< Mga Awit 22 >

1 Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit napakalayo mo mula sa pagliligtas sa akin at malayo mula sa mga salita ng aking paghihirap?
Moj Bog, moj Bog, zakaj si me zapustil? Zakaj si tako daleč proč od pomoči meni in od besed mojega vpitja?
2 Diyos ko, maghapon akong nananawagan sa iyo, pero hindi ka sumasagot, at maging sa gabi ako ay walang katahimikan!
Oh moj Bog, jokam podnevi, toda ti me ne uslišiš in v nočnem času in nisem tiho.
3 Pero ikaw ay banal; ikaw ay nakaupo bilang hari kasama ang mga papuri ng Israel.
Toda ti si svet, oh ti, ki naseljuješ Izraelove hvalnice.
4 Ang aming mga ninuno ay nagtiwala sa iyo; nagtiwala (sila) sa iyo at (sila) ay niligtas mo.
Naši očetje so zaupali vate. Zaupali so in si jih osvobodil.
5 Dumaing (sila) sa iyo at (sila) ay niligtas mo. Nagtiwala (sila) sa iyo at hindi (sila) nabigo.
Klicali so k tebi in so bili osvobojeni. Zaupali so vate in niso bili zbegani.
6 Pero ako ay parang isang uod at hindi isang tao, isang kahihiyan sa sangkatauhan at pinagtatawanan ng mga tao.
Toda jaz sem [škrlatni] črv in ne mož; graja ljudem in preziran od ljudstva.
7 Silang lahat na nakakakita sa akin ay kinukutya ako; hinahamak nila ako; ang kanilang mga ulo ay napapailing sa akin.
Vsi, ki me vidijo, se mi smejijo do norčevanja. Namrdnejo ustnico [in] zmajujejo z glavo, rekoč:
8 Sinasabi nila, “Nagtitiwala siya kay Yahweh, hayaan natin na iligtas siya ni Yahweh. Hayaan natin na sagipin siya ni Yahweh, dahil nalulugod siya sa kaniya.”
»Zaupal je v Gospoda, da ga bo osvobodil. Naj ga reši, glede na to, da se je razveseljeval v njem.«
9 Dahil kinuha mo ako mula sa sinapupunan; hinayaan mong magtiwala ako sa iyo habang ako ay nasa dibdib ng aking ina.
Toda ti si ta, ki me je potegnil iz maternice. Oblikoval si mi zaupanje, ko sem bil na prsih svoje matere.
10 Ipinagkatiwala na ako sa iyo mula pa sa sinapupunan; ikaw ang aking Diyos simula pa ng ako ay nasa sinapupunan ng aking ina!
Iz maternice sem bil vržen nate. Ti si moj Bog od trebuha moje matere.
11 Huwag kang lumayo mula sa akin dahil malapit lang ang kaguluhan; walang sinuman ang tutulong.
Ne bodi daleč od mene, kajti stiska je blizu, kajti nikogar ni, da pomaga.
12 Pinaliligiran ako ng maraming mga toro; pinapaligiran ako ng malalakas na mga toro ng Bashan.
Obdalo me je mnogo bikov. Močni bašánski biki so me obdali naokoli.
13 Binubuksan nila ang kanilang bibig para sa akin na parang isang umaatungal na leon na niluluray ang kaniyang biktima.
S svojimi gobci so zevali vame, kakor ropa željan in rjoveč lev.
14 Ako ay parang natapong tubig, at lahat ng aking mga buto ay nalinsad. Ang aking puso ay tulad ng pagkit; natutunaw ito sa kaloob-loobang bahagi ko.
Izlit sem kakor voda in vse moje kosti so izpahnjene. Moje srce je podobno vosku, stopljeno je v sredi moje notranjosti.
15 Ang aking lakas ay parang natuyong piraso ng palayukan; ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala. Inilagay mo ako sa alabok ng kamatayan.
Moja moč je izsušena kakor črepinja in moj jezik se lepi k mojim čeljustim in ti si me privedel v smrtni prah.
16 Dahil pinapaligiran ako ng mga aso; napalibutan ako ng samahan na mga mapaggawa ng masama; tinusok nila ang aking mga kamay at mga paa.
Kajti psi so me obdali. Zajel me je zbor zlobnih. Prebodli so moje roke in moja stopala.
17 Nabibilang ko na ang aking mga buto. Tumitingin at tumititig (sila) sa akin.
Vse svoje kosti lahko razločim. Oni pa gledajo in strmijo vame.
18 Pinaghahatian nila ang aking mga kasuotan sa kanilang mga sarili, pinagpipilian nila ang aking mga damit.
Moje obleke si razdeljujejo med seboj in za mojo suknjo so metali žrebe.
19 Huwag kang lumayo, Yahweh; hinihiling kong magmadali ka para tulungan ako, aking kalakasan!
Toda ti, oh Gospod, ne bodi daleč od mene. Oh moja moč, hiti, da mi pomagaš.
20 Iligtas mo ang aking kaluluwa mula sa espada, ang tanging buhay ko mula sa mga kuko ng mabangis na mga aso.
Osvobodi mojo dušo pred mečem, mojo ljubljeno pred močjo psa.
21 Iligtas mo ako mula sa bibig ng leon; iligtas mo ako mula sa mga sungay ng mababangis na toro.
Reši me pred levjimi usti, kajti uslišal si me pred rogovi samorogov.
22 Ihahayag ko ang iyong pangalan sa aking mga kapatid; sa gitna ng kapulungan ay pupurihin kita.
Tvoje ime bom oznanjal svojim bratom. Na sredi skupnosti te bom hvalil.
23 Kayo na may takot kay Yahweh, purihin siya! Kayong lahat na mga kaapu-apuhan ni Jacob, parangalan siya! Ipakita niyo ang inyong pagkamangha sa kaniya, kayong lahat na mga kaapu-apuhan ng Israel!
Vi, ki se bojite Gospoda, hvalite ga, vsi vi, seme Jakobovo, proslavite ga, in bojte se ga, vsi vi, seme Izraelovo.
24 Dahil hindi niya hinamak o pinabayaan ang pagdurusa ng naghihirap; hindi tinago ni Yahweh ang kaniyang mukha mula sa kaniya; nang umiyak ang naghihirap sa kaniya, dininig niya.
Kajti ni zaničeval niti preziral stiske stiskanih niti svojega obraza ni skrival pred njim; toda ko je klical k njemu, je slišal.
25 Ang aking pagpupuri ay dahil sa iyo sa gitna ng napakalaking kapulungan; tutuparin ko ang aking mga panata sa harap nilang may takot sa kaniya.
Moja hvala v veliki skupnosti bo o tebi. Svoje zaobljube bom izpolnil pred tistimi, ki se ga bojijo.
26 Ang mga naaapi ay makakakain at mabubusog; (sila) na naghahanap kay Yahweh ay magpupuri sa kaniya. Nawa ang inyong mga puso ay mabuhay magpakailanman.
Krotki bodo jedli in bodo nasičeni. Hvalili bodo Gospoda [tisti], ki ga iščejo. Vaše srce bo živelo na veke.
27 Ang lahat ng mga tao sa lupa ay aalalahanin at babalik kay Yahweh; lahat ng mga pamilya ng mga bansa ay luluhod sa iyong harapan.
Vsi konci zemlje se bodo spomnili in obrnili h Gospodu in vsa sorodstva narodov bodo oboževala pred teboj.
28 Dahil ang kaharian ay kay Yahweh; siya ang namumuno sa mga bansa.
Kajti kraljestvo je Gospodovo in on je voditelj med narodi.
29 Lahat ng mga mayayaman sa lupa ay magpipista at sasamba; silang lahat na mapupunta sa alabok ay luluhod sa harapan niya, (sila) na hindi kayang panatilihin ang kanilang sariling buhay.
Vsi tisti, ki so na zemlji obilni, bodo jedli in oboževali. Vsi tisti, ki gredo dol v prah, se bodo poklonili pred njim, svoje lastne duše pa nihče ne more ohraniti žive.
30 Ang isang salinlahi ay darating para siya ay paglingkuran; sasabihin nila sa susunod na salinlahi ang tungkol sa Panginoon.
Seme mu bo služilo; to bo šteto h Gospodu za rod.
31 Darating (sila) at ipapahayag ang kaniyang katuwiran; ipamamalita nila sa mga taong hindi pa naipapanganak kung ano ang kaniyang nagawa!
Prišli bodo in oznanjali bodo njegovo pravičnost ljudem, ki bodo rojeni, da je on to storil.

< Mga Awit 22 >