< Mga Awit 58 >

1 Nagsasabi ba kayong mga tagapamahala ng katuwiran? Tuwid ba kayong humatol, kayong mga tao?
למנצח אל תשחת לדוד מכתם האמנם אלם צדק תדברון מישרים תשפטו בני אדם׃
2 Hindi, gumagawa kayo ng kasamaan sa inyong puso; naghahasik kayo ng karahasan sa buong kalupaan gamit ang inyong mga kamay.
אף בלב עולת תפעלון בארץ חמס ידיכם תפלסון׃
3 Ihinihiwalay ang mga masasama mula sa sinapupunan; naliligaw na (sila) simula nang kapanganakan pa lamang, na nagsasabi ng mga kasinungalingan.
זרו רשעים מרחם תעו מבטן דברי כזב׃
4 Ang kanilang kamandag ay katulad ng kamandag ng ahas; katulad (sila) ng binging ulupong na tinatakpan ang kanilang mga tainga,
חמת למו כדמות חמת נחש כמו פתן חרש יאטם אזנו׃
5 na hindi pinapansin ang tinig ng mga nang-aamo, kahit gaano pa (sila) kagaling.
אשר לא ישמע לקול מלחשים חובר חברים מחכם׃
6 Sirain mo ang mga ngipin ng kanilang mga bibig, O Diyos; sirain mo ang mga malalaking ngipin ng mga batang leon, Yahweh.
אלהים הרס שנימו בפימו מלתעות כפירים נתץ יהוה׃
7 Hayaan mong matunaw (sila) katulad ng tubig na dumadaloy; kapag pinapana nila ang kanilang mga palaso, hayaan mong ang mga ito ay parang walang mga tulis.
ימאסו כמו מים יתהלכו למו ידרך חצו כמו יתמללו׃
8 Hayaan mo silang maging parang kuhol na natutunaw at namamatay, katulad ng sanggol na kulang sa buwan na ipinanganak ng isang babae, na hindi kailanman makikita ang sikat ng araw.
כמו שבלול תמס יהלך נפל אשת בל חזו שמש׃
9 Bago pa maramdaman ng iyong mga paso ang nakakapasong init ng mga tinik, aalisin niya ang mga iyon sa pamamagitan ng buhawi, ang parehong luntian at nakakapasong mga tinik.
בטרם יבינו סירתיכם אטד כמו חי כמו חרון ישערנו׃
10 Ang matuwid ay magagalak kapag nakita niya ang paghihiganti ng Diyos; huhugasan niya ang kaniyang mga paa sa dugo ng mga masasama,
ישמח צדיק כי חזה נקם פעמיו ירחץ בדם הרשע׃
11 para ang mga tao ay makapagsabing, “Tunay nga, may gantimpala para sa taong matuwid; tunay ngang mayroong Diyos na humahatol sa mundo.”
ויאמר אדם אך פרי לצדיק אך יש אלהים שפטים בארץ׃

< Mga Awit 58 >