< Mga Awit 46 >
1 Ang Diyos ang ating kublihan at kalakasan, ang handang tumulong kapag may kaguluhan.
In finem, filiis Core, pro arcanis. Psalmus. [Deus noster refugium et virtus; adjutor in tribulationibus quæ invenerunt nos nimis.
2 Kaya nga, hindi kami matatakot, kahit na ang lupa ay mabago, kahit na ang mga kabundukan ay mayanig papunta sa puso ng karagatan,
Propterea non timebimus dum turbabitur terra, et transferentur montes in cor maris.
3 kahit na ang mga tubig nito ay umugong at mangalit, at kahit ang mga kabundukan ay mayanig sa pagragasa ng tubig. (Selah)
Sonuerunt, et turbatæ sunt aquæ eorum; conturbati sunt montes in fortitudine ejus.
4 Doon ay may isang ilog, na ang agos ay pinasasaya ang lungsod ng Diyos, ang banal na lugar ng mga tabernakulo ng Kataas-taasan.
Fluminis impetus lætificat civitatem Dei: sanctificavit tabernaculum suum Altissimus.
5 Ang Diyos ay nasa gitna niya; siya ay hindi matitinag; tutulungan siya ng Diyos, at gagawin niya ito sa pagbubukang-liwayway.
Deus in medio ejus, non commovebitur; adjuvabit eam Deus mane diluculo.
6 Ang mga bansa ay napoot at ang mga kaharian ay nayanig; ang tinig niya ay kaniyang itinaas, at ang lupa ay naagnas.
Conturbatæ sunt gentes, et inclinata sunt regna: dedit vocem suam, mota est terra.
7 Si Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo ay kasama natin; ang Diyos ni Jacob na kublihan natin. (Selah)
Dominus virtutum nobiscum; susceptor noster Deus Jacob.
8 Lumapit kayo, masdan ang mga ginawa ni Yahweh, ang pagkawasak na kaniyang idinulot sa mundo.
Venite, et videte opera Domini, quæ posuit prodigia super terram,
9 Pinahihinto niya ang mga digmaan sa dulo ng mundo; binali niya ang mga pana at ang mga sibat ay pinagpira-piraso; ang mga panangga ay kaniyang sinunog.
auferens bella usque ad finem terræ. Arcum conteret, et confringet arma, et scuta comburet igni.
10 Tumahimik kayo at kilalanin ninyo na ako ay Diyos; itatanghal ako sa ginta ng mga bansa; itatanghal ako sa mundo.
Vacate, et videte quoniam ego sum Deus; exaltabor in gentibus, et exaltabor in terra.
11 Si Yahweh ng mga hukbo ay sasaatin; ang Diyos ni Jacob ang kublihan natin. (Selah)
Dominus virtutum nobiscum; susceptor noster Deus Jacob.]