< Mga Awit 55 >
1 Pakinggan mo aking panalangin, O Diyos; at huwag mong itago ang iyong sarili sa aking pagsamo.
GIVE ear to my prayer, O God; and hide not thyself from my supplication.
2 Pakinggan mo ako at ako ay iyong sagutin; wala akong kapahingahan sa aking mga kaguluhan.
Attend unto me, and hear me: I mourn in my complaint, and make a noise;
3 dahil sa tinig ng aking mga kaaway, dahil sa pang-aapi ng masasama; dahil nagdala (sila) ng kaguluhan sa akin at galit akong inuusig.
Because of the voice of the enemy, because of the oppression of the wicked: for they cast iniquity upon me, and in wrath they hate me.
4 Lubhang nasaktan ang aking puso, at binagsakan ako ng malaking takot sa kamatayan.
My heart is sore pained within me: and the terrors of death are fallen upon me.
5 Dumating sa akin ang pagkatakot at panginginig, at kilabot ang nanaig sakin.
Fearfulness and trembling are come upon me, and horror hath overwhelmed me.
6 Aking sinabi, “O, kung mayroon lamang akong mga pakpak tulad ng kalapati! Kung magkagayon lilipad akong palayo at magpapahinga.
And I said, Oh that I had wings like a dove! for then would I fly away, and be at rest.
7 Tingnan, ako ay gagala sa malayo; doon ako mananahan sa ilang. (Selah)
Lo, then would I wander far off, and remain in the wilderness. (Selah)
8 Magmamadali ako para sumilong mula sa malakas na hangin at unos''.
I would hasten my escape from the windy storm and tempest.
9 Wasakin mo (sila) Panginoon, at guluhin ang kanilang mga wika, dahil nakita ko ang karahasan at kaguluhan sa lungsod.
Destroy, O Lord, and divide their tongues: for I have seen violence and strife in the city.
10 Lumiligid (sila) araw at gabi sa ibabaw ng kanyang pader, kasalanan at kalokohan ay nasa kalagitnaan niya.
Day and night they go about it upon the walls thereof: mischief also and sorrow are in the midst of it.
11 Kasamaan ang nasa gitna nito; ang pang-aapi at pandaraya sa mga lansangan nito ay hindi umaalis.
Wickedness is in the midst thereof: deceit and guile depart not from her streets.
12 Dahil hindi isang kaaway ang sumasaway sa akin. kaya maaari ko itong tiisin; ni hindi siya ang napopoot sa akin na itinaas ang kaniyang sarili laban sa akin, dahil kung hindi itinago ko sana ang aking sarili sa kanya.
For it was not an enemy that reproached me; then I could have borne it: neither was it he that hated me that did magnify himself against me; then I would have hid myself from him:
13 Pero ikaw iyon, isang lalaking kapantay ko, aking kasama at aking malapit na kaibigan.
But it was thou, a man mine equal, my guide, and mine acquaintance.
14 Mayroon tayong matamis na pagsasamahan; naglakad tayo kasama ang maraming tao sa tahanan ng Diyos.
We took sweet counsel together, and walked unto the house of God in company.
15 Hayaang mong biglang dumating ang kamatayan sa kanila; hayaang mo silang bumaba ng buhay sa Sheol, dahil sa kalagitnaan nila, sa kasamaan (sila) namumuhay. (Sheol )
Let death seize upon them, and let them go down quick into hell: for wickedness is in their dwellings, and among them. (Sheol )
16 Para sa akin, tatawag ako sa Diyos, at ililigtas ako ni Yahweh.
As for me, I will call upon God; and the Lord shall save me.
17 Magsusumbong ako at dadaing sa gabi, sa umaga at sa tanghaling tapat; maririnig niya ang aking tinig.
Evening, and morning, and at noon, will I pray, and cry aloud: and he shall hear my voice.
18 Ligtas niyang sasagipin ang aking buhay mula sa digmaang laban sa akin, dahil marami silang mga lumaban sa akin.
He hath delivered my soul in peace from the battle that was against me: for there were many with me.
19 Ang Diyos, ang nananatili mula noon pang unang panahon, ay makikinig at tumutugon sa kanila. (Selah) Ang mga taong iyon ay hindi nagbago; (sila) ay hindi natatakot sa Diyos.
God shall hear, and afflict them, even he that abideth of old. (Selah) Because they have no changes, therefore they fear not God.
20 Itinataas ng aking kaibigan ang kaniyang mga kamay laban sa kaniyang mga kasundo; hindi na niya iginalang ang tipan na mayroon siya.
He hath put forth his hands against such as be at peace with him: he hath broken his covenant.
21 Ang kaniyang bibig ay kasindulas ng mantikilya, pero ang kaniyang puso ay naghamon; mas malambot pa kaysa sa langis ang kaniyang mga salita, pero ang totoo (sila) ay mga binunot na espada.
The words of his mouth were smoother than butter, but war was in his heart: his words were softer than oil, yet were they drawn swords.
22 Ilagay mo ang iyong pasanin kay Yahweh, at ikaw ay kaniyang aalalayan; hindi niya papayagang sumuray- suray sa paglalakad ang taong matuwid.
Cast thy burden upon the Lord, and he shall sustain thee: he shall never suffer the righteous to be moved.
23 Pero ikaw, O Diyos, ay dadalhin sa hukay ng pagkawasak ang masama; ang mga uhaw sa dugo at mandaraya ay hindi mabubuhay kahit kalahati ng buhay ng iba, pero ako ay sa iyo magtitiwala.
But thou, O God, shalt bring them down into the pit of destruction: bloody and deceitful men shall not live out half their days; but I will trust in thee.