< Mga Awit 26 >
1 Hatulan mo ako, Yahweh, dahil lumakad ako nang may dangal; Nagtiwala ako kay Yahweh nang walang pag-aalinlangan.
In finem, Psalmus David. Iudica me Domine, quoniam ego in innocentia mea ingressus sum: et in Domino sperans non infirmabor.
2 Siyasatin mo ako, Yahweh, at ako ay iyong subukin; subukin mo ang kadalisayan ng aking mga kaloob-looban at ang aking puso!
Proba me Domine, et tenta me: ure renes meos et cor meum.
3 Dahil ang iyong katapatan sa tipan ay nasa harap ng aking mga mata, at ako ay lumalakad sa iyong katotohanan.
Quoniam misericordia tua ante oculos meos est: et complacui in veritate tua.
4 Hindi ako nakikisama sa mga mandaraya, o nakikisalamuha sa mga hindi tapat.
Non sedi cum concilio vanitatis: et cum iniqua gerentibus non introibo.
5 Napopoot ako sa kapulungan ng mga gumagawa ng kasamaan, at hindi ako nakikipamuhay sa mga masasama.
Odivi ecclesiam malignantium: et cum impiis non sedebo.
6 Hinuhugasan ko ang aking mga kamay sa kawalan ng kasalanan, at pumupunta ako sa paligid ng iyong altar, Yahweh,
Lavabo inter innocentes manus meas: et circumdabo altare tuum Domine:
7 para umawit ng isang malakas na awitin ng papuri at ibalita ang lahat ng iyong mga kahanga-hangang mga gawa.
Ut audiam vocem laudis, et enarrem universa mirabilia tua.
8 Yahweh, mahal ko ang tahanan kung saan ka naninirahan, ang lugar na pinananahanan ng iyong kaluwalhatian.
Domine dilexi decorem domus tuæ, et locum habitationis gloriæ tuæ.
9 Huwag mo akong walisin kasama ng mga makasalanan, o ang aking buhay kasama ng mga taong hayok sa dugo,
Ne perdas cum impiis Deus animam meam, et cum viris sanguinum vitam meam:
10 kung saan ang mga kamay ay may masamang balak, at sa kanang kamay ay puno ng mga suhol.
In quorum manibus iniquitates sunt: dextera eorum repleta est muneribus.
11 Pero para sa akin, lalakad ako nang may dangal; tubusin mo ako at maawa ka sa akin.
Ego autem in innocentia mea ingressus sum: redime me, et miserere mei.
12 Nakatayo ang aking paa sa pantay na tuntungan; sa mga kapulungan ay pupurihin ko si Yahweh!
Pes meus stetit in directo: in ecclesiis benedicam te Domine.