< Mga Awit 53 >
1 Sinasabi ng mangmang sa kaniyang puso, ''Walang Diyos.'' Masama (sila) at gumawa ng kasuklam-suklam na pagkakasala; walang sinuman ang gumagawa ng mabuti.
Au maître de chant. Sur le ton plaintif. Cantique de David. L’insensé dit dans son cœur: « il n’y a pas de Dieu! » il n’en est aucun qui fasse le bien.
2 Mula sa langit nakatanaw ang Diyos sa mga anak ng tao para tingnan kung may nakauunawa na naghahanap sa kaniya.
Dieu, du haut des cieux, regarde les fils de l’homme, pour voir s’il se trouve quelqu’un d’intelligent, quelqu’un qui cherche Dieu.
3 Ang bawat isa sa kanila ay tumalikod; ang lahat ay naging marumi; wala ni isang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.
Tous sont égarés, tous sont pervertis; il n’en est aucun qui fasse le bien, pas même un seul.
4 Wala ba silang nalalaman, silang gumagawa ng pagkakasala, silang mga kumakain ng aking bayan gaya ng pagkain ng tinapay pero hindi tumatawag sa Diyos?
N’ont-ils pas de connaissance ceux qui commettent l’iniquité? Ils dévorent mon peuple comme ils mangent du pain, ils n’invoquent point Dieu!
5 (Sila) ay nasa kalagitnaan ng matinding pagkatakot, kahit na walang dahilan para matakot; dahil ikakalat ng Diyos ang mga buto ng sinumang nagsasama-sama laban sa inyo; ang ganiyang mga tao ay ilalagay sa kahihiyan dahil (sila) ay tinanggihan ng Diyos.
Ils trembleront tout à coup d’épouvante, sans qu’il y ait sujet d’épouvante; car Dieu a dispersé les os de celui qui campait contre toi; tu les as confondus, car Dieu les a rejetés.
6 O, ang kaligtasan ng Israel ay darating mula sa Sion! Kapag ibinalik na ng Diyos ang kaniyang bayan mula sa pagkakabihag, magdiriwang si Jacob at ang Israel ay magagalak!
Oh! puisse venir de Sion la délivrance d’Israël! Quand Dieu ramènera les captifs de son peuple, Jacob se réjouira, Israël sera dans l’allégresse.