< Mga Awit 44 >
1 Narinig ng aming mga tainga, O Diyos, ang sinabi ng aming mga ninuno sa amin tungkol sa ginawa mo sa kanilang mga araw, noong unang panahon.
Al maestro del coro. Dei figli di Core. Maskil. Dio, con i nostri orecchi abbiamo udito, i nostri padri ci hanno raccontato l'opera che hai compiuto ai loro giorni, nei tempi antichi.
2 Pinalayas mo ang mga bansa gamit ang iyong kamay, pero itinanim mo ang aming bayan; pinahirapan mo ang mga tao, pero ikinalat mo ang aming bayan sa buong lupain.
Tu per piantarli, con la tua mano hai sradicato le genti, per far loro posto, hai distrutto i popoli.
3 Dahil hindi nila nakuha ang lupain para maging ari-arian nila sa pamamagitan ng sarili nilang espada; ni ang kanilang sandata ang nagligtas sa kanila; kundi ang iyong kanang kamay, ang iyong bisig at ang ningning ng iyong mukha, dahil sinang-ayunan mo (sila)
Poiché non con la spada conquistarono la terra, né fu il loro braccio a salvarli; ma il tuo braccio e la tua destra e la luce del tuo volto, perché tu li amavi.
4 O Diyos, ikaw ang aking hari; pamahalaan mo ang tagumpay para kay Jacob.
Sei tu il mio re, Dio mio, che decidi vittorie per Giacobbe.
5 Sa pamamagitan mo, ibabagsak namin ang aming mga kalaban; sa pamamagitan ng iyong pangalan, tatapakan namin silang mga tumitindig laban sa amin.
Per te abbiamo respinto i nostri avversari nel tuo nome abbiamo annientato i nostri aggressori.
6 Dahil hindi ako nagtitiwala sa aking pana, ni sa aking espada na ililigtas ako.
Infatti nel mio arco non ho confidato e non la mia spada mi ha salvato,
7 Pero iniligtas mo kami mula sa aming mga kalaban at inilagay sa kahihiyan ang mga napopoot sa amin.
ma tu ci hai salvati dai nostri avversari, hai confuso i nostri nemici.
8 Ang Diyos ang aming ipinagmamalaki buong araw, at magpapasalamat kami sa iyong pangalan magpakailanman. (Selah)
In Dio ci gloriamo ogni giorno, celebrando senza fine il tuo nome.
9 Pero ngayon, kami ay iyong itinapon, at dinala kami sa kahihiyan, at hindi mo na sinasamahan ang aming mga hukbo.
Ma ora ci hai respinti e coperti di vergogna, e più non esci con le nostre schiere.
10 Pinaatras mo kami mula sa aming kalaban; at ang mga napopoot sa amin ay kinamkam ang yaman para sa kanilang mga sarili.
Ci hai fatti fuggire di fronte agli avversari e i nostri nemici ci hanno spogliati.
11 Ginawa mo kaming tulad ng tupa na nakalaan para kainin at ikinalat kami sa mga bansa.
Ci hai consegnati come pecore da macello, ci hai dispersi in mezzo alle nazioni.
12 Ipinagbili mo ang iyong bayan para sa wala; hindi mo napalago ang iyong kayamanan sa paggawa nito.
Hai venduto il tuo popolo per niente, sul loro prezzo non hai guadagnato.
13 Ginagawa mo kaming katawa-tawa sa aming mga kapwa, hinamak at kinutya kami ng mga taong nakapaligid sa amin.
Ci hai resi ludibrio dei nostri vicini, scherno e obbrobrio a chi ci sta intorno.
14 Ginagawa mo kaming isang panlalait sa kalagitnaan ng mga bansa, isang pag-iiling sa kalagitnaan ng mga tao.
Ci hai resi la favola dei popoli, su di noi le nazioni scuotono il capo.
15 Buong araw nasa harapan ko ang aking kasiraan, at nabalot ng kahihiyan ang aking mukha
L'infamia mi sta sempre davanti e la vergogna copre il mio volto
16 dahil sa tinig niyang nanlalait at nanghahamak, dahil sa kaaway at naghihiganti.
per la voce di chi insulta e bestemmia, davanti al nemico che brama vendetta.
17 Lahat ng ito ay dumating sa amin, pero hindi ka namin kinalimutan o pinakitunguhan ng mali ang iyong tipan.
Tutto questo ci è accaduto e non ti avevamo dimenticato, non avevamo tradito la tua alleanza.
18 Hindi tumalikod ang aming mga puso; hindi lumayo ang aming mga hakbang mula sa iyong daan.
Non si era volto indietro il nostro cuore, i nostri passi non avevano lasciato il tuo sentiero;
19 Pero lubha mo pa rin kaming pinahirapan sa lugar ng mga aso at binalot kami ng anino ng kamatayan.
ma tu ci hai abbattuti in un luogo di sciacalli e ci hai avvolti di ombre tenebrose.
20 Kung nakalimot kami sa pangalan ng aming Diyos o nag-unat ng aming mga kamay sa hindi kilalang diyos,
Se avessimo dimenticato il nome del nostro Dio e teso le mani verso un dio straniero,
21 hindi kaya ito sisiyasatin ng Diyos? Dahil nalalaman niya ang mga lihim ng puso.
forse che Dio non lo avrebbe scoperto, lui che conosce i segreti del cuore?
22 Sa katunayan, para sa iyong kapakanan, kami ay pinapatay buong araw; itinuring kaming mga tupa para katayin.
Per te ogni giorno siamo messi a morte, stimati come pecore da macello.
23 Gumising ka, bakit ka natutulog, Panginoon?
Svègliati, perché dormi, Signore? Dèstati, non ci respingere per sempre.
24 Tumindig ka, huwag mo kaming ilayo ng tuluyan. Bakit mo tinatago ang iyong mukha at kinakalimutan ang aming paghihirap at kaapihan?
Perché nascondi il tuo volto, dimentichi la nostra miseria e oppressione?
25 Dahil natunaw kami sa alabok; ang aming mga katawan ay kumakapit sa lupa.
Poiché siamo prostrati nella polvere, il nostro corpo è steso a terra. Sorgi, vieni in nostro aiuto;
26 Bumangon ka para sa aming tulong at tubusin kami alang-alang sa iyong katapatan sa tipan.
salvaci per la tua misericordia.