< Mga Awit 64 >
1 Dinggin mo ang aking tinig, O Diyos, pakinggan mo ang aking daing; ingatan mo ang aking buhay mula sa takot mula sa aking mga kaaway.
Zwana, Nkulunkulu, ilizwi lami esikhalazweni sami, ulondoloze impilo yami ekwesabeni isitha.
2 Itago mo ako mula sa lihim na pakana ng mga mapaggawa ng masama, mula sa kaguluhan ng mga gumagawa ng masama.
Ungifihle ecebeni elifihliweyo lababi, ekuxokozeleni kwabenzi bobubi,
3 Hinasa nila ang kanilang mga dila gaya ng mga espada; itinutok nila ang kanilang mga palaso, mapapait na mga salita,
abalola ulimi lwabo njengenkemba, bagobise umtshoko wabo, ngitsho amazwi ababayo,
4 para panain nila mula sa lihim na mga lugar ang mga taong walang kasalanan; agad nilang papanain siya at walang kinatatakutan.
ukutshoka opheleleyo besekusithekeni; bahle bamtshoke, bengesabi.
5 Pinalalakas nila ang kanilang loob sa masamang plano; palihim silang nagpulong para maglagay ng mga patibong; sinasabi nila, “Sino ang makakikita sa atin?”
Baziqinisa edabeni olubi, bekhuluma ngokuthiya, bathi: Ngubani ongayibona?
6 Lumikha (sila) ng mga planong makasalanan; “Natapos namin,” sinasabi nila, “ang isang maingat na plano.” Malalim ang saloobin at puso ng tao.
Badingisisa iziphambeko; silungile ngecebo elicetshwe ngobuqili; umcabango wangaphakathi womuntu kanye lenhliziyo kujulile.
7 Pero papanain (sila) ng Diyos; kaagad silang masusugatan ng kaniyang mga palaso.
Kodwa uNkulunkulu uzabatshoka ngomtshoko masinyane; bazalinyazwa.
8 Madarapa (sila) dahil laban sa kanila ang kanilang mga dila; iiling sa kanilang mga ulo ang lahat ng makakakita sa kanila.
Njalo bazakwenza olwabo ulimi luwele phezu kwabo; bonke abababonayo bazabaleka.
9 Matatakot ang lahat ng mga tao at ihahayag ang mga gawa ng Diyos. Pag-iisipan nilang mabuti ang tungkol sa kaniyang mga ginawa.
Labo bonke abantu bazakwesaba, batshumayele isenzo sikaNkulunkulu, baqedisise umsebenzi wakhe.
10 Magagalak kay Yahweh ang matuwid at kukubli (sila) sa kaniya; magmamalaki ang lahat ng matapat sa puso.
Olungileyo uzajabula eNkosini, aphephele kuyo; bonke abaqotho ngenhliziyo bazazincoma.