< Mga Awit 51 >
1 Kaawaan mo ako, Diyos, dahil sa iyong katapatan sa tipan; alang-alang sa iyong mga maawaing gawa, burahin mo ang aking mga kasalanan.
ああ神よねがはくはなんぢの仁慈によりて我をあはれみ なんぢの憐憫のおほきによりてわがもろもろの愆をけしたまへ
2 Mula sa aking mabigat na pagkakasala ako ay hugasan mo nang lubusan at linisin ako mula sa aking kasalanan.
わが不義をことごとくあらひさり我をわが罪よりきよめたまへ
3 Dahil alam ko ang aking mga paglabag, at laging naaalala ang aking kasalanan.
われはわが愆をしる わが罪はつねにわが前にあり
4 Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala at sa iyong paningin ginawa kung ano ang napakasama; matuwid ka kapag nagsasalita; tama ka kapag humahatol.
我はなんぢにむかひて獨なんぢに罪ををかし聖前にあしきことを行へり されば汝ものいふときは義とせられ なんぢ鞫くときは咎めなしとせられ給ふ
5 Masdan mo, ako ay isinilang sa malaking kasalanan; nang ipinagdadalang-tao ako ng aking ina, ako ay naroon na sa kasalanan.
視よわれ邪曲のなかにうまれ罪ありてわが母われをはらみたりき
6 Masdan mo, sa aking puso ang ninanais mo ay ang pagiging-mapagkakatiwalaan; sa aking puso ipaaalam mo ang karunungan.
なんぢ眞實をこころの衷にまでのぞみ わが隠れたるところに智慧をしらしめ給はん
7 Dalisayin mo ako ng isopo, at ako ay magiging malinis; hugasan mo ako at magiging mas maputi ako kaysa niyebe.
なんぢヒソブをもて我をきよめたまへ さらばわれ淨まらん 我をあらひたまへ さらばわれ雪よりも白からん
8 Iparinig mo sa akin ang kasiyahan at kagalakan para magsaya ang mga buto na iyong binali.
なんぢ我によろこびと快樂とをきかせ なんぢが碎きし骨をよろこばせたまへ
9 Itago mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan at pawiin ang lahat ng mga nagawa kong kasamaan.
ねがはくは聖顔をわがすべての罪よりそむけ わがすべての不義をけしたまへ
10 Likhain mo sa akin ang isang malinis na puso, Diyos, at ipanumbalik sa akin ang isang matuwid na espiritu.
ああ神よわがために清心をつくり わが衷になほき霊をあらたにおこしたまへ
11 Sa iyong presensiya huwag mo akong paalisin, at huwag alisin ang iyong Banal na Espiritu mula sa akin.
われを聖前より棄たまふなかれ 汝のきよき霊をわれより取りたまふなかれ
12 Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas, at pagkalooban mo ako ng espiritung handang sumunod.
なんぢの救のよろこびを我にかへし自由の霊をあたへて我をたもちたまへ
13 Pagkatapos ituturo ko sa mga lumalabag sa iyong mga utos ang iyong mga pamamaraan, at magbabalik-loob sa iyo ang mga makasalanan.
さらばわれ愆ををかせる者になんぢの途ををしへん罪人はなんぢに歸りきたるべし
14 Patawarin mo ako dahil sa pagdadanak ng dugo, Diyos ng aking kaligtasan, at sisigaw ako nang buong kagalakan sa iyong katuwiran.
神よわが救のかみよ血をながしし罪より我をたすけいだしたまへ わが舌は聲たからかになんぢの義をうたはん
15 Panginoon, buksan mo ang aking mga labi, at ipahahayag ng aking bibig ang iyong kapurihan.
主よわが口唇をひらきたまへ 然ばわが口なんぢの頌美をあらはさん
16 Pero hindi ka nagagalak sa alay, kundi ito ay aking ibibigay; sa mga sinunog na handog hindi ka nasisiyahan.
なんぢは祭物をこのみたまはず もし然らずば我これをささげん なんぢまた燔祭をも悦びたまはず
17 Ang mga alay na karapat-dapat sa Diyos ay isang basag na kalooban. Hindi mo hahamakin, O Diyos, ang isang basag at nagsisising puso.
神のもとめたまふ祭物はくだけたる霊魂なり 神よなんぢは碎けたる悔しこころを藐しめたまふまじ
18 Gawan mo ng mabuti ang Sion ayon sa iyong kasiyahan; itayo mong muli ang mga pader ng Jerusalem.
ねがはくは聖意にしたがひてシオンにさいはひし ヱルサレムの石垣をきづきたまへ
19 Kung magkagayon ay malulugod ka sa mga alay ng katuwiran, sa sinunog na mga handog at lubusang sinunog na mga handog; pagkatapos, ang aming bayan ay maghahandog ng mga toro sa iyong altar.
その時なんぢ義のそなへものと燔祭と全きはんさいとを悦びたまはん かくて人々なんぢの祭壇に牡牛をささぐべし