< Mga Awit 63 >

1 O Diyos, ikaw ang aking Diyos! Masigasig kitang hinahanap, nauuhaw ang aking kaluluwa sa iyo, at nananabik ang aking laman sa iyo, sa tuyot at tigang na lupa na walang tubig.
Oh Dios, ikaw ay Dios ko; hahanapin kitang maaga: kinauuhawan ka ng aking kaluluwa, pinananabikan ka ng aking laman, sa isang tuyo at uhaw na lupa na walang tubig.
2 Kaya tumingin ako sa iyo sa mga banal na mga tao para makita ko ang iyong kapangyarihan at kaluwalhatian.
Sa gayo'y tumingin ako sa iyo sa santuario. Upang tanawin ang iyong kapangyarihan at ang iyong kaluwalhatian.
3 Dahil higit pa sa buhay ang iyong katapatan sa tipan, magpupuri ang aking mga labi sa iyo.
Sapagka't ang iyong kagandahang-loob ay mainam kay sa buhay: pupurihin ka ng aking mga labi.
4 Kaya pagpapalain kita habang ako ay nabubuhay; itataas ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan.
Sa gayo'y pupurihin kita habang ako'y nabubuhay: igagawad ko ang aking mga kamay sa iyong pangalan.
5 Parang tulad ito ng pagkain ng utak sa buto at mga taba; sa aking mga labing nagagalak pupurihin ka ng aking bibig.
Ang kaluluwa ko'y matutuwa na gaya sa utak at taba; at ang bibig ko'y pupuri sa iyo ng masayang mga labi;
6 Kapag naiisip ko ang tungkol sa iyo sa aking higaan at pinagninilay-nilayan kita sa mga oras ng gabi.
Pagka naaalaala kita sa aking higaan, at ginugunita kita sa pagbabantay sa gabi.
7 Dahil ikaw ang aking tulong, at magagalak ako sa anino ng iyong mga pakpak.
Sapagka't naging katulong kita, at sa lilim ng mga pakpak mo'y magagalak ako.
8 Kumakapit ako sa iyo; inaalalayan mo ako ng iyong kanang kamay.
Ang kaluluwa ko'y nanununod na mainam sa iyo: inaalalayan ako ng iyong kanan.
9 Pero mapupunta sa kailaliman ng bahagi ng mundo (sila) na naghahanap para wasakin ang buhay ko.
Nguni't ang nagsisihanap ng kaluluwa ko, upang ipahamak, magsisilusong sa mga lalong mababang bahagi ng lupa.
10 Ibibigay (sila) sa ilalim ng kapangyarihan ng espada, at magiging pagkain (sila) para sa mga asong ligaw.
Sila'y mangahuhulog sa kapangyarihan ng tabak: sila'y magiging pagkain sa mga zorra.
11 Pero magagalak ang hari sa Diyos; ang lahat ng nanunumpa sa kaniya ay ipagmamalaki siya, pero ang bibig ng mga nagsasalita ng kasinungalingan ay mahihinto.
Nguni't ang hari ay magagalak sa Dios: bawa't sumusumpa sa pamamagitan niya ay luluwalhati; sapagka't ang bibig nila na nagsasalita ng mga kasinungalingan ay patitigilin.

< Mga Awit 63 >