< Mga Awit 41 >

1 Mapalad siya na may malasakit para sa mga mahihina; sa araw ng kaguluhan, Si Yahweh ang magliligtas sa kaniya.
Yahweh is pleased with those people who help to provide for the poor; he will rescue those people when they have troubles.
2 Pangangalagaan siya ni Yahweh at buhay niya ay pananatilihin, at sa lupa siya ay pagpapalain. Hindi siya ibibigay ni Yahweh sa kapangyarihan ng kaniyang mga kaaway.
Yahweh protects them and allows them to live [for a long time]. He enables them to be happy in the land [of Israel], and rescues them from their enemies.
3 Si Yahweh ang aalalay sa kaniya sa higaan ng paghihirap; gagawin mong higaan ng kagalingan ang kaniyang higaan ng karamdaman.
When they are sick, Yahweh strengthens them, and he heals them.
4 Sinabi ko, “Yahweh, maawa ka sa akin! Pagalingin mo ako dahil nagkasala ako laban sa iyo.”
[When I was sick], I said, “Yahweh, be merciful to me and heal me; [I know that I am sick because] I have sinned against you.”
5 Ang mga kaaway ko ay nagsasalita ng masama laban sa akin, nagsasabing, “Kailan kaya siya mamamatay at maglalaho ang kaniyang pangalan?
My enemies say cruel things about me; they say, “How soon will he die, and then everyone will forget about him [MTY]? (OR, he will not have [any descendants to continue] his name).”
6 Kapag pumupunta ang kaaway ko para makita ako, nagsasabi siya ng mga bagay na walang kwenta; iniipon ng kaniyang puso ang aking sakuna para sa kaniyang sarili, kapag lumayo siya mula sa akin, ipinagsasabi niya sa iba ang tungkol dito.
When my enemies come to me, they falsely say that they [are concerned about me]. They listen to bad news about (me/my health). Then they go away and tell everywhere what is happening to me.
7 Lahat ng mga napopoot sa akin ay sama-samang nagbubulungan laban sa akin; laban sa akin, umaasa (sila) na masaktan ako.
All those who hate me whisper to others about me, and they hope/desire that very bad things will happen to me.
8 “Isang masamang karamdaman,” sinasabi nila, “ang kumakapit ng mahigpit sa kaniya; ngayon na nakahiga na siya, hindi na siya makakabangon pa.”
They say, “He will soon die because of his being sick; he will never get up from his bed [before he dies].”
9 Sa katunayan, kahit ang sarili kong malapit na kaibigan na aking pinagkakatiwalaan, ang siyang kumain ng aking tinapay, ay inangat ang sakong niya laban sa akin.
Even my best friend, whom I trusted very much, who [often] ate with me, has (betrayed me/put me into my enemies’ hands) [IDM].
10 Pero ikaw, Yahweh, ay naawa sa akin at ibinangon ako para pagbayarin ko (sila)
But Yahweh, be merciful to me, and enable me to become healthy [again]. When you do that, I will be able to (pay back my enemies/get revenge on my enemies/cause my enemies to suffer like they caused me to suffer).
11 Sa pamamagitan nito nalaman ko na nasisiyahan ka sa akin, dahil ang mga kaaway ko ay hindi nagtatagumpay laban sa akin.
[If you enable me to] do that, with the result that my enemies do not defeat me, I will know that you are pleased with me.
12 Para sa akin, tinulungan mo ako sa aking katapatan at iingatan ako sa harap ng iyong mukha magpakailanman.
[I will know that] it is because I have done what is right that you have helped me, and [I will know that] you will let me be with you forever.
13 Nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel, ay purihin magpakailan pa man. Amen at Amen. Ikalawang Aklat
Praise Yahweh, the God whom we Israelis [worship]; Praise him forever! Amen! I desire that it will be so!

< Mga Awit 41 >