< Mga Awit 40 >

1 Matiyaga akong naghintay kay Yahweh; pinakinggan niya ako at dininig ang aking pag-iyak.
JUNANGGA nu y siningon as Jeova; ya janaegueng maesa güe guiya guajo, ya jajungog y inagangjo.
2 Inahon niyo din ako mula sa kakilakilabot na hukay, mula sa putikan, at itinayo niya ang aking mga paa sa isang bato at itinatag ang aking paglalakbay.
Ya güiya chumule yo guinin un joyo chatliion, guinin fache na tadong: ya japolo y adengjo gui jilo acho, ya janafitme y jinanaojo.
3 Siya ang naglagay sa aking mga bibig ng bagong awit, papuri sa ating Diyos. Marami ang makakaalam nito at pararangalan siya at magtitiwala kay Yahweh.
Ya japolo gui pachotto canta na mannuebo, junggan, y alabansa gui Yuusta. Megae lumie ya manmaañao, ya ufanangoco as Jeova.
4 Mapalad ang taong ginagawa niyang sandigan si Yahweh at hindi nagpaparangal sa mayayabang o silang tumalikod mula sa kaniya tungo sa kasinungalingan.
Dichoso y taotao ni jaangoco gui as Jeova: ya ti jaaatan y mansobetbio ni y manabag manmalag y mandague.
5 Marami, Yahweh aking Diyos, ang kamangha-manghang bagay na iyong ginawa at hindi mabibilang ang iyong mga iniisip para sa akin; kung ihahayag ko at sasabihin ang mga ito, higit pa sa maaaring mabilang ang mga ito.
Megae O Jeova, y ninamanmanmo ni unfatinas: yan y jinasomo para jame; ti siña maaregla sija gui menamo: yaguin guajo judeclara ya jusangang sija, tisiña matufong sa gosmegae.
6 Hindi kayo nagagalak sa pag-aalay o paghahandog pero binuksan mo ang aking tainga; hindi mo hiniling ang mga sinunog na alay o mga alay sa kasalanan.
Y inefresen ninae ti yamo: y talangajo jagasja unbaba: inefresen sinenggue ya y ninae pot y isao, ti jagasja ungagao.
7 Pagkatapos sinabi ko, “Masdan mo, dumating ako; nasusulat sa balunbon nang kasulatan ang tungkol sa akin.
Ayo nae ileco: Estagüe na matoyo: gui finalulon y leblo nae esta matugue pot guajo.
8 Nalulugod akong gawin ang iyong kalooban, aking Diyos; ang iyong mga batas ay nasa aking puso.”
Yajo para jufatinas y minalagomo, O Yuusso: magajet na y laymo gaegue gui jalom corasonjo.
9 Pinahayag ko ang magandang balita ng iyong katuwiran sa malaking pagtitipon; Yahweh, alam mong hindi ko mapipigilan ang labi ko sa pagsasabi nito.
Guajo jagas jusangan y tininas gui jalom y dangculo na inetnon taotao: estagüe, na ti junaquiequeto y labiosso, O Jeova, jago tumungo.
10 Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa aking puso; inihayag ko ang iyong katapatan at kaligtasan; hindi ko itinago ang iyong katapatan sa tipan o iyong pagiging mapagkakatiwalaan sa malaking pagtitipon.
Ti junaatog y tininasmo gui jalom corasonjo; y minagajetmo yan satbasionmo jagas jusangan: ti jupune y minaasemo yan y minaulegmo gui dangculon inetnon taotao.
11 Huwag mong ipagkait ang iyong mga maawing pagkilos sa akin, Yahweh; hayaan mong ang katapatan mo sa tipan at ang iyong pagiging mapagkakatiwalaan ay lagi pag-ingatan ako.
Jago, O Jeova, chamo dumitietietene y minaasemo para guajo: sa y minaasemo yan y minagajetmo juadadaje yo para taejinecog.
12 Nakapalibot sa akin ang hindi mabilang na kaguluhan; naipit ako ng aking kasamaan kaya wala na akong makitang anumang bagay; marami pa (sila) kaysa sa mga buhok sa aking ulo, at binigo ako ng aking puso.
Sa gaegue gui oriyajo y tinaelaye asta ti tufungon: jajiguef yo y tinaelayeco sija, ya ti siña juatan julo; megaeña mas que y gapotulo gui ilujo, ya y corasonjo yafae esta.
13 Malugod ka, Yahweh, na ako ay iyong sagipin; magmadali kang tulungan ako, Yahweh.
Malagojao, O Jeova, unnalibreyo: O Jeova, laguse para unayudayo.
14 Hayaan mo silang mapahiya at ganap na mabigo, silang mga naghahangad na kunin ang aking buhay. hayaan mo silang tumalikod at madala sa kahihiyan, silang mga nagagalak na saktan ako.
Polo ya ufanmamajlao ya ufaninestotba ayo y umaliligao y antijo para uyulang: polo ya ufanalo tate ya ufanmamajlao, ni y yañija y munataelaye yo.
15 Hayaan mo silang masindak dahil sa kanilang kahihiyan, silang mga nagsasabi sa akin ng, “Aha, aha!”
Polo ya ufanlapoble sija, pot y minamajlaoñija, ni y umaalog ni guajo: Ja, ja.
16 Pero magalak nawa silang mga naghahanap sa iyo at sa iyo ay maging masaya; hayaan mong ang lahat ng nagmamahal sa iyong pagliligtas ang patuloy na magsabi, “Nawa si Yahweh ay mapapurihan.”
Polo ya ufanmagof ya ufansemagof ni jago, todo y umaliligao jao: ya polo ya siesiempreja ujaalog, y gumaeya y satbasionmo: Ladangculo Jeova.
17 Ako ay mahirap at nangangailangan; pero iniisip pa rin ako ng Panginoon. Ikaw ang aking katuwang at dumating ka para sagipin ako; huwag kang magtagal aking Diyos.
Ya guajo pobleyo ya nesesitaoyo; lao si Jeova jajajasoyo. Jago y umayuyudayo yan y munalibre yo: O Yuusso, chamo atrasasao.

< Mga Awit 40 >