang bungkal ng sagana; iyong pinapantay ang kaniyang mga bungkal; iyong mga pinalalambot ng ambon; iyong pinagpapala ang pagsibol niyaon.
11 Kinokoronahan mo ang taon ng iyong kabutihan; naghuhulog ng pataba sa lupa ang mga bakas ng iyong karwahe.
Iyong dinudulutan ang taon ng iyong kabutihan; at ang iyong mga landas ay pumapatak ng katabaan.
12 Nahuhulog ang mga ito sa pastulan sa mga ilang, at ang mga kaburulan ay sinuotan ng sinturon ng kagalakan.
Nagsisipatak sa mga pastulan sa ilang; at ang mga burol ay nabibigkisan ng kagalakan.
13 Ang mga pastulan ay dinamitan ng mga kawan; ang mga lambak ay nababalutan ng butil; sumisigaw (sila) ng kagalakan, at (sila) ay umaawit.
Ang mga pastulan ay nangabihisan ng mga kawan; ang mga libis naman ay nangatatakpan ng trigo; sila'y magsisihiyaw sa kagalakan, (sila) naman ay nagsisiawit.