< Mga Awit 29 >
1 Kilalanin na si Yahweh— kayo na mga anak ng makapangyarihan— kilalanin na si Yahweh ay may kaluwalhatian at kapangyarihan!
Psalm Dawida. Oddajcie PANU, synowie mocarzy, oddajcie PANU chwałę i moc.
2 Ibigay kay Yahweh ang karangalan na nararapat sa kaniyang pangalan; sambahin si Yahweh sa pananamit na naaangkop para sa kaniyang kabanalan.
Oddajcie PANU chwałę [należną] jego imieniu, oddajcie PANU pokłon w ozdobie świętości.
3 Ang tinig ni Yahweh ay naririnig sa ibabaw ng mga katubigan; dumadagundong ang Diyos ng kaluwalhatian, dumadagundong si Yahweh sa ibabaw ng katubigan.
Głos PANA nad wodami; zagrzmiał Bóg chwały, PAN nad wielkimi wodami.
4 Ang tinig ni Yahweh ay makapangyarihan; ang tinig ni Yahweh ay kamangha-mangha. Ang tinig ni Yahweh ay nakawawasak ng mga sedar;
Głos PANA potężny, głos PANA pełen majestatu.
5 Ang tinig ni Yahweh ay napagpipira-piraso ang mga sedar ng Lebanon.
Głos PANA łamie cedry, PAN łamie cedry Libanu;
6 Pinalulukso niya ang Lebanon tulad ng isang guya at ang Sirion tulad ng isang batang baka.
I sprawia, że skaczą jak cielę, Liban i Sirion jak młody jednorożec.
7 Bumubuga ng lumalagablab na apoy ang tinig ni Yahweh.
Głos PANA krzesze płomienie ognia.
8 Ang tinig ni Yahweh ang yumayanig sa ilang; si Yahweh ang yumayanig sa ilang ng Kades.
Głos PANA wstrząsa pustynią, PAN wstrząsa pustynią Kadesz.
9 Ang tinig ni Yahweh ang nagdudulot na manganak ang babaeng usa; kinakalbo nito ang mga gubat; pero sa kaniyang templo ang lahat ay nagsasabing, “Kaluwalhatian!”
Głos PANA sprawia, że z bólem rodzą łanie i ogołacają się lasy, a w jego świątyni każdy opowiada o [jego] chwale.
10 Si Yahweh ay umuupo bilang hari sa ibabaw ng baha; si Yahweh ay umuupo bilang hari magpakailanman.
PAN zasiada nad potopem, PAN zasiada [jako] Król na wieki.
11 Si Yahweh ang nagbibigay-lakas sa kaniyang bayan; Pinagpapala ni Yahweh ng kapayapaan ang kaniyang bayan.
PAN doda mocy swojemu ludowi, PAN pobłogosławi swój lud pokojem.