< Mga Awit 49 >
1 Pakinggan ninyo ito, lahat kayong mga mamamayan; ibaling ang inyong pandinig, lahat kayong mga naninirahan sa mundo,
もろもろの民よきけ賤きも貴きも富るも貧きもすべて地にすめる者よ なんぢらともに耳をそばだてよ
2 kapwa mababa at mataas, mayaman at mahirap na magkakasama.
もろもろの民よきけ賤きも貴きも富るも貧きもすべて地にすめる者よ なんぢらともに耳をそばだてよ
3 Magsasabi ang aking bibig ng karunungan at ang magiging pagbubulay-bulay ng aking puso ay pang-unawa.
わが口はかしこきことをかたり わが心はさときことを思はん
4 Ikikiling ko ang aking pandinig sa isang parabola; sisimulan ko ang aking parabola gamit ang alpa.
われ耳を喩言にかたぶけ琴をならしてわが幽玄なる語をときあらはさん
5 Bakit kailangang matakot ako sa mga araw ng kasamaan, kapag napapaligiran ako ng kasamaan sa aking mga sakong?
わが踵にちかかる不義のわれを打圍むわざはひの日もいかで懼るることあらんや
6 Ang mga nagtitiwala sa kanilang yaman at ipinagmamalaki ang halaga ng kanilang yaman -
おのが富をたのみ財おほきを誇るもの
7 tiyak na walang makatutubos sa kaniyang kapatid o makapagbibigay sa Diyos ng panubos para sa kaniya,
たれ一人おのが兄弟をあがなふことあたはず之がために贖價を神にささげ
8 Dahil mahal ang pagtubos ng buhay ng isang tao, at sa ating pagkakautang walang makakapagbayad.
之をとこしへに生存へしめて朽ざらしむることあたはず(霊魂をあがなふには費いとおほくして此事をとこしへに捨置ざるを得ざればなり)
9 Walang mabubuhay ng magpakailanman nang hindi mabubulok ang kanyang katawan.
之をとこしへに生存へしめて朽ざらしむることあたはず(霊魂をあがなふには費いとおほくして此事をとこしへに捨置ざるを得ざればなり)
10 Dahil makararanas siya ng pagkabulok. Ang mga marurunong ay namamatay; ang mga hangal at ang mga malupit ay parehong mamamatay at iiwanan nila ang kanilang kayamanan sa iba.
そは智きものも死 おろかものも獣心者もひとしくほろびてその富を他人にのこすことは常にみるところなり
11 Ang nasa kaloob-looban ng kaisipan nila ay magpapatuloy ang kanilang mga pamilya magpakailanman, pati na ang mga lugar kung saan (sila) naninirahan, sa lahat ng mga salinlahi; tinawag nila ang kanilang mga lupain ayon sa kanilang mga pangalan.
かれら竊におもふ わが家はとこしへに存りわがすまひは世々にいたらんと かれらはその地におのが名をおはせたり
12 Pero ang tao na may taglay na yaman ay hindi nananatiling buhay; tulad siya ng mga hayop na namamatay.
されど人は譽のなかに永くとどまらず亡びうする獣のごとし
13 Ito, ang kanilang pamamaraan, ay kanilang kahangalan; pero pagkatapos nila, ang mga tao ay sumasang-ayon sa kanilang mga sinasabi. (Selah)
斯のごときは愚かなるものの途なり 然はあれど後人はその言をよしとせん (セラ)
14 Itinatalaga (sila) tulad ng isang kawan na pupunta sa sheol; kamatayan ang kanilang magiging pastol; ang matuwid ay magkakaroon ng kapangyarihan sa kanila pagsapit ng umaga; lalamunin ng sheol ang kanilang mga katawan at wala silang lugar na matitirahan. (Sheol )
かれらは羊のむれのごとくに陰府のものと定めらる 死これが牧者とならん直きもの朝にかれらををさめん その美容は陰府にほろぼされて宿るところなかるべし (Sheol )
15 Pero tutubusin ng Diyos ang aking buhay mula sa kapangyarihan ng sheol; ako ay kaniyang tatanggapin. (Selah) (Sheol )
されど神われを接たまふべければわが霊魂をあがなひて陰府のちからより脱かれしめたまはん (セラ) (Sheol )
16 Huwag matakot kapag may isang taong yumayaman, kapag ang kapangyarihan ng kaniyang pamilya ay lumalawak,
人のとみてその家のさかえくははらんとき汝おそるるなかれ
17 dahil kapag siya ay namatay, wala siyang dadalhin kahit anong bagay; hindi niya kasamang bababa ang kanyang kapangyarihan.
かれの死るときは何一つたづさへゆくことあたはず その榮はこれにしたがひて下ることをせざればなり
18 Pinagpala niya ang kaniyang kaluluwa habang siya ay nabubuhay - at pinupuri ka ng mga tao kapag namumuhay ka para sa iyong sarili -
かかる人はいきながらふるほどに己がたましひを祝するとも みづからを厚うするがゆゑに人々なんぢをほむるとも
19 pupunta siya sa salinlahi ng kanyang mga ama at hindi nila kailanman makikitang muli ang liwanag.
なんぢ列祖の世にゆかん かれらはたえて光をみざるべし
20 Ang isang taong may yaman pero walang pang-unawa ay tulad ng mga hayop na namamatay.
尊貴なかにありて暁らざる人はほろびうする獣のごとし