< Mga Awit 47 >
1 Kayong lahat na mga tao, ipalakpak ninyo ang inyong mga kamay; sumigaw kayo sa Diyos sa tunog ng tagumpay.
Au maître chantre. Des fils de Coré. Cantique. Vous tous les peuples, battez des mains! éclatez pour Dieu en acclamations!
2 Dahil kasindak-sindak ang Kataas-taasang si Yahweh; sa buong mundo siya ang dakilang Hari.
Car l'Éternel, le Très-haut, est digne de crainte, Il est le grand Roi de toute la terre.
3 Nilulupig niya ang mga tao sa ilalim natin at ang mga bansa sa ilalim ng ating mga paa.
Il a rangé des peuples sous nos lois, et mis des nations sous nos pieds;
4 Pinipili niya ang ating mamanahin para sa atin, ang kaluwalhatian ni Jacob na minahal niya. (Selah)
Il nous a choisi lui-même notre héritage, orgueil de Jacob qu'il aime. (Pause)
5 Sa pamamagitan ng isang sigaw ang Diyos ay naitaas, si Yahweh sa pamamagitan ng tunog ng isang trumpeta.
Dieu arrive avec des acclamations, et l'Éternel s'avance au son de la trompette.
6 Umawit ng mga papuri sa Diyos, umawit ng mga papuri; umawit ng mga papuri sa ating Hari, umawit ng mga papuri.
Chantez l'Éternel, chantez! Chantez à notre Roi, chantez!
7 Dahil ang Diyos ang Hari ng buong mundo; umawit ng papuri na may pang-unawa.
Car Dieu est Roi de toute la terre: chantez-lui des hymnes!
8 Ang Diyos ay naghahari sa lahat ng mga bansa; ang Diyos ay nakaupo sa kaniyang banal na trono.
Dieu règne sur les peuples; Dieu est assis sur son trône saint.
9 Ang mga prinsipe ng mga tao ay nagtipon-tipon kasama ang bayan ng Diyos ni Abraham; dahil ang mga pananggalang ng mundo ay pag-aari ng Diyos; siya ay pinarangalan ng lubos.
Les princes des peuples se réunissent au peuple du Dieu d'Abraham; car les boucliers de la terre sont à Dieu, Il est souverainement élevé.