< Mga Awit 3 >
1 Yahweh, napakarami ng aking mga kaaway! Marami ang tumalikod at nilusob ako.
YHWH, how are they increased that trouble me! many are they that rise up against me.
2 Maraming nagsasabi tungkol sa akin, “Walang tulong mula sa Diyos na darating para sa kaniya.” (Selah)
Many there be which say of my soul, There is no help for him in Elohim. (Selah)
3 Pero ikaw, Yahweh, ay isang kalasag sa aking paligid, aking kaluwalhatian, at ang siyang nag-aangat ng aking ulo.
But thou, O YHWH, art a shield for me; my glory, and the lifter up of mine head.
4 Tinataas ko ang aking tinig kay Yahweh, at sinasagot niya ako mula sa kaniyang banal na burol. (Selah)
I cried unto YHWH with my voice, and he heard me out of his holy hill. (Selah)
5 Nahiga ako at natulog; nagising ako, dahil inalagaan ako ni Yahweh.
I laid me down and slept; I awaked; for YHWH sustained me.
6 Hindi ako matatakot sa maraming tao sa bawat dako na inihanda ang kanilang mga sarili laban sa akin.
I will not be afraid of ten thousands of people, that have set themselves against me round about.
7 Bumangon ka, Yahweh! Iligtas mo ako, aking Diyos! Dahil sasaktan mo ang lahat ng aking mga kalaban sa panga; sisirain mo ang mga ngipin ng masasama.
Arise, O YHWH; save me, O my Elohim: for thou hast smitten all mine enemies upon the cheek bone; thou hast broken the teeth of the wicked.
8 Ang kaligtasan ay nanggagaling kay Yahweh. Nawa makamit ang iyong mga pagpapala ng iyong bayan. (Selah)
Salvation belongeth unto YHWH: thy blessing is upon thy people. (Selah)