< Mga Awit 33 >
1 Magalak kay Yahweh, kayong mga matuwid; ang papuri ay angkop para sa matuwid.
Psalmus David. Exultate iusti in Domino: rectos decet collaudatio.
2 Pasalamatan si Yahweh na may alpa; awitan siya ng mga papuri niya ng may alpa na sampung kuwerdas.
Confitemini Domino in cithara: in psalterio decem chordarum psallite illi.
3 Awitan siya ng bagong awit; tumugtog nang mahusay at umawit ng may kagalakan.
Cantate ei canticum novum: bene psallite ei in vociferatione.
4 Dahil ang salita ni Yahweh ay matuwid, at ang lahat ng kaniyang ginagawa ay patas.
Quia rectum est verbum Domini, et omnia opera eius in fide.
5 Iniibig niya ang katuwiran at katarungan. Ang lupa ay puno ng katapatan sa tipan ni Yahweh.
Diligit misericordiam et iudicium: misericordia Domini plena est terra.
6 Sa pamamagitan ng salita ni Yahweh ang mga langit ay nalikha, at ang lahat ng mga bituin ay nagawa sa pamamagitan ng hininga ng kaniyang bibig.
Verbo Domini caeli firmati sunt: et spiritu oris eius omnis virtus eorum.
7 Tinitipon niya ang tubig ng dagat na parang isang tumpok; nilalagay niya ang mga karagatan sa mga imbakan.
Congregans sicut in utre aquas maris: ponens in thesauris abyssos.
8 Hayaan ang buong mundo na matakot kay Yahweh; hayaan ang lahat ng nananahan sa mundo ay mamangha sa kanya.
Timeat Dominum omnis terra: ab eo autem commoveantur omnes inhabitantes orbem.
9 Dahil siya ay nagsalita, at nangyari ito; siya ay nag-utos, at tumayo ng matayog.
Quoniam ipse dixit, et facta sunt: ipse mandavit, et creata sunt.
10 Binibigo ni Yahweh ang pagsasanib ng mga bansa; siya ang nananaig sa mga plano ng mga tao.
Dominus dissipat consilia gentium: reprobat autem cogitationes populorum, et reprobat consilia principum.
11 Ang mga plano ni Yahweh ay nananatili magpakailanman, ang mga plano ng kanyang puso para sa lahat ng salinlahi.
Consilium autem Domini in aeternum manet: cogitationes cordis eius in generatione et generationem.
12 Mapalad ang bansa na ang Diyos ay si Yahweh; ang bayan na kaniyang pinili bilang kanyang sariling pag-aari.
Beata gens, cuius est Dominus, Deus eius: populus, quem elegit in hereditatem sibi.
13 Nagmamasid si Yahweh mula sa kalangitan; nakikita niya ang lahat ng mga tao.
De caelo respexit Dominus: vidit omnes filios hominum.
14 Mula sa lugar kung saan siya nananahan, siya ay tumingin sa lahat ng nananahan sa lupa.
De praeparato habitaculo suo respexit super omnes, qui habitant terram.
15 Siya na humuhubog ng mga puso nilang lahat ay nagmamasid sa lahat ng kanilang mga gawi.
Qui finxit sigillatim corda eorum: qui intelligit omnia opera eorum.
16 Walang hari ang naligtas sa pamamagitan ng isang malaking hukbo; ang isang mandirigma ay hindi naligtas sa pamamagitan ng kanyang dakilang lakas.
Non salvatur rex per multam virtutem: et gigas non salvabitur in multitudine virtutis suae.
17 Ang isang kabayo ay hindi tunay na kasiguruhan ng tagumpay; sa kabila ng kanyang kalakasan, ay hindi siya makakapagligtas.
Fallax equus ad salutem: in abundantia autem virtutis suae non salvabitur.
18 Tingnan ninyo, ang mata ni Yahweh ay nasa kanila na may takot sa kaniya, sa mga taong umaasa sa kaniyang katapatan sa tipan
Ecce oculi Domini super metuentes eum: et in eis, qui sperant super misericordia eius.
19 para mailigtas ang kanilang mga buhay mula sa kamatayan at panatilihin silang buhay sa mga panahon ng taggutom.
Ut eruat a morte animas eorum: et alat eos in fame.
20 Kami ay naghihintay kay Yahweh; siya ang aming saklolo at aming kalasag.
Anima nostra sustinet Dominum: quoniam adiutor et protector noster est.
21 Ang aming mga puso ay nagagalak sa kaniya, dahil kami ay nagtitiwala sa kaniyang banal na pangalan.
Quia in eo laetabitur cor nostrum: et in nomine sancto eius speravimus.
22 Hayaan mo ang iyong katapatan sa tipan, Yahweh, ay mapasaamin habang nilalagay namin ang aming pag-asa sa iyo.
Fiat misericordia tua Domine super nos: quemadmodum speravimus in te.