< Mga Awit 4 >

1 Tumugon ka kapag ako ay nananawagan, Diyos ng aking katuwiran; bigyan mo ako ng silid kapag ako ay napapalibutan. Kaawaan mo ako at makinig ka sa aking panalangin.
Unijibu nikuitapo, Mungu wa haki yangu; uniokoe niwapo katika hatari. Unihurumie na usikie maombi yangu.
2 Kayong mga tao, gaano ninyo katagal papalitan ang aking karangalan ng kahihiyan? Gaano ninyo katagal mamahalin ang mga walang halaga at maghahangad ng mga kasinungalingan? (Selah)
Ninyi watu, mpaka lini mtaiabisha heshima yangu? Mpaka lini mtaendelea kupenda kile kisicho stahili na kutafuta uongo?
3 Pero alamin ninyo na hinihiwalay ni Yahweh ang mga maka-Diyos para sa kaniyang sarili. Didinig si Yahweh kapag tumatawag ako sa kaniya.
Lakini mjue ya kuwa Yahweh huchagua watu wa kimungu kwa ajili yake. Nitakapo mwita Yahwe atasikia.
4 Manginig kayo sa takot, pero huwag kayong magkasala! Magnilay-nilay sa inyong puso sa inyong higaan at manahimik. (Selah)
Tetemekeni na kuogopa, lakini msitende dhambi! Tafakarini mioyoni mwenu kwenye vitanda vyenu na muwe kimya.
5 Ihandog ang mga alay ng katuwiran at ilagay ang inyong tiwala kay Yahweh.
Toeni matoleo ya haki na muweke imani yenu katika Yahweh.
6 Maraming nagsasabi, “Sino ang magpapakita ng anumang kabutihan sa atin?” Yahweh, itaas mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin.
Wengi husema, “Ni nani atakaye tuonyesha chochote kilicho kizuri?” Yahweh, utuangazie nuru ya uso wako.
7 Binigyan mo ang aking puso ng higit na kagalakan kaysa sa iba tuwing sumasagana ang kanilang mga butil at bagong alak.
Umeupa moyo wangu furaha kuu kuliko wao wanapozidishiwa nafaka na divai mpaya.
8 Sa kapayapaan, ako ay hihiga at matutulog, dahil tanging ikaw, Yahweh, ang nagliligtas at nagpapatiwasay sa akin.
Ni amani kuwa nitajilaza na kusinzia, kwako pekee, Yahweh, nifanye kuwa salama kabisa.

< Mga Awit 4 >