< Mga Awit 45 >
1 Nag-uumapaw ang aking puso sa mabuting paksa; babasahin ko nang malakas ang mga salita na aking isinulat tungkol sa hari; ang aking dila ang panulat ng isang manunulat na handa.
Moje srce narekuje dobro stvar, govorim o zadevah, ki sem jih storil glede kralja, moj jezik je pero veščega pisca.
2 Ikaw ay mas makisig kaysa mga anak ng tao; biyaya ay binuhos sa iyong mga labi; kaya alam namin na pinagpala ka ng Diyos magpakailanman.
Pravičnejši si od človeških otrok, na tvoje ustnice je izlita milost, zato te je Bog blagoslovil na veke.
3 Ilagay mo ang iyong espada sa iyong hita, ikaw na makapangyarihan, sa iyong kaluwalhatian at kamaharlikahan.
Ob svoje stegno opaši svoj meč, oh najbolj mogočni, s svojo slavo in svojim veličanstvom.
4 Sa iyong kamaharlikahan matagumpay kang sumakay dahil sa pagiging mapagkakatiwalaan, kapakumbabaan at katuwiran; ituturo ng iyong kanang kamay ang mga katakot-takot na mga bagay.
V svojem veličanstvu uspešno jahaj zaradi resnice, krotkosti in pravičnosti, in tvoja desnica te bo učila strašnih stvari.
5 Ang iyong mga palaso ay matalim; ang mga tao ay babagsak sa iyong ilalim; ang iyong mga palaso ay nasa puso ng mga kalaban ng hari.
Tvoje puščice so ostre v srcu kraljevih sovražnikov, s čimer ljudstvo pade pod teboj.
6 Ang iyong trono, O Diyos, ay magpakailanpaman; ang setro ng katarungan ay setro ng iyong kaharian.
Tvoj prestol, oh Bog, je na veke vekov, žezlo tvojega kraljestva je žezlo pravičnosti.
7 Minamahal mo ang matuwid at kinasusuklaman ang kasamaan; kaya O Diyos, ang iyong Diyos, ay hinirang ka sa pamamagitan ng langis ng kasayahan na higit sa iyong mga kasamahan.
Ljubiš pravičnost in sovražiš zlobnost, zato te je Bog, tvoj Bog, mazilil z oljem veselja nad tvojimi tovariši.
8 Ang lahat ng iyong kasuotan ay amoy mira, mga sabila at kasia; mula sa mga palasyong gawa sa garing pinasasaya kayo ng mga instrumentong may kwerdas.
Vse tvoje obleke dišijo po miri in aloji ter kasiji iz slonokoščenih palač, s čimer so te storili veselega.
9 Ang mga anak na babae ng mga hari ay kabilang sa mga kagalang-galang na kababaihan; sa iyong kanang kamay nakatayo ang reyna na nadaramtan ng ginto ng Ophir.
Kraljeve hčere so bile med tvojimi častitljivimi ženskami. Na tvoji desnici je stala kraljica v zlatu iz Ofírja.
10 Makinig ka, anak na babae, isaalang-alang mo at ikiling ang iyong pandinig; kalimutan mo ang iyong sariling bayan at ang tahanan ng iyong ama.
Prisluhni, oh hči in preudari ter nagni svoje uho, pozabi tudi svoje lastno ljudstvo in hišo svojega očeta,
11 Sa ganitong paraan nanaisin ng hari ang iyong kagandahan; siya ang iyong panginoon; igalang mo siya.
tako bo kralj silno hrepenel [po] tvoji lepoti, kajti on je tvoj Gospod in obožuj ga.
12 Ang anak na babae ng Tiro ay pupunta na may dalang isang handog; ang mga mayayaman kasama ng mga tao ay magmamakaawa ng iyong tulong.
Tirska hči bo tam z darilom; celó bogati izmed ljudstva bodo milo prosili tvoje naklonjenosti.
13 Ang maharlika na anak na babae sa palasyo ay lahat maluwalhati; ang kaniyang kasuotan ay ginto ang palamuti.
Kraljeva hči je vsa veličastna v notranjosti. Njeno oblačilo je iz vézenega zlata.
14 Dadalhin siya sa hari na may binurdahang damit, ang mga birhen, ang mga kasama niyang sumusunod sa kanya ay dadalhin sa iyo.
H kralju bo privedena v oblačilu iz vezenine. Device, njene družabnice, ki ji sledijo, bodo privedene k tebi.
15 Pangungunahan (sila) ng kagalakan at pagsasaya; at sa palasyo ng hari papasok (sila)
Privedene bodo z veseljem in radovanjem, vstopile bodo v kraljevo palačo.
16 Sa lugar ng iyong mga ama naroon ang iyong mga anak, na siyang gagawin mong mga prinsipe sa buong mundo.
Namesto tvojih očetov bodo tvoji otroci, ki jih lahko storiš [za] prince po vsej zemlji.
17 Gagawin ko ang lahat para ang iyong pangalan ay maalala ng lahat ng salinlahi; kaya ang mga tao ay bibigyan ka ng pasasalamat magpakailanpaman.
Tvojemu imenu bom storil, da se [ga] bo spominjalo v vseh rodovih, zato te bo ljudstvo hvalilo na veke vekov.