< Mga Awit 30 >

1 Itinataas kita, Yahweh, dahil ibinangon mo ako at hindi pinahintulutan ang aking mga kalaban na magalak dahil sa akin.
«Ψαλμός ωδής εις τον εγκαινιασμόν του οίκου του Δαβίδ.» Θέλω σε μεγαλύνει, Κύριε· διότι συ με ανύψωσας, και δεν εύφρανας τους εχθρούς μου επ' εμέ.
2 Yahweh aking Diyos, humingi ako sa iyo ng tulong, at pinagaling mo ako.
Κύριε ο Θεός μου, εβόησα προς σε, και με εθεράπευσας.
3 Yahweh, hinango mo ang aking kaluluwa mula sa Sheol; pinanatili mo akong buhay mula sa pagbaba sa libingan. (Sheol h7585)
Κύριε, ανεβίβασας εξ άδου την ψυχήν μου· μ' εφύλαξας την ζωήν, διά να μη καταβώ εις τον λάκκον. (Sheol h7585)
4 Umawit ng mga papuri kay Yahweh, kayong bayan niyang matapat! Magbigay ng pasasalamat kapag naalaala ninyo ang kaniyang kabanalan.
Ψαλμωδήσατε εις τον Κύριον, οι όσιοι αυτού, και υμνείτε την μνήμην της αγιωσύνης αυτού.
5 Dahil ang kaniyang galit ay isang saglit lamang; pero ang kaniyang pabor ay panghabangbuhay. Ang pag-iyak ay dumarating sa gabi, pero ang kagalakan ay dumarating sa umaga.
Διότι η οργή αυτού διαρκεί μίαν μόνην στιγμήν· ζωή όμως είναι εν τη ευμενεία αυτού· το εσπέρας δύναται να συγκατοικήση κλαυθμός, αλλά το πρωΐ έρχεται αγαλλίασις.
6 Buong tiwala kong sinabi, “Hindi ako kailanman mayayanig.”
Εγώ δε είπα εν τη ευτυχία μου, δεν θέλω σαλευθή εις τον αιώνα.
7 Yahweh sa pamamagitan ng iyong pabor ako ay itinatag mo tulad ng isang matatag na bundok; pero kapag itinago mo ang iyong mukha, ako ay naligalig.
Κύριε, διά της ευμενείας σου εστερέωσας το όρος μου. Απέκρυψας το πρόσωπόν σου, και εταράχθην.
8 Umiyak ako sa iyo, Yahweh, at naghanap ng pabor mula sa aking Panginoon!
Προς σε, Κύριε, έκραξα· και προς τον Κύριον εδεήθην.
9 Anong pakinabang mayroon sa aking kamatayan, kung ako ay bababa sa libingan? Mapapapurihan ka ba ng alabok? Maipapahayag ba nito na ikaw ay mapagkakatiwalaan?
Τις ωφέλεια εν τω αίματί μου, εάν καταβώ εις τον λάκκον; μήπως θέλει σε υμνεί ο κονιορτός; θέλει αναγγέλλει την αλήθειάν σου;
10 Pakinggan mo, Yahweh, at ako ay kaawaan! Yahweh, ikaw ay maging katuwang ko.
Άκουσον, Κύριε, και ελέησόν με· Κύριε, γενού βοηθός μου.
11 Pinalitan mo ang aking pagluluksa ng pagsasayaw; hinubad mo ang aking sako at dinamitan ako ng kagalakan.
Μετέβαλες εις εμέ τον θρήνόν μου εις χαράν· έλυσας τον σάκκόν μου και με περιέζωσας ευφροσύνην·
12 Kaya ngayon ang naparangalan kong puso ay aawit nang papuri sa iyo at hindi mananahimik; Yahweh aking Diyos, magbibigay ako ng pasasalamat sa iyo magpakailanman!
διά να ψαλμωδή εις σε η δόξα μου και να μη σιωπά. Κύριε ο Θεός μου, εις τον αιώνα θέλω σε υμνεί.

< Mga Awit 30 >