< Mga Awit 24 >

1 Ang buong lupain ay kay Yahweh, ang daigdig at ang lahat ng naninirahan dito.
A psalm of David. The earth is Yahweh's, and its fullness, the world, and all who live in it.
2 Dahil itinatag niya ito sa mga karagatan at itinaguyod sa mga ilog.
For he has founded it upon the seas and established it on the rivers.
3 Sino ang aakyat sa bundok ni Yahweh? Sino ang tatayo sa kaniyang banal na lugar?
Who will ascend the mountain of Yahweh? Who will stand in his holy place?
4 Siya na may malinis na mga kamay at dalisay na puso; siyang hindi nagtatanghal ng mga kasinungalingan, at hindi nanunumpa para lang manlinlang.
He who has clean hands and a pure heart; who has not lifted up a falsehood, and has not sworn an oath in order to deceive.
5 Makatatanggap siya ng pagpapala mula kay Yahweh at katuwiran mula sa Diyos ng kaniyang kaligtasan.
He will receive a blessing from Yahweh and righteousness from the God of his salvation.
6 Iyan ang salinlahi ng mga naghahanap sa kaniya, (sila) na humahanap sa mukha ng Diyos ni Jacob. (Selah)
Such is the generation of those who seek him, those who seek the face of the God of Jacob. (Selah)
7 Bumukas kayo, kayong mga tarangkahan, bumukas kayo, kayong walang-hanggang mga pintuan, para ang Hari ng kaluwalhatian ay makapasok!
Lift up your heads, you gates; be lifted up, everlasting doors, so that the King of glory may come in!
8 Sino ang Hari ng kaluwalhatian? Si Yahweh, ang malakas at makapangyarihan; si Yahweh, ang makapangyarihan sa digmaan.
Who is this King of glory? Yahweh, strong and mighty; Yahweh, mighty in battle.
9 Bumukas kayo, kayong mga tarangkahan, bumukas kayo, kayong walang-hanggang mga pintuan, para ang Hari ng kaluwalhatian ay makapasok!
Lift up your heads, you gates; be lifted up, everlasting doors, so that the King of glory may come in!
10 Sino ang Hari ng kaluwalhatian? Si Yahweh ng mga hukbo, siya ang Hari ng kaluwalhatian. (Selah)
Who is this King of glory? Yahweh of hosts, he is the King of glory. (Selah)

< Mga Awit 24 >