< Mga Awit 38 >
1 Yahweh, huwag mo akong sawayin sa iyong galit at huwag akong parusahan sa iyong poot.
Psalmus David, in rememorationem de sabbato. [Domine, ne in furore tuo arguas me, neque in ira tua corripias me:
2 Dahil tumatagos sa akin ang iyong mga palaso at ibinabagsak ako ng iyong kamay.
quoniam sagittæ tuæ infixæ sunt mihi, et confirmasti super me manum tuam.
3 May karamdaman ang aking buong katawan dahil sa iyong galit; walang kalakasan ang aking mga buto dahil sa aking kasalanan.
Non est sanitas in carne mea, a facie iræ tuæ; non est pax ossibus meis, a facie peccatorum meorum:
4 Dahil nilunod ako ng aking mga kasalanan; napakabigat ng pasanin na ito para sa akin.
quoniam iniquitates meæ supergressæ sunt caput meum, et sicut onus grave gravatæ sunt super me.
5 Lumala at nangamoy ang aking mga sugat dahil sa mga hangal kong kasalanan.
Putruerunt et corruptæ sunt cicatrices meæ, a facie insipientiæ meæ.
6 Tinatapakan ako at pinahihiya araw-araw; buong araw akong nagluluksa.
Miser factus sum et curvatus sum usque in finem; tota die contristatus ingrediebar.
7 Dahil dinaig ako ng kahihiyan, may karamdaman ang aking buong katawan.
Quoniam lumbi mei impleti sunt illusionibus, et non est sanitas in carne mea.
8 Manhid na ako at labis na nanlulupaypay; naghihinagpis ako dahil sa galit ng aking puso.
Afflictus sum, et humiliatus sum nimis; rugiebam a gemitu cordis mei.
9 Panginoon, naiintindihan mo ang masidhing pagnanais ng aking puso at ang aking mga paghihinagpis ay hindi ko maitatago mula sa iyo.
Domine, ante te omne desiderium meum, et gemitus meus a te non est absconditus.
10 Kumakabog ang aking puso, naglalaho ang aking lakas, at nanlalabo ang aking paningin.
Cor meum conturbatum est; dereliquit me virtus mea, et lumen oculorum meorum, et ipsum non est mecum.
11 Iniiwasan ako ng aking mga kaibigan dahil sa aking kalagayan; nilalayuan ako ng aking kapwa.
Amici mei et proximi mei adversum me appropinquaverunt, et steterunt; et qui juxta me erant, de longe steterunt: et vim faciebant qui quærebant animam meam.
12 Silang mga naghahangad ng masama sa aking buhay ay naglagay ng mga patibong para sa akin. Silang naghahangad ng aking kapahamakan ay nagsasabi ng mga mapanira at mapanlinlang na mga salita buong araw.
Et qui inquirebant mala mihi, locuti sunt vanitates, et dolos tota die meditabantur.
13 Pero ako, tulad ako ng isang bingi na walang naririnig; tulad ako ng isang pipi na walang sinasabi.
Ego autem, tamquam surdus, non audiebam; et sicut mutus non aperiens os suum.
14 Tulad ako ng isang taong hindi nakaririnig at walang katugunan.
Et factus sum sicut homo non audiens, et non habens in ore suo redargutiones.
15 Siguradong maghihintay ako para sa iyo, Yahweh; ikaw ay sasagot, Panginoong aking Diyos.
Quoniam in te, Domine, speravi; tu exaudies me, Domine Deus meus.
16 Sinasabi ko ito para hindi ako maliitin ng aking mga kaaway. Kung madudulas ang aking paa, gagawan nila ako ng mga nakakakilabot na mga bagay.
Quia dixi: Nequando supergaudeant mihi inimici mei; et dum commoventur pedes mei, super me magna locuti sunt.
17 Dahil matitisod na ako at ako ay patuloy na naghihinanakit.
Quoniam ego in flagella paratus sum, et dolor meus in conspectu meo semper.
18 Inaamin ko ang aking pagkakasala; nababahala ako sa aking kasalanan.
Quoniam iniquitatem meam annuntiabo, et cogitabo pro peccato meo.
19 Pero napakarami ng aking mga kaaway; ang mga napopoot ng mali ay marami.
Inimici autem mei vivunt, et confirmati sunt super me: et multiplicati sunt qui oderunt me inique.
20 Gumaganti (sila) ng masama sa aking kabutihan; nagbabato (sila) ng paratang sa akin kahit pinagpatuloy ko kung ano ang mabuti.
Qui retribuunt mala pro bonis detrahebant mihi, quoniam sequebar bonitatem.
21 Huwag mo akong pabayaan, Yahweh; aking Diyos, huwag kang lumayo sa akin.
Ne derelinquas me, Domine Deus meus; ne discesseris a me.
22 Magmadali kang pumunta para tulungan ako, Panginoon, na aking kaligtasan.
Intende in adjutorium meum, Domine Deus salutis meæ.]