< Mga Awit 48 >

1 Dakila si Yahweh at lubos na dakila para purihin, sa lungsod ng ating Diyos sa kaniyang bundok na banal.
Песнь. Псалом. Сынов Кореевых. Велик Господь и всехвален во граде Бога нашего, на святой горе Его.
2 Ang pagiging matayog nito ay kay gandang pagmasdan, ang kagalakan ng buong mundo, ay ang Bundok ng Sion, sa mga dako ng hilaga, ang lungsod ng Haring dakila.
Прекрасная возвышенность, радость всей земли гора Сион; на северной стороне ее город великого Царя.
3 Nagpakilala ang Diyos sa kaniyang mga palasyo bilang isang kublihan.
Бог в жилищах его ведом, как заступник:
4 Pero, tingnan niyo, ang mga hari ay pinulong ang kanilang mga sarili; (sila) ay dumaan nang magkakasama.
ибо вот, сошлись цари и прошли все мимо;
5 Nakita nila ito, pagkatapos (sila) ay namangha, (sila) ay nasiraan ng loob at nagmamadaling lumayo.
увидели и изумились, смутились и обратились в бегство;
6 Pangangatog ang bumalot sa kanila doon, sakit gaya ng isang babaeng nanganganak.
страх объял их там и мука, как у женщин в родах;
7 Sa pamamagitan ng hangin ng silangan sinira mo ang mga barko ng Tarsis.
восточным ветром Ты сокрушил Фарсийские корабли.
8 Gaya ng aming narinig, ay ganoon din ang aming nakita sa lungsod ni Yahweh ng mga hukbo, sa lungsod ng ating Diyos; itatatag ito ng Diyos magpakailanman. (Selah)
Как слышали мы, так и увидели во граде Господа сил, во граде Бога нашего: Бог утвердит его на веки.
9 Naalala namin ang tungkol sa iyong katapatan sa tipan, O Diyos, sa gitna ng iyong templo.
Мы размышляли, Боже, о благости Твоей посреди храма Твоего.
10 Gaya ng iyong pangalan, O Diyos, gayundin ang papuri sa iyo hanggang sa mga dulo ng mundo; ang iyong kanang kamay ay puno ng katuwiran.
Как имя Твое, Боже, так и хвала Твоя до концов земли; десница Твоя полна правды.
11 Hayaan mong ang Bundok ng Sion ay matuwa, hayaan mong ang mga anak na babae ng Juda ay magsaya dahil sa iyong makatuwirang mga kautusan.
Да веселится гора Сион, да радуются дщери Иудейские ради судов Твоих, Господи.
12 Maglakad sa palibot ng Bundok Sion, umikot ka sa kaniya; bilangin mo ang kaniyang mga tore,
Пойдите вокруг Сиона и обойдите его, пересчитайте башни его;
13 masdan mong mabuti ang kaniyang mga pader, at tingnan ang kaniyang mga palasyo nang sa gayon masabi mo ito sa susunod na salinlahi.
обратите сердце ваше к укреплениям его, рассмотрите домы его, чтобы пересказать грядущему роду,
14 Dahil ang Diyos na ito ang ating Diyos magpakailanpaman; siya ang ating magiging gabay hanggang sa kamatayan.
ибо сей Бог есть Бог наш на веки и веки: Он будет вождем нашим до самой смерти.

< Mga Awit 48 >