< Mga Awit 42 >
1 Gaya ng usa na hinihingal at nananabik para sa tubig na umaagos, gayon ang pagkauhaw ko para sa iyo, O Diyos.
For the leader. A maskil of the Korahites. Like the hart which longs for brooks of water, I long for you, God.
2 Nauuhaw ako para sa Diyos, para sa Diyos na buhay; kailan kaya ako makapupunta at makahaharap sa Diyos?
I thirst for God, for my living God. When shall I enter in, and see the face of God?
3 Ang mga luha ko ang naging pagkain ko araw at gabi, habang ang mga kaaway ko ay laging nagsasabi sa akin, “Nasaan ang Diyos mo?”
My tears have been my food by day and by night; for they say to me all the day long, “Where is your God?”
4 Inaalala ko ang mga bagay na ito habang binubuhos ko ang aking kaluluwa: kung paano ako pumunta kasama ang napakaraming tao at pangunahan (sila) patungo sa tahanan ng Diyos na may tinig ng kagalakan at pagpupuri, ang napakaraming tao na nagdiriwang ng kapistahan.
My heart floods with sorrow, as I call to mind: how I used to pass on with the throng, at their head, to the house of God, with glad shouts and giving of thanks, in the throng who kept festival.
5 Bakit ka yumuyukod, aking kaluluwa, at bakit ka nababalisa sa aking kalooban? Umasa ka sa Diyos, dahil pupurihin ko siya sa tulong ng kaniyang presensiya.
Why am I downcast? Why this moaning within me? Hope in God; for yet will I praise him, my help, my God.
6 Diyos ko, ang aking kaluluwa ay yumuyukod sa aking kalooban, kaya inaalala kita mula sa lupain ng Jordan, mula sa tatlong tuktok ng Bundok ng Hermon, at mula sa burol ng Mizar.
I am sunk in my misery; I will therefore call you to mind from the land of Jordan and Hermon, the mountain Mizar.
7 Tumatawag ang kalaliman sa kalaliman ng ingay ng iyong mga talon, lahat ng iyong mga alon at mga nagtataasang alon ay dumating sa akin.
Flood is calling to flood at the noise of your cataracts; all your waves and your breakers have passed over me.
8 Pero uutusan ni Yahweh ang kaniyang katapatan sa tipan sa umaga; sa gabi kasama ko ang kaniyang awit, ang panalangin sa Diyos ng buhay ko.
In the day I cry to the Lord to summon his kindness; and the song that I sing in the night is a prayer to the living God.
9 Sasabihin ko sa aking Diyos na aking malaking bato, “Bakit mo ako kinalimutan? Bakit ako nagluluksa dahil sa pang-aapi ng aking kaaway?
I say to God my rock, “Why have you forgotten me? Why must I walk so sadly, so hard pressed by the foe?”
10 Gaya ng espada sa aking mga buto, kinukutya ako ng aking mga katunggali habang palagi nilang sinasabi sa akin, “Nasaan na ang Diyos mo?”
It pierces me to the heart to hear the enemy’s taunts, as all the day long they say to me, “Where is your God?”
11 Bakit ka yumuyukod, aking kaluluwa? Bakit ka nababalisa sa aking kalooban? Umasa ka sa Diyos, dahil magpupuri pa ako sa kaniya, na saklolo ng aking mukha at aking Diyos.
Why am I downcast? Why this moaning within me? Hope in God; for yet will I praise him, my help, my God.