< Mga Awit 35 >

1 Kumilos ka laban sa mga kumikilos laban sa akin O Yahweh; labanan mo ang mga lumalaban sa akin.
לדוד ריבה יהוה את יריבי לחם את לחמי׃
2 Kunin mo ang iyong maliit na pananggalang at malaking pananggalang; bumangon ka at ako ay iyong tulungan.
החזק מגן וצנה וקומה בעזרתי׃
3 Sa mga humahabol sa akin gamitin mo ang iyong mga sibat at palakol; sa kaluluwa ko ay iyong sabihin, “Ako ang iyong kaligtasan.”
והרק חנית וסגר לקראת רדפי אמר לנפשי ישעתך אני׃
4 Nawa ang mga naghahangad sa aking buhay ay mapahiya at masira ang puri. Nawa ang mga nagbabalak na saktan ako ay tumalikod at malito.
יבשו ויכלמו מבקשי נפשי יסגו אחור ויחפרו חשבי רעתי׃
5 Nawa (sila) ay maging tulad ng hinanging ipa, sa pagtataboy ng anghel ni Yahweh sa kanila.
יהיו כמץ לפני רוח ומלאך יהוה דוחה׃
6 Nawa ang kanilang daraanan ay maging madilim at madulas, habang tinutugis (sila) ng anghel ni Yahweh.
יהי דרכם חשך וחלקלקות ומלאך יהוה רדפם׃
7 Nang walang dahilan, naglagay (sila) ng lambat para sa akin; nang walang dahilan nagbungkal (sila) ng hukay para sa aking buhay.
כי חנם טמנו לי שחת רשתם חנם חפרו לנפשי׃
8 Hayaan mo na dumating sa kanila nang hindi inaasahan ang pagkawasak. Hayaan mo na mahuli (sila) ng inilagay nilang lambat. Sa kanilang pagkawasak, hayaan mong (sila) ay bumagsak.
תבואהו שואה לא ידע ורשתו אשר טמן תלכדו בשואה יפל בה׃
9 Pero magsasaya ako kay Yahweh at magagalak sa kaniyang kaligtasan.
ונפשי תגיל ביהוה תשיש בישועתו׃
10 Sa aking buong lakas sasabihin ko, “Sino ang katulad mo, Yahweh, na siyang nagliligtas sa mga api mula sa mas malakas kaysa sa kanila at ang mahihirap at nangangailangan mula sa mga nagtatangka na nakawan (sila)
כל עצמותי תאמרנה יהוה מי כמוך מציל עני מחזק ממנו ועני ואביון מגזלו׃
11 Dumarami ang masasamang saksi; pinararatangan nila ako nang hindi totoo.
יקומון עדי חמס אשר לא ידעתי ישאלוני׃
12 Binayaran nila ng kasamaan ang aking kabutihan. Ako ay nagdadalamhati.
ישלמוני רעה תחת טובה שכול לנפשי׃
13 Pero, nang maysakit (sila) nagsuot ako ng sako; nag-ayuno ako para sa kanila na nakatungo ang aking dibdib.
ואני בחלותם לבושי שק עניתי בצום נפשי ותפלתי על חיקי תשוב׃
14 Nagdalamhati ako para sa aking mga kapatid; lumuhod ako sa pagluluksa para sa aking ina.
כרע כאח לי התהלכתי כאבל אם קדר שחותי׃
15 Pero nang ako ay natisod, natuwa (sila) at nagsama-sama; nagsama-sama (sila) laban sa akin, at ako ay ginulat nila. Winarak nila ako nang walang humpay.
ובצלעי שמחו ונאספו נאספו עלי נכים ולא ידעתי קרעו ולא דמו׃
16 Walang galang nila akong hinamak; nangalit ang kanilang mga ngipin sa akin.
בחנפי לעגי מעוג חרק עלי שנימו׃
17 Panginoon hanggang kailan ka titingin? Iligtas mo ang aking kaluluwa mula sa kanilang mga mapangwasak na pag-atake, ang buhay ko mula sa mga leon.
אדני כמה תראה השיבה נפשי משאיהם מכפירים יחידתי׃
18 Pagkatapos magpapasalamat ako sa iyo sa dakilang pagpupulong; pupurihin kita sa maraming tao.
אודך בקהל רב בעם עצום אהללך׃
19 Huwag mong hayaang magdiwang sa akin ang mapanlinlang kong mga kaaway; huwag mo silang hayaang magawa ang kanilang masasamang mga balak.
אל ישמחו לי איבי שקר שנאי חנם יקרצו עין׃
20 Dahil hindi (sila) nagsasalita ng kapayapaan, sa halip, nagpaplano (sila) ng mga salitang mapanlinlang laban sa naninirahan sa aming lupain na mapayapang namumuhay.
כי לא שלום ידברו ועל רגעי ארץ דברי מרמות יחשבון׃
21 Binubuka nila ng malaki ang kanilang mga bibig laban sa akin; sabi nila, “Ha, ha, nakita namin ito.”
וירחיבו עלי פיהם אמרו האח האח ראתה עינינו׃
22 Nakita mo ito, Yahweh, huwag kang manahimik; huwag kang lumayo sa akin Panginoon.
ראיתה יהוה אל תחרש אדני אל תרחק ממני׃
23 Bumangon ka at gumising para ipagtanggol ako; aking Diyos at Panginoon, ipagtanggol mo ang aking panig.
העירה והקיצה למשפטי אלהי ואדני לריבי׃
24 Ipagtanggol mo ako, Yahweh aking Diyos, dahil sa iyong katuwiran; huwag mo silang hayaang magalak sa akin.
שפטני כצדקך יהוה אלהי ואל ישמחו לי׃
25 Huwag mong hayaang sabihin nila sa kanilang puso na, “Aha, nakuha na namin ang aming nais.” Huwag mong hayaan na sabihin nila, “Nilamon namin siya.”
אל יאמרו בלבם האח נפשנו אל יאמרו בלענוהו׃
26 Ilagay mo (sila) sa kahihiyan at lituhin mo silang nagnanais na saktan ako. Nawa ang mga gustong humamak sa akin ay mabalot ng kahihiyan at kasiraan.
יבשו ויחפרו יחדו שמחי רעתי ילבשו בשת וכלמה המגדילים עלי׃
27 Hayaan mong ang mga nagnanais ng paglaya ko ay sumigaw sa galak at matuwa; nawa patuloy nilang sabihin, “Purihin si Yahweh, siya na nasisiyahan sa kapakanan ng kaniyang lingkod.”
ירנו וישמחו חפצי צדקי ויאמרו תמיד יגדל יהוה החפץ שלום עבדו׃
28 Pagkatapos nito ang katarungan mo at kapurihan ay buong araw kong ihahayag.
ולשוני תהגה צדקך כל היום תהלתך׃

< Mga Awit 35 >