< Mga Awit 56 >

1 Maawa ka sa akin, o Diyos, dahil may naghahangad na lamunin ako; buong araw ay nilalabanan niya ako at inaapi.
“For the leader of the music. To be sung to the tune of “The dumb dove among strangers.” A psalm of David, when the Philistines took him in Gath.” Have pity upon me, O God! for man panteth for my life; My adversary daily oppresseth me!
2 Hinahangad ng aking mga kaaway na lamunin ako buong araw; dahil marami ang mayabang na kumakalaban sa akin.
Mine enemies daily pant for my life, And many are they who war proudly against me.
3 Kapag ako ay natatakot, magtitiwala ako sa iyo.
When I am in fear, I will put my trust in thee!
4 Sa Diyos, na ang salita ay aking pinupuri - sa Diyos ako nagtitiwala; hindi ako matatakot; ano ang magagawa sa akin ng mga pawang tao lamang?
Through God shall I praise his word; In God do I put my trust; I will not fear; What can flesh do to me?
5 Buong araw, binabaluktot nila ang aking mga salita; lahat ng kanilang iniisip ay laban sa akin para sa kasamaan.
Every day they wrest my words; All their thoughts are against me for evil.
6 Nagtitipon-tipon (sila) tinatago nila ang kanilang mga sarili, at tinatandaan ang aking mga hakbang, katulad ng kanilang paghihintay sa aking buhay.
They gather themselves together, they hide themselves, they watch my steps, Lying in wait for my life.
7 Huwag mo silang hayaang makatakas na gumagawa ng kasamaan. Pabagsakin mo ang mga tao sa iyong galit, O Diyos.
Shall they escape by their iniquity? In thine anger cast down the people, O God!
8 Binibilang mo ang aking mga paglalakbay at inilalagay mo ang aking mga luha sa iyong bote; wala ba ang mga ito sa iyong aklat?
Count thou my wanderings; Put my tears into thy bottle! Are they not recorded in thy book?
9 Pagkatapos tatalikod ang aking mga kaaway sa araw ng aking pagtawag sa iyo; ito ang aking nalalaman, na ang Diyos ay para sa akin.
When I cry to thee, my enemies shall turn back; This I know, that God is for me.
10 Sa Diyos, na ang salita ay pinupuri ko - kay Yahweh, na ang salita ay pinupuri ko -
Through God shall I praise his word; I shall glory in the promise of Jehovah.
11 sa Diyos ako nagtitiwala; hindi ako matatakot; ano ang magagawa sa akin ng pawang tao lamang?
In God do I put my trust; I will not fear: What can man do to me?
12 Ang tungkulin na tuparin ang lahat ng panata ko sa iyo ay nasa akin, O Diyos; magbibigay ako ng mga handog ng pasasalamat sa iyo.
Thy vows are upon me, O God! I will render praises to thee!
13 Dahil sinagip mo ang aking buhay mula sa kamatayan; pinigilan mo ang aking mga paa na mahulog, para ako ay makalakad sa harapan ng Diyos sa liwanag ng mga nabubuhay.
For thou hast delivered me from death, Yea, my feet from falling, That I may walk before God in the light of the living.

< Mga Awit 56 >