< Mga Awit 50 >

1 Ang Tanging Makapangyarihan, ang Diyos, si Yahweh, ay nagsalita at tinawag ang daigdig mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito.
En Salme af Asaf. Gud, Gud HERREN taled og stævnede Jorden hid fra Sol i Opgang til Sol i Bjærge;
2 Mula sa Sion, ang kaganapan ng kagandahan, ang Diyos ay nagningning.
fra Zion, Skønhedens Krone, viste Gud sig i Straaleglans
3 Dumarating ang ating Diyos at hindi nananatiling tahimik; isang apoy ang lumalamon sa harapan niya, at bumabagyo nang napakalakas sa kanyang paligid.
— vor Gud komme og tie ikke! — Foran ham gik fortærende Ild, omkring ham rasede Storm;
4 Nananawagan siya sa kalangitan at sa lupa para mahatulan niya ang kaniyang bayan:
han stævned Himlen deroppe hid og Jorden for at dømme sit Folk:
5 “Tipunin ang mga matatapat sa akin, ang mga nakipagtipan sa akin sa pamamagitan ng pag-aalay.”
»Saml mig mine fromme, der sluttede Pagt med mig ved Ofre!«
6 Ipahahayag ng kalangitan ang kaniyang katuwiran, dahil ang Diyos mismo ay hukom. (Selah)
Og Himlen forkyndte hans Retfærd, at Gud er den, der dømmer. (Sela)
7 “Makinig, aking bayan, at ako ay magsasalita; ako ang Diyos, ang inyong Diyos.
Hør, mit Folk, jeg vil tale, Israel, jeg vil vidne imod dig, Gud, din Gud er jeg!
8 Hindi ko kayo susumbatan dahil sa inyong mga alay; ang sinunog ninyong mga handog ay laging nasa aking harapan.
Jeg laster dig ikke for dine Slagtofre, dine Brændofre har jeg jo stadig for Øje;
9 Wala akong kukuning toro mula sa inyong bahay, o lalaking mga kambing mula sa inyong mga kawan.
jeg tager ej Tyre fra dit Hus eller Bukke fra dine Stalde;
10 Dahil ang bawat hayop sa kagubatan ay sa akin, at ang mga baka na nasa isang libong burol.
thi mig tilhører alt Skovens Vildt, Dyrene paa de tusinde Bjerge;
11 Kilala ko ang lahat ng mga ibon sa mga bundok, at ang mga mababangis na hayop sa bukid ay sa akin.
jeg kender alle Bjergenes Fugle, har rede paa Markens Vrimmel.
12 Kung ako ay nagugutom, hindi ko sa inyo sasabihin; dahil ang mundo ay sa akin, at ang lahat ng mga bagay dito, ay sa akin din.
Om jeg hungred, jeg sagde det ikke til dig, thi mit er Jorderig og dets Fylde!
13 Kakainin ko ba ang laman ng mga toro o iinumin ang dugo ng mga kambing?
Mon jeg æder Tyres Kød eller drikker Bukkes Blod?
14 Maghandog kayo sa Diyos ng alay ng pasasalamat, at tuparin ninyo ang inyong mga banal na panata sa Kataas-taasan.
Lovsang skal du ofre til Gud og holde den Højeste dine Løfter.
15 Tumawag kayo sa akin sa araw ng kaguluhan; sasagipin ko kayo, at ako ay inyong luluwalhatiin.”
Og kald paa mig paa Nødens Dag; jeg vil udfri dig, og du skal ære mig,
16 Pero sa mga makasalanan sinasabi ng Diyos, “Ano ang kinalaman mo sa pagpapahayag ng aking mga kautusan, at sinasambit mo ang aking tipan,
Men til Den gudløse siger Gud: Hvi regner du op mine Bud og fører min Pagt i Munden,
17 gayong ang aking tagubilin ay inyong kinamumuhian at ang aking mga salita ay inyong itinatapon?
naar du dog hader Tugt og kaster mine Ord bag din Ryg?
18 Kapag nakakakita kayo ng isang magnanakaw, sumasang-ayon kayo sa kanya; nakikisali kayo sa mga nangangalunya.
Ser du en Tyv, slaar du Følge med ham, med Horkarle holder du til,
19 Nagsasabi kayo ng kasamaan, at naghahayag ang inyong dila ng kasinungalingan.
slipper Munden løs med ondt, din Tunge bærer paa Svig.
20 Umuupo kayo at nagsasalita laban sa inyong kapatid; ang anak ng sarili ninyong ina ay inyong sinisiraang puri.
Du sidder og skænder din Broder, bagtaler din Moders Søn;
21 Ginawa ninyo ang mga bagay na ito, pero nanatili akong tahimik, kaya inisip ninyo na isa lamang akong katulad ninyo. Pero susumbatan ko kayo at ipapakita ko ang lahat ng mga bagay na inyong ginawa.
det gør du, og jeg skulde tie, og du skulde tænke, jeg er som du! Revse dig vil jeg og gøre dig det klart.
22 Ngayon isaalang-alang niyo ito, kayong nakakalimot sa Diyos; dahil kung hindi ay dudurugin ko kayo at walang sinumang darating para tulungan kayo:
Mærk jer det, I, som glemmer Gud, at jeg ikke skal rive jer redningsløst sønder.
23 Sinumang naghahandog ng alay ng pasasalamat ay nagpupuri sa akin, at sa sinumang nagpaplano ng kaniyang landas sa tamang paraan, ipakikita ko sa kaniya ang pagliligtas ng Diyos.”
Den, der ofrer Taksigelse, ærer mig; den, der agter paa Vejen, lader jeg se Guds Frelse.

< Mga Awit 50 >