< Mga Awit 6 >
1 Yahweh, huwag mo akong sawayin sa iyong galit o ituwid sa iyong poot.
Oh Panginoon, huwag mo akong sawayin sa iyong galit, ni parusahan mo man ako sa iyong mahigpit na sama ng loob.
2 Maawa ka sa akin, Yahweh, dahil mahina ako; pagalingin mo ako, Yahweh, dahil nanginginig ang aking mga buto.
Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; sapagka't ako'y naluluoy, Oh Panginoon, pagalingin mo ako; sapagka't ang aking mga buto ay nagsisipangalog.
3 Labis ding nababagabag ang aking kaluluwa. Pero ikaw, Yahweh—hanggang kailan ito magpapatuloy?
Ang akin ding kaluluwa ay nababagabag na mainam: at ikaw, Oh Panginoon, hanggang kailan?
4 Bumalik ka, Yahweh! Sagipin mo ako. Iligtas mo ako dahil sa iyong katapatan sa tipan!
Bumalik ka, Oh Panginoon, palayain mo ang aking kaluluwa: iligtas mo ako alangalang sa iyong kagandahang-loob.
5 Dahil walang ala-ala tungkol sa iyo sa kamatayan. Sino ang magbibigay ng pasasalamat sa iyo sa sheol? (Sheol )
Sapagka't sa kamatayan ay walang alaala sa iyo; sa Sheol ay sinong mangagpapasalamat sa iyo? (Sheol )
6 Pagod na ako sa aking paghihinagpis. Buong gabi kong binabasa ng luha ang aking higaan; hinuhugasan ko ng luha ang aking upuan.
Ako'y pagal ng aking pagdaing; gabigabi ay aking pinalalangoy ang aking higaan; Aking dinidilig ang aking hiligan ng aking mga luha.
7 Lumalabo ang aking mga mata dahil sa kalungkutan; nanghihina ang mga ito dahil sa aking mga kaaway.
Ang aking mga mata ay nangamumugto dahil sa kapanglawan; tumatanda ako dahil sa aking lahat na kaaway.
8 Lumayo kayo sa akin, kayo na gumagawa ng kasalanan; dahil narinig ni Yahweh ang ingay ng aking pagtangis.
Magsilayo kayo sa akin, kayong lahat na manggagawa ng kasamaan: sapagka't narinig ng Panginoon ang tinig ng aking pagtangis.
9 Narinig ni Yahweh ang aking pagmamakaawa; tinanggap ni Yahweh ang aking panalangin.
Narinig ng Panginoon ang aking pananaing; tatanggapin ng Panginoon ang aking dalangin.
10 Lahat ng mga kaaway ko ay mapapahiya at labis na mababalisa. Aatras (sila) at agad silang hahamakin.
Lahat ng kaaway ko'y mapapahiya, at mababagabag na mainam: sila'y magsisibalik, sila'y mangapapahiyang kagyat.