< Mga Awit 32 >
1 Mapalad ang tao na pinatawad ang kaniyang pagsuway, na tinakpan ang kaniyang kasalanan.
Davidova pesem ukovita: Blagor oproščenemu pregreška, kogar greh je poravnán.
2 Mapalad ang tao na siyang pinapalagay ni Yahweh na walang pagkakasala at ang espiritu na walang panlilinlang.
Blagor človeku, kateremu Gospod ne všteva krivice, in katerega duh nima v sebi zvijače.
3 Kapag nanatili akong tahimik, ang aking mga buto ay unti-unting nadudurog habang ako ay dumadaing buong araw.
Ko sem molčal, starale so se kosti moje, v stoku mojem ves dan.
4 Dahil araw at gabi ang iyong kamay ay mabigat sa akin. Nalanta ang aking kalakasan tulad ng tagtuyot sa tag-araw. (Selah)
Ker podnevi in ponoči bila je težka nad mano roka tvoja; in sok moj najboljši preobračal se je v suše poletne.
5 Pagkatapos inamin ko ang aking kasalanan sa iyo, at hindi ko na ikinubli ang aking kasamaan. Sinabi ko, “aaminin ko ang pagsuway ko sa iyo Yahweh,” at pinatawad mo ang kabigatan ng aking kasalanan. (Selah)
Greh svoj ti razodenem, in krivice svoje ne bodem pokrival (dejal sem). Izpovém se pregreškov svojih Gospodu, in ti si izbrisal kazen mojega greha.
6 Dahil dito, ang lahat ng makadiyos ay dapat manalangin sa iyo sa oras ng mabigat na paghihirap. Pagkatapos kapag ang daluyong ng tubig ay umapaw, hindi nila maabot ang mga tao.
Zavoljo tega bode te molil, komurkoli deliš milost, kader se zgodi; (o povodnji mnogih vodâ ne doidejo njega);
7 Ikaw ang aking kublihan; babantayan mo ako sa kaguluhan. Papalibutan mo ako ng mga awit ng pagtatagumpay. (Selah)
Ti si zavetje meni; stiske me brani; s pesmami oproščenja me obdajaj.
8 Pangangaralan kita at ituturo sa iyo ang daan na dapat mong lakaran. Pangangaralan kita habang nagmamasid ako sa iyo.
Podučeval te bodem in kazal ti, po kateri poti bodeš hodil; svetoval ti bodem, v te vpirajoč svoje oko.
9 Huwag kang tumulad sa isang kabayo o katulad ng isang asno, na walang pagkakaintindi; dahil lamang sa renda sa bibig kaya napapasunod (sila) kung saan mo (sila) gustong papuntahin.
Ne bodite kakor konj, kakor mezeg, brez razuma, katerima je z uzdo in vajetom brzdati gobec, da se, ne približa tebi.
10 Ang mga masasama ay maraming kapighatian, pero ang katapatan sa tipan ni Yahweh ang papalibot sa nagtitiwala sa kaniya.
Velike bolečine ima krivični; kdor pa ima zaupanje v Gospoda, njega obdaja milost.
11 Magalak kay Yahweh, at magalak kayo, kayong mga matutuwid; sumigaw sa galak, ang lahat ng pusong matuwid.
Veselite se v Gospodu in radujte, pravični; in prepevajte, vsi pošteni v srci.