< Mga Awit 39 >

1 Napagpasyahan ko, “Iingatan ko kung ano ang aking sasabihin para hindi magkasala dahil sa aking dila. Bubusalan ko ang aking bibig habang nasa harapan ng masamang tao.”
Al Músico principal, á Jeduthún: Salmo de David. YO DIJE: Atenderé á mis caminos, para no pecar con mi lengua: guardaré mi boca con freno, en tanto que el impío fuere contra mí.
2 Nanatili akong tahimik; pinigilan ko ang aking mga salita kahit na sa pagsasabi ng mabuti, at ang aking paghihirap ay lalong lumala.
Enmudecí con silencio, calléme aun respecto de lo bueno: y excitóse mi dolor.
3 Nag-aalab ang aking puso; kapag iniisip ko ang tungkol sa mga bagay na ito, nakapapaso ito tulad ng isang apoy. Kaya sa wakas nagsalita na ako.
Enardecióse mi corazón dentro de mí; encendióse fuego en mi meditación, [y así] proferí con mi lengua:
4 Yahweh, ipaalam mo sa akin kung kailan ang katapusan ng aking buhay at ang kahabaan ng aking mga araw. Ipakita mo sa akin kung paano ako lilipas.
Hazme saber, Jehová, mi fin, y cuánta sea la medida de mis días; sepa yo cuánto [tengo de ser] del mundo.
5 Tingnan mo, ginawa mo lamang kasing lapad ng aking kamay ang aking mga araw, at ang haba ng aking buhay ay balewala para sa iyo. Tunay na ang bawat tao ay parang isang hininga. (Selah)
He aquí diste á mis días término corto, y mi edad es como nada delante de ti: ciertamente es completa vanidad todo hombre que vive. (Selah)
6 Tunay nga na ang bawat tao ay lumalakad tulad ng isang anino. Tunay nga na ang lahat ng tao ay nagmamadali sa pag-iipon ng kayamanan kahit na hindi nila alam kung kanino mapupunta ito.
Ciertamente en tinieblas anda el hombre; ciertamente en vano se inquieta: junta, y no sabe quién lo allegará.
7 Ngayon, Panginoon, para saan ang aking paghihintay? Ikaw lamang ang aking pag-asa.
Y ahora, Señor, ¿qué esperaré? Mi esperanza en ti está.
8 Ako ay bigyan mo ng katagumpayan sa lahat ng aking mga kasalanan: huwag mo akong gawing paksa ng pangungutya ng mga mangmang.
Líbrame de todas mis rebeliones; no me pongas por escarnio del insensato.
9 Nananahimik ako at hindi binubuksan ang aking bibig dahil sa iyong ginawa.
Enmudecí, no abrí mi boca; porque tú lo hiciste.
10 Itigil mo na ang pagpapahirap sa akin; nalulula ako sa pamamagitan ng hampas ng inyong kamay.
Quita de sobre mí tu plaga; de la guerra de tu mano soy consumido.
11 Kapag itinutuwid mo ang mga tao dahil sa kasalanan, dahan-dahan mong inuubos ang kanilang lakas tulad ng isang gamu-gamo; tunay na balewala ang lahat ng tao tulad ng singaw. (Selah)
Con castigos sobre el pecado corriges al hombre, y haces consumirse como de polilla su grandeza: ciertamente vanidad es todo hombre. (Selah)
12 Pakinggan mo ang aking dalangin, Yahweh, makinig ka sa akin, makinig ka sa aking pag-iyak! Huwag kang maging bingi sa akin, dahil tulad ako ng isang dayuhang kasama ninyo, isang nangibang-bayan tulad ng lahat ng aking mga ninuno.
Oye mi oración, oh Jehová, y escucha mi clamor: no calles á mis lágrimas; porque peregrino soy para contigo, y advenedizo, como todos mis padres.
13 Ibaling mo ang iyong pagtitig mula sa akin para muli akong makangiti bago ako mamatay.”
Déjame, y tomaré fuerzas, antes que vaya y perezca.

< Mga Awit 39 >