< Mga Awit 37 >
1 Huwag kang mainis dahil sa masasamang tao; huwag kang mainggit sa mga umasal nang hindi makatuwiran.
惡をなすものの故をもて心をなやめ 不義をおこなふ者にむかひて嫉をおこすなかれ
2 Dahil (sila) ay malapit nang matuyo gaya ng damo at malanta gaya ng luntiang mga halaman.
かれらはやがて草のごとくかりとられ靑菜のごとく打萎るべければなり
3 Magtiwala ka kay Yahweh at gawin kung ano ang matuwid; tumira ka sa lupain at gawin mong tungkulin ang katapatan.
ヱホバによりたのみて善をおこなへ この國にとどまり眞實をもて糧とせよ
4 Pagkatapos hanapin mo ang kaligayahan kay Yahweh, at ibibigay niya sa iyo ang mga naisin ng iyong puso.
ヱホバによりて歓喜をなせ ヱホバはなんぢが心のねがひを汝にあたへたまはん
5 Ibigay mo ang iyong pamamaraan kay Yahweh; magtiwala ka sa kaniya, at siya ang kikilos para sa iyo.
なんぢの途をヱホバにゆだねよ 彼によりたのまば之をなしとげ
6 Itatanghal niya ang iyong katarungan gaya ng liwanag ng araw at ang iyong kawalang-muwang gaya ng araw sa tanghali.
光のごとくなんぢの義をあきらかにし午日のごとくなんぢの訟をあきらかにしたまはん
7 Tumigil ka sa harap ni Yahweh at matiyagang maghintay sa kaniya. Huwag kang mag-alala kung may taong mapagtatagumpayan ang kaniyang masamang balakin kung ang tao ay gumagawa ng masamang mga plano.
なんぢヱホバのまへに口をつぐみ忍びてこれを俟望め おのが途をあゆみて榮るものの故をもて あしき謀略をとぐる人の故をもて心をなやむるなかれ
8 Huwag kang magalit at madismaya. Huwag kang mag-alala, ito ay gumagawa lamang ng problema.
怒をやめ忿恚をすてよ 心をなやむるなかれ これ惡をおこなふ方にうつらん
9 Ang mga mapaggawa ng kasamaan ay aalisin, pero ang mga naghihintay kay Yahweh ay magmamana ng lupain.
そは惡をおこなふものは斷滅され ヱホバを俟望むものは國をつぐべければなり
10 Sa maikling panahon ang masama ay mawawala, mamamasdan mo ang kaniyang kinalulugaran, pero siya ay mawawala.
あしきものは久しからずしてうせん なんぢ細密にその處をおもひみるともあることなからん
11 Pero ang mapagkumbaba ay mamanahin ang lupain at magagalak sa lubos na kasaganahan.
されど謙だるものは國をつぎ また平安のゆたかなるを樂まん
12 Ang makasalanan ay nagbabalak laban sa matuwid at nginangalit ang kaniyang ngipin laban sa kaniya.
惡きものは義きものにさからはんとて謀略をめぐらし之にむかひて切歯す
13 Ang Panginoon ay tinatawanan siya, dahil nakikita niya na ang kaniyang araw ay parating na.
主はあしきものを笑ひたまはん かれが日のきたるを見たまへばなり
14 Binunot ng masama ang kanilang mga espada at binaluktot ang kanilang mga pana para ilugmok ang mga naaapi at nangangailangan, para patayin ang mga matuwid.
あしきものは劍をぬき弓をはりて苦しむものと貧しきものとをたふし行ひなほきものを殺さんとせり
15 Ang kanilang mga espada ang sasaksak sa kanilang mga puso, at ang kanilang mga pana ay masisira.
されどその劍はおのが胸をさしその弓はをらるべし
16 Mas mabuti ang kaunti na mayroon ang matuwid kaysa sa kasaganahan ng masasama.
義人のもてるもののすくなきは多くの惡きものの豊かなるにまされり
17 Dahil ang mga bisig ng masasama ay mababali, pero si Yahweh ang sumusuporta sa mga matutuwid.
そは惡きものの臂はをらるれどヱホバは義きものを扶持たまへばなり
18 Binabantayan ni Yahweh ang mga walang kasalanan araw-araw, at ang kanilang mana ay mananatili magpakailanman.
ヱホバは完全もののもろもろの日をしりたまふ かれらの嗣業はかぎりなく久しからん
19 Hindi (sila) mahihiya sa panahon ng problema. Sa panahon na dumating ang taggutom, (sila) ay may sapat na kakainin.
かれらは禍害にあふとき愧をおはず饑饉の日にもあくことを得ん
20 Pero ang masasama ay mamamatay. Ang mga kaaway ni Yahweh ay magiging tulad ng kasaganahan ng mga pastulan; (sila) ay mawawala at maglalaho sa usok.
あしき者ははろびヱホバのあたは牧場のさかえの枯るがごとくうせ烟のごとく消ゆかん
21 Ang masama ay nangungutang pero hindi nagbabayad, pero ang matuwid ay mapagbigay at nagbibigay.
あしき者はものかりて償はず 義きものは惠ありて施しあたふ
22 Ang mga pinagpala ni Yahweh ay mamanahin ang lupain; ang mga isinumpa niya ay tatanggalin.
神のことほぎたまふ人は國をつぎ 神ののろひたまふ人は斷滅さるべし
23 Sa pamamagitan ni Yahweh naitatag ang mga hakbang ng isang tao, ang tao na ang balakin ay kapuri-puri sa paningin ng Diyos.
人のあゆみはヱホバによりて定めらる そのゆく途をヱホバよろこびたまへり
24 Bagama't siya ay nadapa, siya ay hindi babagsak, dahil hinahawakan siya ni Yahweh sa kaniyang kamay.
縦ひその人たふるることありとも全くうちふせらるることなし ヱホバかれが手をたすけ支へたまへばなり
25 Ako ay naging bata at ngayon ay matanda na; hindi pa ako nakakakita ng matuwid na pinabayaan o mga anak niyang nagmamakaawa para sa tinapay.
われむかし年わかくして今おいたれど 義者のすてられ或はその裔の糧こひありくを見しことなし
26 Sa kahabaan ng araw siya ay mapagbigay-loob at nagpapahiram, at ang kaniyang anak ay naging isang pagpapala.
ただしきものは終日めぐみありて貸あたふ その裔はさいはひなり
27 Tumalikod ka mula sa kasamaan at gawin mo kung ano ang tama; pagkatapos, magiging ligtas ka magpakailanman.
惡をはなれて善をなせ 然ばなんぢの住居とこしへならん
28 Dahil iniibig ni Yahweh ang katarungan at hindi pinababayaan ang kaniyang tapat na mga tagasunod. (Sila) ay pag-iingatan magpakailanman, pero ang kaapu-apuhan ng masama ay tatanggalin.
ヱホバは公平をこのみ その聖徒をすてたまはざればなり かれらは永遠にまもりたすけらるれど惡きもののすゑは斷滅さるべし
29 Mamanahin ng matuwid ang lupain at mamumuhay (sila) roon magpakailanman.
ただしきものは國をつぎ その中にすまひてとこしへに及ばん
30 Ang bibig ng matuwid ay nagsasalita ng karunungan at nagdaragdag ng katarungan.
ただしきものの口は智慧をかたり その舌は公平をのぶ
31 Ang batas ng kaniyang Diyos ay nasa kaniyang puso; ang kaniyang paa ay hindi madudulas.
かれが神の法はそのこころにあり そのあゆみは一歩だにすべることあらじ
32 Binabantayan ng masamang tao ang matuwid at binabalak siyang patayin.
あしきものは義者をひそみうかがひて之をころさんとはかる
33 Hindi siya pababayaan ni Yahweh na mapunta sa kamay ng masama o hatulan kapag siya ay nahusgahan.
ヱホバは義者をあしきものの手にのこしおきたまはず 審判のときに罰ひたまふことなし
34 Maghintay ka kay Yahweh at panatalihin mo ang kaniyang kaparaanan, at ikaw ay kaniyang itataas para angkinin ang lupain. Makikita mo kapag ang masasama ay tatanggalin.
ヱホバを俟望みてその途をまもれ さらば汝をあげて國をつがせたまはん なんぢ惡者のたちほろぼさるる時にこれをみん
35 Nakita ko ang masama at nakakikilabot na tao na nagkalat gaya ng luntiang puno sa likas nitong lupa.
我あしきものの猛くしてはびこれるを見るに生立たる地にさかえしげれる樹のごとし
36 Pero nang ako ay dumaan muli, siya ay wala na roon. Hinanap ko siya, pero hindi na siya matagpuan.
然れどもかれは逝ゆけり 視よたちまちに無なりぬ われ之をたづねしかど邁ことをえざりき
37 Pagmasdan mo ang taong may dangal, at tandaan mo ang matuwid; mayroong mabuting kinabukasan para sa taong may kapayapaan.
完人に目をそそぎ直人をみよ 和平なる人には後あれど
38 Ang mga makasalanan ay tuluyang mawawasak; ang kinabukasan para sa masasamang tao ay mapuputol.
罪ををかすものらは共にほろぼされ惡きものの後はかならず斷るべければなり
39 Ang kaligtasan ng matutuwid ay nagmumula kay Yahweh; (sila) ay kaniyang pinangangalagaan sa mga panahon ng kaguluhan.
ただしきものの救はヱホバよりいづ ヱホバはかれらが辛苦のときの保砦なり
40 (Sila) ay tinutulungan at sinasagip ni Yahweh. Sinasagip niya (sila) mula sa masasama at iniligtas (sila) dahil (sila) ay kumubli sa kaniya.
ヱホバはかれらを助け かれらを解脱ちたまふ ヱホバはかれらを惡者よりときはなちて救ひたまふ かれらはヱホバをその避所とすればなり