< Mga Awit 52 >
1 Bakit mo ipinagyayabang ang iyong panggugulo, ikaw malakas na lalaki? Ang katapatan ng Diyos sa tipan ay dumarating araw-araw.
εἰς τὸ τέλος συνέσεως τῷ Δαυιδ ἐν τῷ ἐλθεῖν Δωηκ τὸν Ιδουμαῖον καὶ ἀναγγεῖλαι τῷ Σαουλ καὶ εἰπεῖν αὐτῷ ἦλθεν Δαυιδ εἰς τὸν οἶκον Αβιμελεχ τί ἐγκαυχᾷ ἐν κακίᾳ ὁ δυνατός ἀνομίαν ὅλην τὴν ἡμέραν
2 Nagbabalak ang iyong dila tulad ng matalim na labaha na mapandayang gumagawa.
ἀδικίαν ἐλογίσατο ἡ γλῶσσά σου ὡσεὶ ξυρὸν ἠκονημένον ἐποίησας δόλον
3 Minamahal mo ang kasamaan kaysa sa kabutihan at kasinungalingan kaysa sa pagsasabi ng katuwiran. (Selah)
ἠγάπησας κακίαν ὑπὲρ ἀγαθωσύνην ἀδικίαν ὑπὲρ τὸ λαλῆσαι δικαιοσύνην διάψαλμα
4 Mahal mo ang lahat ng mga salitang sumisira sa iba, ikaw na mandarayang dila.
ἠγάπησας πάντα τὰ ῥήματα καταποντισμοῦ γλῶσσαν δολίαν
5 Kaya wawasakin ka rin ng Diyos magpakailanman; siya ang mag-aalis sa iyo at hahatakin kang palabas sa iyong tolda at bubunutin ka mula sa lupain ng mga nabubuhay. (Selah)
διὰ τοῦτο ὁ θεὸς καθελεῖ σε εἰς τέλος ἐκτίλαι σε καὶ μεταναστεύσαι σε ἀπὸ σκηνώματος καὶ τὸ ῥίζωμά σου ἐκ γῆς ζώντων διάψαλμα
6 Ang matuwid ay makikita rin ito at matatakot; tatawanan siya nila at sasabihing,
καὶ ὄψονται δίκαιοι καὶ φοβηθήσονται καὶ ἐπ’ αὐτὸν γελάσονται καὶ ἐροῦσιν
7 “Tingnan mo, ito ang taong hindi ang Diyos ang ginawang kalakasan pero nagtiwala sa kasaganahan ng kaniyang kayamanan at pinatunayan ang kaniyang sarili sa kasamaang kaniyang ginagawa.”
ἰδοὺ ἄνθρωπος ὃς οὐκ ἔθετο τὸν θεὸν βοηθὸν αὐτοῦ ἀλλ’ ἐπήλπισεν ἐπὶ τὸ πλῆθος τοῦ πλούτου αὐτοῦ καὶ ἐδυναμώθη ἐπὶ τῇ ματαιότητι αὐτοῦ
8 Pero para sa akin, katulad ko ang isang berdeng punong olibo sa tahanan ng Diyos; ako ay magtitiwala sa katapatan ng Diyos sa tipan magpakailanpaman.
ἐγὼ δὲ ὡσεὶ ἐλαία κατάκαρπος ἐν τῷ οἴκῳ τοῦ θεοῦ ἤλπισα ἐπὶ τὸ ἔλεος τοῦ θεοῦ εἰς τὸν αἰῶνα καὶ εἰς τὸν αἰῶνα τοῦ αἰῶνος
9 Ako ay magbibigay pasasalamat, O Diyos, magpakailanman dahil sa mga bagay na iyong ginawa. Umaasa ako sa iyong pangalan, dahil ito ay mabuti sa harapan ng mga matatapat.
ἐξομολογήσομαί σοι εἰς τὸν αἰῶνα ὅτι ἐποίησας καὶ ὑπομενῶ τὸ ὄνομά σου ὅτι χρηστὸν ἐναντίον τῶν ὁσίων σου