< Mga Awit 5 >

1 Makinig ka sa aking panawagan sa iyo, Yahweh; isipin mo ang aking mga daing.
Au chef des chantres. Avec les flûtes. Psaume de David. Prête l’oreille à mes paroles, ô Éternel! Écoute mes gémissements!
2 Makinig ka sa tunog ng aking panawagan, aking Hari at aking Diyos, dahil sa iyo ako nananalangin.
Sois attentif à mes cris, mon roi et mon Dieu! C’est à toi que j’adresse ma prière.
3 Yahweh, sa umaga naririnig mo ang aking iyak; sa umaga dadalhin ko ang aking kahilingan sa iyo at maghihintay nang may pananabik.
Éternel! Le matin tu entends ma voix; Le matin je me tourne vers toi, et je regarde.
4 Tiyak ngang hindi ka ang Diyos na pinahihintulutan ang kasamaan; ang mga masasamang tao ay hindi mo magiging mga panauhin.
Car tu n’es point un Dieu qui prenne plaisir au mal; Le méchant n’a pas sa demeure auprès de toi.
5 Ang mayabang ay hindi tatayo sa harapan mo; kinamumuhian mo ang lahat nang kumikilos nang masama.
Les insensés ne subsistent pas devant tes yeux; Tu hais tous ceux qui commettent l’iniquité.
6 Wawasakin mo ang mga sinungaling; hinahamak ni Yahweh ang mga mararahas at mandarayang mga tao.
Tu fais périr les menteurs; L’Éternel abhorre les hommes de sang et de fraude.
7 Pero para sa akin, dahil sa iyong dakilang katapatan sa tipan, papasok ako sa iyong tahanan; sa paggalang, ako ay yuyuko sa dako ng iyong banal na templo.
Mais moi, par ta grande miséricorde, je vais à ta maison, Je me prosterne dans ton saint temple avec crainte.
8 O Panginoon, akayin mo ako sa iyong katuwiran dahil sa aking mga kaaway; gawin mong tuwid ang iyong landas sa harap ko.
Éternel! Conduis-moi dans ta justice, à cause de mes ennemis, Aplanis ta voie sous mes pas.
9 Dahil walang katotohanan sa kanilang bibig; ang kanilang panloob na pagkatao ay masama; ang kanilang lalamunan ay isang bukas na libingan; nang-uuto (sila) gamit ang kanilang dila.
Car il n’y a point de sincérité dans leur bouche; Leur cœur est rempli de malice, Leur gosier est un sépulcre ouvert, Et ils ont sur la langue des paroles flatteuses.
10 Ihayag mong (sila) ay may sala, O Diyos; nawa ang kanilang mga balakin ang magpabagsak sa kanila! Itaboy mo (sila) dahil sa maraming kasalanan nila, dahil (sila) ay sumuway laban sa iyo.
Frappe-les comme des coupables, ô Dieu! Que leurs desseins amènent leur chute! Précipite-les au milieu de leurs péchés sans nombre! Car ils se révoltent contre toi.
11 Pero nawa ang lahat ng kumukubli sa iyo ay magalak; hayaan mo silang laging sumigaw sa galak dahil ipinagtatanggol mo (sila) hayaan mo silang magalak sa iyo, (sila) na nagmamahal sa iyong pangalan.
Alors tous ceux qui se confient en toi se réjouiront, Ils auront de l’allégresse à toujours, et tu les protégeras; Tu seras un sujet de joie Pour ceux qui aiment ton nom.
12 Dahil pagpapalain mo ang matuwid, Yahweh; palilibutan mo (sila) ng pagpapala tulad ng isang kalasag.
Car tu bénis le juste, ô Éternel! Tu l’entoures de ta grâce comme d’un bouclier.

< Mga Awit 5 >